Irish's Point of View
Laking gulat ko nung nakipagkaibigan sa akin si Kurt. Masaya na masaya na ako kasi siya pa yung nakipagkaibigan sa akin.
"Bilhan mo ako ng burger sa canteen", paamo na tono na sabi ni Kurt.
Napasimangot na lang ako sa kanya. "Bakit ako pa? Kaibigan mo pa man ako?", malungkot kong sabi sa kanya habang nakapuppy eyes sa kanya.
Bigla siyang nagsigh at umiwas ng tingin. "Even we are friends, it doesn't change the fact that your my maid. Hindi pa rin kita mapapatawad sa ginawa mo. Tandaan mo yan"
Heh! Akala ko pa man na mabait na talaga siya ngayon. Hindi pala. Nakakainis. Kahit siya pa yung nakikipagkaibigan, tinuturing pa rin niya akong maid? Nakakaasar na siya ah.
"Diba 'forgive your friends'? At napatawad naman kita sa mga ginawa mo sa aking MAS masama pa sa ginawa ko", tinarayan ko siya habang inilagay ko yung arms ko sa chest ko. Lumingon siya sa akin at nagsmirk.
"Wag ka ngang arte dyan. Binabayaran ka ng mga magulang ko, tandaan mo yan.", sigaw niya sa akin at napatayo na lang ako at badabog akong tumakbo patungo sa canteen na dala-dala yung pera na bigay niya. Kahit masakit na yung mga paa ko, tumakbo pa rin.
Waaaah. Akala ko mabait na siya sa akin, yun pala, masungit pa rin. Akala ko pa man na kaibigan na niya talaga ako. Eh tinatrato pa rin niya akong maid eh.
Habang palabas na ako sa classroom, bigla akong hinila ni Reign at ni Zeira. Napabugtong hininga na lang ako nung lumapit ako sa kanila.
"Samahan ka nalang namin. Pupunta din kami sa canteen", sabi ni Reign habang naglalakad kami patungo sa canteen. Nga pala, kaibigan ko na 'tong dalawang ito. Ang kulit-kulit nila at mukhang hindi nila ako sasaktan.
Kinakabahan ako sa mga titig ng mga ibang estudyante sa akin. Parang kakainin na nila ako ng buo sa mga titig nila. Napayuko na lang ako at lumapit na sa tindera.
Bumili na ako ng dalawang hamburger at dalawang coke. Para sa akin at kay Kurt. Gutom na din kaya ako. Napangiti na lang ako sa dalawa kong kaibigan habang nagkwekwentuhan kami.
Pumasok na kaming tatlo sa room at binigay ko na yung pinabili ng HARING Kurt at inarapan siya. Habang palakad na ako sa upuan ko biglang nanghina yung mga paa ko at napasandal ako sa upuan ko.
"Irish!!", rinig ko yung sigaw ni Kurt. Pilit akong tumayo at ningitian siya ng mapait. Ang sakit talaga ng mga paa ko. Parang nagdudugo nanaman iyun.
"O-Okay lang ako. I can manage.", sabi ko sa kanya at umupo na. Sincere and pity are all over his face. Hindi ako makatingin sa kanya at kumain na sa binili ko.
Hindi ko na siya pinansin. Ugh, ayoko siyang pansinin baka ipagbibili nanaman niya ako eh ang sakit ng mga paa ko.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Teen Fiction(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...