Kabanata 5

18.5K 426 39
                                    


Tumungo na kami sa dining room ng bahay ni Reina, tumabi ako sa kanya habang si Fairel naman ay pumwesto sa kabilang dulo ng mesa at nakaharap sa akin, nakangisi lang ako sa kanya. "Baby, ano ang meron for lunch?" Tanong ko kay Reina habang nakatingin sa mga mata ni Fairel, mga matang minsan ko nang pinahalagahan.

"Steak, adobong sitaw, at saka tinola na may ampalaya, tapos may turon for desert at may calamansi juice akong tinimpla." Saad niya at saka tumayo na, dumiretso siya sa kusina siguro upang kumuha ng mga plato at ang pagkain, ako naman ay nakatingin pa rin kay Fairel.

"So... kumusta ang pagiging artista? Masaya ba? Siguro oo, kasi iyon ang mas pinili mo." Hindi ako. Natigilan siya dahil sa tanong ko, "sabik na sabik na kitang saktan, Fairel. Hindi pisikal kundi emosyonal, walang mas masakit sa pinipigang damdamin." Hininahan ko ang boses ko upang hindi mauulinigan ni Reina na abala sa pangangamkam ng mga pinggan.

Akmang magsasalita siya nang tumayo ako at saka tinunton si Reina, napatikom tuloy siya ng bibig at pinagmasdan na lamang ang paglisan ko, "ako na ang magbubuhat dito." Sabi ko kay Reina saka tinuro ang kaserola, tumango naman siya, akmang aalis siya nang nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa gilid niya dahilan upang hindi siya makagalaw.

Tila ba isa siyang malamig na estatwang nanatili sa kanyang gawi, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at hinalikan ang dulo nito, pagmasdan mo ang gagawin ko kay Reina, Fairel. Pagmasdan mo.

Dumapo ang halik ko sa kanyang tenga pababa hanggang sa leeg niya, halos mabitawan ni Reina ang hawak niyang pinggan ngunit nasalo ko ito, agad kong nilapag sa lababo sa likuran namin ang mga ito at bumalik sa aking ginagawa, hinimas ko ang kanyang dibdib...

"Ano ang ginagawa mo, Tornado? May artista tayong bisita." Lumabi si Reina na tila ba nahihirapan sa aking ginagawa sa kanya, "mamaya na lang, huwag dito sa kusina... ahhh..." Napaungol siya ng malakas kaya naman ngumisi ako.

Nang magsawa ako ay tumigil na ako at hinalikan ko si Reina sa kanyang labi, "I will fuck you hard tonight, masakit pa ba ito?" Tanong ko saka ko pinasok sa loob ng sweatpants niya ang kamay ko, my fingers landed on her curly folds and she moaned.

"Medyo sore..." Napakagat siya sa baba ng kanyang labi, "mukhang inip na si Fairel, bilisan natin." Ngumiti siya sa akin at muling kinuha ang mga plato saka dumiretso na sa hapag kainan, binuhat ko na rin ang kaserola at nilagay sa mesa.

Nang nakahanda na ang lahat ay muli kaming umupo ni Reina at nagsimulang kumain, kaunti lang ang kinuha ni Fairel na tila wala siyang gana, sa gitna ng pagkain namin ay sinusubuan ko si Reina, pasikreto akong titingin kay Fairel na taimtim lamang nakatitig sa aming dalawa, na tila ba nasasaktan na.

Kingina ka wala kang karapatang masaktan, Fairel. Pero nakakatuwang makita ang kanyang ekspresyon, gusto ko pang makita. Gusto ko pang mas malala.

Sinadya kong malagyan ng kanin sa pisngi ni Reina, "oops baby, may kanin sa pisngi mo."

Akmang tatanggalin niya ito nang pigilan ko ang kanyang kamay sa mahigpit na hawak ko ngunit agad akong bumitiw nang nakitang nasaktan siya, hindi ko siya pwedeng saktan sa harap ni Fairel dahil magtataka siya.

Sinamaan ko na lang si Reina ng tingin ngunit agad itong napawi at pinalitan ng isang masayang tingin, "ako ang magtatanggal."

Bago ko nilapit ang mukha ko kay Reina ay tumingin muna ako kay Fairel saka nginisihan, gamit ang aking dila ay dinilaan ko ang pisngi ni Reina saka kinuha ang butil ng kanin, ramdam ko ang pagtaas ng balahibo sa katawan ni Reina at pamumula ng kanyang tenga.

Bumalik kami sa pagkain habang paminsan minsan kong sinusubuan si Reina na halatang sayang saya sa aking ginagawa, matapos ang ilang sandali ay tumikhim si Fairel. "Ano iyang nasa leeg mo?"

Break Me to fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon