"Best? Iniiwasan mo ba ako? Ayos pa tayo kahapon ah?" agad na bungad ni Kiyuu paglabas ko ng gate. naka civilian lang sya,yung usual nyang porma.
"Huh? Anong ginagawa mo dito? May lakad ako best." sabi ko na lang kahit gulat pa din ako.
"San ka pupunta?"
"May date kami ni Gero,best. Bukas na lang tayo mag usap." ani ko at isinara na ang gate at tuluyang lumabas. Saglit syang nanahimik.
"Dahil ba to sa nangyari kahapon?" malungkot na sabi nya. Huminga ako ng malalim. Ayoko magsinungaling sa kanya.
"Oo,naiilang ako. Hindi ko lubos maisip na kaya mo yung gawin,at sa akin pa." mahina kong sabi.
"Diba sabi ko sayo,trip lang yon,walang malisya?" pagpupumilit nya. Ito ang mahirap kay Kiyuu,makulit talaga.
"Kahit na,bestfriend mo ako. Lalaki ka,bakit mo isusubo ang ari ko? Bading ka na ba best?"
"Trip nga lang yon best! Nadala lang ako! Porket ba sinubo ko yang ari mo bading na ako?" sabi nya na medyo napalakas ang boses kaya hinila ko pa din sya palayo.
"Walang matinong lalaki ang isusubo ang ari ng kapwa nya lalaki best!" sabi ko. Ang hirap kausap nito pag nangungulit eh. Tiningnan ko ang paligid,mabuti wala masyadong tao.
"Meron! Ako! Kahit ilang beses pa! Pero hindi ibig sabihin nun bading na ako. Bading lang ba sumusubo sa ari ng lalaki? Diba pati babae? So bakit hindi pwede ang lalaki?"
"Ang tigas ng kukote mo Kiyuu! Hindi ka maka intindi,bumalik ka na sa school,may lakad pa kami ni Gero. Bukas tayo mag usap." ang buong pagpapasensya kong sabi.
"Nagustuhan mo naman diba? Parte lang yon ng bonding natin,at trip ko yon. Pero huwag mo naman akong iwasan dahil lang dun,ang tagal mo na ngang hindi sumama sa tropa eh." ang parang nagmamakaawa na nyang sabi. Ugh! Bestfriend ko to,kailangan ko pang habaan ang pisi ng pasensya ko.
"Tama na. Basta ganito,pag may bonding tayong dalawa,wala ng ganun. Maliwanag ba?"
"Pano pag gusto ko ulitin? Kung hindi mo nagustuhan pag aaralan at pag iigihan ko."
"Para kang bakla!" inis kong sabi.
"Bakit ikaw hindi? Hindi mo ba yon ginagawa kay Gero mo? Pareho lang tayo best."
"Iba yon,ginagawa ko yon sa kanya dahil kailangan at dahil mahal ko sya. Kaya hindi pwede yung sinasabi mo. Sige,kakalimutan kong nangyari yon,huwag na nating pag usapan pa at huwag ng mauulit pag may bonding tayo,at hindi na kita iiwasan." mahaba kong sabi.
Hindi ako makapaniwala na issue ito sa kanya at talagang pinag uusapan talaga namin. Pambihira.
"Mahal din naman kita kaya ganun ang ginawa ko." mahina nyang sabi pero hindi ko na nabigyang pansin dahil nagriring ang phone ko. Panigurado si Gero ito.
"Im sorry best. Bukas tayo mag usap." ang sabi ko at umalis na at sinagot ang tawag ni Gero.
-----
"Ayos dito ah? Ilang araw mo pinag isipan na dito ako dadalhin?" pang iinis ko kay Gero.
"Huwag ka mang inis dude. Baka sa bahay tayo mapunta nito." sagot ni Gero. Nandito kami ngayon sa sea side ng MOA,nakaupong magkahawak kamay at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kulay kahel na ang langit. Ang ganda talaga tingnan lalo na pag kasama mo ang taong mahal mo. Noong una,pag nadidinig ko sina Tina,Mariah at Claire na pinag uusapan ang ganito nakokornihan ako. Pero iba pala talaga.
"Kumain muna tayo sa restaurant ng kakilala ko bago manood ng concert" ani Gero sabay kindat. Nakakakilig talaga tong gagong to eh.
Ito ang sinasabi nyang date. Kanina nanood kami ng sine,ngayon nandito kami,at mamaya concert na ang pupuntahan namin. Hindi ko man idol ang papanoorin naming singer eh masaya naman ako na si Gero ang kasama kong manood.
BINABASA MO ANG
It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!
RomanceMUMU SA LIBRARY BOOK II - You must read first The book I. This is also KAYDEN's POV =)and its short. 10 chapters only. Enjoy!