[A/N:..yung kanta ni ron para kay sarah,play while reading:)]
Birthday ngayon ni sarah pero mukang may hindi pa ata sila pagkakaunawaan ni ron..syempre natural yan sa magkarelasyon,
****************************************************
Kumuha lang ng tinapay si ron pagka-baba galing sa kwarto saka na ito nagmamadaling umalis,nagtaka man si sab ay hindi na nya ito nakuhang tanungin
Maaga-aga pa ng nakarating sya sa terminal ng jeep,halos lakad-takbo ang ginawa nya at sa awa naman ng diyos ay may jeep na kaya nakasakay na sya at agad na nakarating sa school,panay sipat sya sa pambisig na relo at tantya nya ay makakarating sya sa oras
Dala ang isang punpon ng red roses ay agad nyang hinanap si kikay,diretso agad sya sa classroom nila at sa pagmamadali at sa pag-aakalang wala pang kaklase ay pumasok sya agad pero napahinto ito sa paglakad at nanlalaki ang mga mata ng makita ang dalawang kaklase nyang naghahalikan sa dulong pwesto,nakakandong pa ang babae at ng makita nito si ron na nakatayo roon ay napatili ang babae,
Agad namang tumalikod si ron dahil sa natauhan sa pagsigaw ng babae.."Diyos kong mahabagin.bakit ang aga-aga ganito ang nakita ko?!".sabi nya sa sarili sabay lakad palabas ng nakatalikod kaya para itong alimango.ng makalabas ay napasandal sya sa pader sabay lakad
"Kikay,kikay shit!!.kung kaylan kaylangan saka wala!"..ani nya sa sarili
Nakita nya nga sa di-kalayuan ang babae na naglalakad na mukang papunta sa pwesto kung saan sya nakatayo,patakbo itong pumunta sa babae sabay bigay ng dala
"R-ron?,bakit ang aga mo?saka para ba sakin to?hindi mo ba kasabay si sarah?".nakangiting sabi ni kikay saka luminga sa likod ng binata,agad namang pinaling ni ron sa ibang direksyon ang muka saka napa-facepalm,,si sarah nga pala nakalimutan nya
"Ikaw talaga ang sadya ko kikay.may sasabihin pa kasi ako sayo!".ani ron
"Halika doon tayo sa garden!"sabi ni kikay sabay hawak sa braso ng lalaki,halos magulat si ron dahil sa mabilis na pagkaladkad nito sakanya
Hindi nila alam na kanina pa sila nakikita ni sarah,nakakuyom ang mga palad nito at mukang galit pa
"Kaya pala ang aga dito sa school at hindi ako hinintay sa terminal ng jeep,may babae palang kikitain at mas maaga pa para hindi ko makita..humanda ka sakin ron!".
**************************************************
Buong araw inobserbahan ni sarah ang kilos ni ron,napapatingin ang lalaki kay kikay sabay ngiti.,kapag sakanya titingin ay iiwas ito ng mga mata at ipapaling sa ibang direksyon..mas lalo lang tumalas ang pang-amoy ni sarah na may something sa boyfriend at sa kaibigan,lihim syang napakuyom ng mga palad
"Hindi nya ba alam na kaarawan ko ngayon?!bwisit na lalaki sya".bulong nya sa sarili
"Mr,Ron.bawal matulog dito sa klase ko,bakit mukang puyat ka?".makahulugang tanong ng english teacher kay ron,napatingin si sarah sakanya at nakita ngang nangitim ang baba ng mata nito,ngayon lang nya napansin,inayos ng lalaki ang sarili
"Sorry,i won't do it again".sabi nito saka inayos ang nagulong buhok
Ng oras na ng recess ay nagulat si sarah ng lagpasan sya ni ron,at mas lalo pang nag-init ang dugo nya ng makitang sinundan nito si kikay saka kinausap sa mas tagong lugar,.hindi na napigilan ni sarah na mapaiyak saka padabog na lumabas ng classroom
Hindi na pumasok sa mga sumunod na subject si sarah,naisipan nalang nyang umuwi at ayaw nya munang makita si ron dahil nasasaktan sya kapag nakita nya ulit na kasama nito si kikay at mas magandang huwag na lamang nya itong komprontahin
Pagbukas palang ng pinto ng bahay nila ay madilim,ng kinapa nya ang switch ng ilaw ay nagulat sya ng kusa itong bumukas at tumambad sakanya ang buong pamilya nya na may party hat sa ulo at may nagsabog ng confetti,may hawak na caramel cake ang mommy nya,kinabitan ng party hat sa ulo si sarah saka pinaupo,sa mesa maraming pagkain gaya ng spaghettie,lechon,pancit,hotdog na nasa sticks cake na may dedication pa,caldereta at marami pa.
