Chapter 7

459 17 2
                                    


Risha's POV

Agad akong tumakbo papuntang CR at tiningnan ang leeg ko. No-no-no-no. Binasa ko ang leeg ko pero walang nagyayari.

"Doc, eto po yung cream." Lumapit sakin si Jane dala ang isang maliit na parang tube na naglalaman ng cream.

"Nangyari na naman. Damn it."

"Nakita mo ba yung sa kwarto ni Jaxx kanina?" I asked Jane, tumango naman sya.

"Nagpalit po uli kayo ng ugali."

Napagface palm naman ako. I've got this condition wherein I turn to a completely different person when I'm really annoyed or happy. At pag nangyayari yun nagkakaroon ng mapulang hugis star na pantal ang leeg ko. It happened a couple of times. Somehow I have some sort of MPD (multiple personality disorder pero hindi naman sya ganon kalala, It just happens occasionally.

"What did I do?" I asked Jane.

"You acted childish saka nagpapacute. Hehe" Damn it, sa lahat ng pedeng mangyari yun pa yung nasaksihan ni Jaxx. Nakakahiya.

"Ikaw na nga lang magpakain sa kanya nakakabwisit yun eh."

"Ah, sige po doc."

____________________________________________________________________________________

Andito ako ngayon sa investigation room kasama si Mico.

"Doc, pakawalan nyo na ko please! Si Gina kelangan ko puntahan si Gina."

"Patay na sya. Pinatay mo sya." Mental torture, I know. But it's the only way. He needs to know and accept the truth.

"Hindi! Hindi sya patay! Hindi ko sya pinatay! Walang namatay!"

Inilabas ko ang envelope at inabot ito sa kanya. Nandon ang mga pictures ng bankay ni Gina.

Nang Makita nya ito aya agad syang tumayo at nagwala.

"Sino may gawa nito?! Papatayin ko sya!! Sabihin mo sino ang-"

"Ikaw." Pinutol ko ang sinasabi nya, "Ikaw ang pumatay sa kanya."

Napaupo sya bigla at umiyak.

"Hi-hindi, hindi ako ang mya gawa nyan, di ko yan magagawa."

"I know how you feel, nagmahal ka lang at nakita mong may kalaguyong iba ang asawa mo natural lang para sa mga tao na makaramdam ng matinding poot. Poot na nagdudulot ng isang bagay na kahit kailan man ay hindi mo akakalaing magagawa mo. Tanggapin mo na ang katotohanan. Tanggapin mo na napatay mo sya."

Mostly sa mga cases ko ay tinutulungan ko ang mga kriminal na tanggapin nila ang pagkakamali nila. Dun nagsisimula ang recovery.

Acceptance

Regretting

Forgetting

Moving on

Yan ang trabaho ko. To help them move on. Even though they're criminals, they're still humans. Nakakaramdam pa din sila, palaging may rason sa bawat ginagawa ng tao mapabuti man o masama. But still. 'Palaging nasa huli ang pagsisisi'

Kinuha ko ang candy sa bulsa ko at pinatong ito sa lamesa. Napatingin naman si Mico dito.

"May candy ako, favorite ko to. Pero nag-iisa na lang. Nung kakainin ko na inagaw mo sakin to kaya naman nalaglag to sa sahig. Nainis ako sayo kaya tinulak kita kaya napadapa ka. Pinulot ko uli ang candy pero naisip ko na madumi na to kaya tinapon ko to sa mukha mo. Pagkatapos nun umalis na ko at iniwan ka. Bumili na lang uli ako ng bagong candy"

Nakatingin lang sakin si Mico na parang naguguluhan.

"Isipin mo naman na ang candy ay ang pagpatay mo kay Gina. Dahil alam mong madumi na kelangang itapon mo na at bumili ka na lang ng bagong candy. Sa madaling salita kalimutan mo na ang nangyari sa nakaraan mo at mag bagong buhay ka. Marami ka pang mahahanap na babae dyan. Kaya umayos ka na dyan at tigilan mo na ang pag-alala mo sa madumi at nakakadiring mong candy ok? May bago at mas masarap na candy pang nag-aantay sayo." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya. Leche to gusto lang pala na candy ang example para matauhan.

"Sa-salamat Risha." Tumayo na ko at ibinigay sa kanya ang candy pagkatapos ay umalis na ko.

"Ikaw na ang bahala." Agad kong sinabi kay Jane ng makasalubong ko sya. Nagtaka naman ako ng hindi sya sumagot.

"d-doc, may pulis po sa baba." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jane.


Shit, don't tell me alam nilang andito si Jaxx?

A Criminal Lover ||VRene|| [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon