Yakap yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin na nanggagaling sa ulan. Nakaupo ako sa labas ng apartment na dalawang taon ko nang inuupahan.
Tumingala ako para sana makita ang mga bituin, ngunit ako'y bigo. Oo nga naman pala, umuulan, paano magkakaroon ng mga bituin. Tumayo ako at iginala ang mga mata ko. May mga sasakyan na nakaparada. May mga taong naglalakad at tumatakbo sa gitna ng ulan. Ang iba ay naiinis dahil sa lakas nito habang ang iba naman ay ninanamnam ang lakas ng ulan. Tinanong ko ang sarili ko kung saan ako mas nababagay, sa mga taong pilit tinatakbuhan ang lakas ng ulan kahit na alam nila na wala silang takas o sa mga tao ba na sumasabay na lamang sa lakas ng ulan dahil alam nilang wala na silang takas? Napapalatak ako at ngumiti. Hanggang ngayon hindi ko pa kaya.. hindi ko pa kayang maging masaya kahit ilang taon na ang nakakalipas. Nakatapos ako ng pag-aaral, nakahanap ng trabaho, nagkaroon ng matitirhan pero hindi ko pa rin magawang maging masaya.
Ganito na lang siguro ang buhay ko. Ang maging mag-isa sa harap ng lahat ng problema. Kahit hindi ko isipin, pilit na pumapasok sa isip ko na mag-isa na lang ako sa buhay. Oo nga at may mga kaibigan ako, ngunit hindi pa rin sapat. Hindi sapat lahat. Bahagya akong natawa at napailing, wala akong ibang masisi dahil ganito ako kundi ang mama ko. Hindi ko kayang makuntento, hindi ko kayang magtiwala nang lubos at hindi ko kayang tumanggap ng mga pangako dahil alam kong sa huli, hindi naman matutupad. Nakakatawa. Isa akong Psychiatrist, mahilig mangako sa mga pasyente ko na tutulungan ko sila yet I am here, not capable of believing every promises.
"Ipokrita ka, Toni." Bulong ko sa sarili ko. Saglit ko pang pinagmasdan ang kapaligiran pagkatapos ay napagdesisyunan ko na pumasok sa loob. Huminga ako nang malalim at ang loob naman ng bahay ang sinuri ko. Kumpleto. May kusina, may dining area, may cr, may isang kwarto, sa madaling salita, sapat para sa isang tao. Sapat lang para sa akin. Nagkasya ang lahat nang iyon sa isang palapag lamang. Hindi maliit at hindi rin naman kalakihan. Dinala ako ng mga paa ko sa kusina. Sa mga ganitong panahon, kape ang kayang magpanatag ng loob ko. Tinimpla ko ang tamang gusto kong lasa para sa kape ko.
"Ahh.."
"Wow, Toni, wow.." Kunot-noo akong lumingon sa pinto ng apartment ko. Bigla na lamang umikot ang mga mata ko at marahas na bumuntong hininga kung sino ang nandoon.
"What?" Tanong ko nang nakatalikod sa kanya. Narinig ko ang pagpalatak n'ya kaya mahina akong natawa.
"You're so rude talaga kahit kailan." Ngayong nasa harapan ko na siya kitang-kita ko na kung paano tumirik ang mga mata n'ya dahil sa akin.
"Bakit ka ba nandito? You are not welcome here," Panunuya ko sa kanya. Tumalim ang tingin n'ya sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Whatever, Toni. Don't you have social life? Weekdays, nasa hospital ka, tapos ano? Weekends naman nandito ka sa bahay mo, nakatengga! C'mon, doc, loosen up!" Sabi niya habang nakapameywang. Okay, this is Lorie. She was my patient three years ago. Actually, she was my first patient. After I got my license as a Psychiatrist, natanggap ako sa isang hospital. Ayoko man, pero malaki ang utang na loob ko sa babaeng ito. After her therapy, sinuggest niya ako sa lahat ng kakilala n'yang nangangailangan ng tulong. Three years as a Psychiatrist, marami na akong nakasalamuhang iba't-ibang uri ng tao. For Lorie's case, she had a depression because of her past but that is not my story to tell.
"Please get out. I need to rest. Ang dami kong pasyente kahapon," I told her. Parang bata siyang nagpapapadyak at mejo malakas na napalo ang lamesa ko. Tinaliman ko siya ng tingin pero hindi natinag ang bruha.
"Please Doc Vidal. Sumama ka sakin. We'll go to bar. Promise, I will let you sit.." Umikot na naman ang mga mata nya. "... the whole time while I drink and dance, okay?" Suhestiyon niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
General FictionLumaki ang batang si Antonia Vidal sa puder ng kanyang tiyahin. Hindi man niya ninais ang ideyang iyon ngunit wala siyang nagawa dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ina nang lumipad ito papuntang Espanya. Ipinangako sa kanya ng kanyang ina, Imelda...