•••••••••••••••••••
Jane's POV"Guys! Ayusin niyo na yan. Bilis! Yung mga boys tulungan n'yo na sila dun. Bilisan natin guys kasi maya-maya nandito na si Sir."
Naghahanda kami ng surprise para kay Sir De Leon, Thanksgiving para sa pagtuturo niya sa amin. Last day na niya sa amin. Kahit na 2 weeks lang yun marami kaming natutunan sa kanya. Sobrang bait, grabe!
And bilang class president naisip ko na bigyan siya ng surprise. And each of us, may regalo sa kanya. Oh ha! Yayamanin sila eh. Hehe :D
"Sofia, nand'yan na ba si Sir?" tanong ko. Look out namin sila ni Maris para hindi masira yung plano ;)
"Ah! Wala pa."
So inayos muna namin ang lahat ng kailangang ayusin.
' Sometimes you think you'll be fine by yourself
Cause a dream is a wish that you make all alone
It's easy to feel like you don't need help
But it's harder to walk on your own 'Kanta ng mga classmates ko, nagpa-practice sila para sa kakantahin namin mamaya.
[A/N: Readers, nakakarelate na kayo? I'm sure ginagawa niyo rin toh kapag may thanksgivings kayo sa mga Teachers niyo.]
"JANNEEE!!" halos tumalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Sofia.
"What?!"
"Papunta na dito si Sir!" Sigaw niya.
"Pwede ba wag ka ngang sumigaw."
"Excited na ko eh." lumabas naman ako para sumilip sa corridor at nakita namin si Sir na galing sa kabilang building at papunta na siya sa building namin.
"Guys, papunta na si Sir dito. Dapat tahimik lang tayo pagpasok niya. Tapos tsaka ko ipuputok yung confetti cannon. And then, boom! Okay? Okay na? Basta yung pinag-usapan natin kahapon okay?" natataranta kong sabi.
"Paakyat na si Sir." sabi ni Maris.
Umupo na kaming lahat at kunwari nagbabasa kami ng libro para kunwari busy-busyhan.
Pumasok na si Sir.
"Oh ang tahimik n'yo ah. Hmmm... At nagbabasa p---"
*PAK!* [A/N: Tunog po yan ng confetti cannon. Haha! Di ko po alam sound effect nun XD ]
"SURPRISE!!!" tapos nilabas namin yung mga gift namin para sa kanya. Gulat na gulat naman si Sir sa mga nangyayari.
Tumayo naman ako para paupuin si Sir sa gitna sa bandang likod.
BINABASA MO ANG
If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)
FanfictionHave you ever felt like you don't know what's going on anymore? You've lost your motivations to do anything. You are confused about your past and you have that feeling of emptiness and the feeling that no one is there for you. That feeling that no...