Chapter I

8 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw. Ang sarap sa pakiramdam. Ang ganda ng sight.

Tok! tok! tok!

Aba ang aga aga may kumakatok, anong oras na ba? Tinignan ko ung orasan sa table.
"Hala 6 na!!!!!" Oh my gulay malelate na ako huhuhu.

Tok! Tok! Tok!

Ay may kumakatok nga pala.

"Sandali lang po" naglakad ako papuntang pintuan.

Pagbukas ko may nakita ako gwapo o.O

"Hi Beautiful. Good Morning :) " oh snap that smile :) ang yummy xD sorry ang landi hahahah ay wait nga.

"Sino po kayo?Sino po kailangan niyo?" Heheh ambait kong bata noh xD.

"Hindi mo ba ko nakikilala? Aray naman!" Sabay hawak sa dibdib niya.

"Itatanong ko po ba kung kilala ko kayo?" Ayan masungit na ko...

Kabatrip kasi ee .

kakagising ko lang . tas may narealize ako.

"Ay kuya pwede mamaya na lang po tayo magusap??? Late na po kasi ako e. Bye!"

Sabay sarado ng pinto. Heheh ambastos xD

Pagkasarado ko ng pinto abay katok parin ng katok.

Hindi ko na pinansin kasi as in late na talaga ako.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ako nagpapatugtog ako ng kanta...

Parang may concert sa cr hahaha. Pagkatapos ng tatlong kanta, tapos na rin ako maligo..

Bumalik ako sa kwarto ko at nagbihis. Habang nagbibihis napatingin ako sa bintana.

Ang ganda talaga ng view.

Ay nga pala nakatira ako sa condo.

Regalo sakin ng parents ko kasi nakapaggraduate ako ng with honors sa nakaraan ko na school :) .

hindi naman kami mayaman. Nagulat nga ako ng niregaluhan nila ako e.

For sure antagal nilang inipon ung pangbayad dun.

Kaya super thankful ako sa kanila. Kaya lahat ng ginagawa ko ay para sa ikakasaya at ikakaproud nila saakin.

Ako nga pala si Andreanna Perez :) 1st year College ako sa Unicorn University. 16 years old na ako. Simple lang nmn yung pamumuhay ko sa balat ng earth xD

Aba! Hahaha sa kakadaldal ko natapos na ko magbihis.

Ready na akong pumasok. 6:30 na ako nakaalis..

Heheh ambilis ko pala kumilos xD ganun talaga pagstress e.

Pagbukas ko ng pintuan. Nandun pa rin ung lalaki kanina. Nakasandal siya sa pader.

Dinaan ko lang siya. Tas sumakay ako ng elevator.

Nasa 26 floor ung condo ko. So mahabang habang elevator ride to hehe.

Sakto walang tao ung lift. Pasara na sana ung door kaso may paang humarang.

Tas bumukas ulit ung door tapos pumasok si mystery guy.

Hindi ko siya pinansin hahah. Nakatingin ako sa ibang lugar.

"Hi Drea! Pwede ba tayo magusap?" Aba napalingon ako sa kanya ng sinabi niya ung pangalan ko.

Sino tong lalaki na to. Bat niya ko kilala?? Hala kinakabahan na ako.

"Sorry po pero sino po kayo? Bat niyo po ako kilala?" Kinakabahan na talaga ako o.O

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" Aba yan nanaman siya. Hindi nmn ako magtatanong kung kilala ko siya diba?

pasalamat siya mukha siyang mabait at gwapo siya kundi kanina ko pa siya napepper spray sa mukha.

"Drea please. Magusap naman tayo. Sorry talaga sa lahat ng nasabi ko sayo."

"Sorry kuya pero baka namali kayo ng Drea na kinakausap. Hindi ko po kayo kilala" sakto biglang bumukas ung door, nasa ground floor napala.

Umalis agad ako tas naghanap ng masasakyan habang tinatawag ako nung guy.

"Drea sandali. I understand kung ayaw mo akong kausapin matapos nung mga pinagsasabi ko sayo pero please hear me out." Gulong gulo na ako sa taong ito.

"Kuya please namali po kayo ng tao... Hindi po ako ung kakilala niyo. Aalis na po ako. Malelate na po kasi ako." Hay ang kulit nmn nitong tao nato.

"Hindi ko alam na ganto mo pala kabilis makakalimutan ang isang Skylar San Jose" napatigil ako ..

Parang narinig ko na yang pangalan na yan. Kaso hindi ko alam kung saan.

"Sorry kuya hindi po talaga ako yung hinahanap niyo. Pasensiya na kuya Skylar" tas naglakad na ako sa may sakayan ng jeep.

"Sige papalampasin ko muna ngayon." Narinig kong binulong niya un.

Nakakita na ako ng jeep .

sumakay na ako.

Jusko super sikip pero ung driver ayaw pa umalis.

Nagtatawag parin ng pasahero.

What the o.O

Sumakay si guy tapos sa tabi ko pa siya sumingit.

"Kuya sabi ko na po diba na hind---" naputol ung sasabihin ko kasi may biglang dumikit sa labi ko o.O

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon