THIRD PERSONS POINT OF VIEW.
Umusok na ang ilong ni lucy kakahintay sa kanyang boyfriend na si zack...
bagot na bagot syang nakaupo sa swing habang sinisipa ang mga buhangin sa sahig,dito nalang niya nilabas ang kanyang galit...
ngunit matapos ang humigit isang oras na paghihintay ay napagdesisyunan nya nang umuwi na lamang,
1st monthsary panaman nila ngayon at balak nilang lumabas,
ngunit tila inindian sya ng binata...
nag umpisa na syang maglakad...
na inggit sya sa kanyang nakita...
dahil sa habang sa sya ay naglalakad sumasalungat sa kanya ang mga kalalakihan at kababaihan na tila mga magkasintahan...
lalo syang na inggit ng ma pansin nyang nagbabalat ang isang binata ng tsokolate at marahang isinubo sa kanyang kapareha,ito pa naman ang ginagawa ng binata sa tuwing ngalalambing sa dalaga.
napansin din nya ang isang lalake na nakaback hug sa babae habang naglalakad,madalas itong gawin sa kanya ng binata kapag naglalambingan sila...
lalo syang nanlumo ng mapansin ang isang dalaga na tila nagtatampo sa isang binata at may hawak na bulaklak yung lalake,hahaha!!!di na sya nagtataka sa nakita...
siguroy katulad din nya ang babae na diring-diri sa mga bulaklak at bahong-baho rito...
'teka,parang lahat ng ito ay nangyari saamin ni zack ah'sa isip-isip ng dalaga...
sobra na ang kalungkutang kanyang naramdaman kaya biglang nagunahan ang kanyang mga luha sa pag patak...
Kayat umupo muna sya sa isang bench...inungod-ngod nya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad habang patuloy parin sa pag iyak...
Tila yata talagang inaasar sya ng tadhana dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan...
at parang naging manhid ang kanyang katawan at tila hindi nararamdaman ang pagbuhos ng ulan at patuloy parin sa pag iyak...
Sinasabayan ng pag patak ng ulan ang ritmo ng kanyang luha...
Ang agos ng tubig ay ang nagsisilbi nyang musika...
Pero biglang binalot ng pagtataka ang dalaga dahil sa patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan pero hindi ito tumatama sa kanyang katawan.
at buhat na rin ng pagtataka ay sinilip nya ang pumoprotekta sa kanya mula sa ulan...
"zack?" ang tanging nabigkas ng dalaga at bigla syang niyakap ng binata...
Mas lalo syang naiyak nang bumulong ito sa kanya...
"i love you..."
"i hate you..."ang bulong sa kanya
"i love you more than you hate me..."paglalambing ng binata
"i love you more than you love me..."ang sagot naman ng dalaga at siniil ang binata ng isang napakatamis na halik.
hinubad ng binata ang kanyang suot na jacket at ibinalot sa katawan ng dalaga...
ng walang ano-anoy ...
Biglang hinatak ng binata ang dalaga
"san tayo pupunta??"
"basta...babawe ako"
Tsaka lang napansin ng dalaga ang isang parang hose ito siguro ang nagdahilan ng ulan...at marahil pinlano talaga ito ni zack...napangiti nalang ang dalaga...
________________________________________________________________
A/N
Si lucy po yung nasa multimedia,opo maikli po yung bohok nya dahil sa wala lang...
yun lang kase yung isa sa mga napagtripan kong peg ni lucy eh...hahaha
P.S.
lab yah <3
-ricricric375
BINABASA MO ANG
Ways To Kill Your Boyfriend's Fangirl
FanfictionLucy jane torres is a beautiful lady with a kind personality and a good attitude. But never ever put an eye to her boyfriend,cause she can kill you!!! Let's find true identity behind the mask on her face...