"Happy birthday to you~~happy birthday to you
Happy birthday happy birthday..~~happy birthday sarah""Salamat sainyong lahat,napakasaya ko!".sabi ni sarah na naluha na ng tuluyan,napayakap sya sa mommy nya at daddy pero hindi naman ganun kasaya ang puso nya dahil may isa pang taong pinakamamahal nya ang wala para maki-celebrate sakanya..
Ng nagkakainan ay tmunog ang cp nya,nakita nyang message ito galing kay ron
"Baby nasan ka?"
"Baby pagkatapos ng recess nawala ka na!"
"Babyyyyyyyyyyy where are you nowwwwwwwww?!"
"Be!"
"Be galit ka ba sakin?,i'm sorry na ha!.asan ka pupuntahan kita?"
"Baby..miss na kita,,"
"Sorry hindi tayo nagkasama maghapon kanina,i'll explain later ha basta hintay kalang,,"
"I'm on my way na baby,,i'm still waiting for your reply"
Sa halip ay iba ang nireply ni sarah.
"Che!wag mo 'kong kakausapin galit ako sayo..wag ka ng mag-abala kung pupunta ka dito sa bahay,hindi kita kakausapin masasayang lang pagod mo!!~_~
Nag-reply agad si ron
"Si baby talaga.tinotopak nanaman.love you too,basta wait moko ha!"
Maya-maya ay nakarinig sila ng busina,galit na sumilip si sarah sa bintana,nagagalit sya pero lumundag bigla ang puso nya sa saya dahil first time na nagkotse si ron,bumaba na ito sa drivers seat na naka-uniform parin,nakunot ang noo nya,,hindi ba ito umuwi sakanila?!
Nagtext sakanya ang lalaki kaya tinignan nya
"Be nasa labas ako..dali labas ka,I have a surprise for you beautiful♥
Lumabas na si sarah kahit galit sya,nakita nyang nakasandal si ron sa kotse,ng makita syang lumabas sa gate ay napangiti ito samantalang nakasimangot parin sya
"Anong meron bakit ka nandito?" supladong sabi ni sarah na nakahalukipkip pa,binigay sakanya ni ron ang isang punpon ng red roses saka sya hinalikan sa noo.
"A-anung--
"Alam kong galit ka sakin,alam ko at pansin ko rin yun kanina pa sa school because of your sudden change of mood,"..ron smirk.."Alam mo marami akong surprise sayo,syempre makakalimutan ko ba naman ang pinaka-espesyal na araw para sa pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa..syempre hindi."
Sinakay ni ron si sarah sa kotse pagkatapos ay binigyan nya ng chocolate si sarah,halos mapaluha na ang babae dahil sa ginagawa sakanya ni ron,hinampas nya ito sa braso
"Sira ka talaga,,akala ko nakalimutan mo na,magagalit talaga ako sayo"
Pinapahid ni ron ang luha sa pisngi ng babae saka ito hinalikan sa kamay,
"Even when you're crying you're beautiful too,cause all of me,loves all of you."pagkanta ni ron
"Ang ganda talaga ng boses mo,nakakainis ka,,ano bang binabalak mo?"
Ngumisi si ron na nakatingin parin sa muka ng babae habang ini-istart ang kotse.."Ito ang oras na simula ng sorpresa ko sayo,iisa-isahin natin ang ginawa ko na ikinapuyat ko kagabi kaya dapat may reward akong kiss".
BINABASA MO ANG
Inlove Si Siga(MCH series#1)
Random=SIGA= isang salitang nakadikit na sa kanyang katauhan,,isang salita na tamang-tama sa personalidad ng isang Ron Monteclaro Hindi nya pinalalagpas ang kahit ano lalo na kung patungkol sa away.. kung hindi sya kasama o sangkot ay sya naman ang pasimu...