Chan's POV
"Anong ibig sabihin nito?" bakit ganito yung ayos ko? Nakatulog lang ako sandali pag gising ko ganito na! EARTH! WHATS HAPPENING ON YOU BA?!
"Hindi niyo po ba alam mam?" what?! Anong di alam? Ano bang meron?
"Hindi..nagtatanong nga ako diba? Ano bang meron?"
"Mam Ikakasal po kayo ngayon!" ngiting ngiting sabi ng nagaayos sakin kanina...Ikakasal lang pala eh..kala ko naman kung ano..Putspa! TEKA! TAMA BA YUNG NARINIG KO?! IKAKASAL?! AKO?! JUSKO DAYYYYYY!!!!!
"AKO YUNG BRIDE?! ANONG TRIP NIYO?! HINDI KO ALAM TO!" tae naman! Natulog lang ako sandali naging bride na ko pag gising ko!!baka naman mamaya jan kapag natulog ulit ako may sampung anak na ko pag gising ko...Grabeng buhay to!ang bilis mag fast forward ah! Di manlang ako na inform!!
*knock*knock*
"Come in!" sigaw nung babae..
"Omg sis Gising ka na!!! You look Gorgeous in that wedding gown! Sabi na eh bagay sayo yan kasi ako pumili niyan!!hahahaha!!" nakakagulat naman to! So kasabwat din pala siya dito sa unexpected wedding nato! Satingin ko nga siya yung made of honour ko...
"Ah ganon..Kasabwat ka pala sa wedding na ito.."
"Of course sis! Ako kaya ang maid of honour mo!"
"Ok..anong oras start ng wedding?" nagising kasi ako 7:30 na so 1hr pala akong natulog...not bad..
"8 pm sis..may 30 mins ka pa para mag ready.."
"Ano pang i reready ko? Eh Dyosa nako oh!" tumayo ako tapos rumampa pero napansin ko wala akong heels.. Nakapaa lang ako habang rumarampa... Infairness ang ganda pumili ng gown neto ni Celine ah.. Kaso nga lang masyadong mahaba yung dulo kaya ang bigat kapag nag lalakad...Well ok lang maganda naman ako ay correction di lang pala basta maganda GORGEOUS!


"Oh sis thats enough! Di mo ba napapansin na wala kang heels? O eto..suutin mo nayan" sabi niya tapos binigay sakin yung box.. Binuksan ko naman yun at wow.. May kumikinang pa talaga hah.. Feeling ko si Celine nanaman ang pumili nito.. Style niya to eh or should i say style ko rin dahil parehas lang kami ng style..hahaha...
Sinuot ko na yung heels at bam! Perfect! Feeling ko ako ang Dyosa ngayong gabi! Pero kapag naiisip ko na hindi ko mahal yung papakasalan ko nalulungkot ako kasi masasayang lang lahat ng effort na to..Hindi siya worth it..Buti sana kung mahal namin ang isat isa eh magiging memorable lahat ng magaganap ngayong gabi...Hayy..
"Chan? Ano iniisip mo? Mukhang malalim ah.." nabalik ako sa realidad nung narinig ko yung boses ni Celine.. Oo malalim sobrang lalim..
"Eh kasi kapag na--"
"Wait!" biglang sigaw ni Celine tapos tumingin siya dun sa nag aayos saakin kanina..wow ha pinutol pa talaga yung speech ko..
"Uhm ate can you pls. go outside muna? Mag ha-heart to heart talk kami bago ang wedding niya later...Dont worry ako nalang ang mag reretouch sakanya Maid of Honour naman niya ako eh ha..Thankyou po.." sabi ni Celine dun sa babae at ayun gumora na..siya naman ni lock niya agad ang pinto pagka labas na pagkalabas ni ateng tagaayos..
"So ano na sis? Tuloy mo na may 30 mins pa tayo.." agad kong tinignan relo ko.. 30 mins daw eh 7:40 na.. Baka 20 mins nalang..loka talaga to..

BINABASA MO ANG
Married to a Pervert Casanova Mafia (ON GOING)
CasualeHi guys!!! Pls Read and Support this Story!! My name is Chan!! Naniniwala ako na walang nabubuong magandang Relation kung ang makakasama for the rest of your life ay ang taong hindi mo naman kilala... kakayanin ko kayang pakisamahan siya Araw araw...