Hello po! :) This story is dedicated to my Sister JiJin :) Advance birthday gift ko na po 'to sa kanya. Hehe. Ahm. Mga 5 chapters lang po siguro 'to kasi dapat one shot lang kaya nga lang masiyado nang mahaba kung one shot. So I decided na e'book ko na lang. Hehe. Sana po mag-enjoy po kayo :) Mwah. Mwah.
***********************************************************************************************************************************************************************************
Cheeve's Stories
Escalator
© 2013, Putche
All Rights Reserved.
No part of this website or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials.
Chapter 1
Naranasan mo na bang magmahal?
Niloko?
Sinaktan?
Naging rebound ka?
Maging manhid-manhiran dahil ayaw mo siyang mawala?
Naging tanga?
Pinaglaruan ka?
Pinagpustahan ka?
Kung oo lahat ng sagot mo.
Pwes! Congratulations satin. Dahil tayo ay TANGA!
Diba masakit? Masakit na minahal mo na nga sila, kumuha pang maghanap ng iba? Minsan tinatanong natin sating mga sarili kung saan ba tayo nagkulang o tayo ba ang problema.
Pwes! Ngayon, ipaparamdam ko sa kanila ang salitang SAYANG!!! at sisiguraduhin kong babalik sila sakin na nagmamaka-awa!!!
Hey! My name is Jean Anne Devela. 2nd year College, Business Ad yung course ko. 18 years old. Sabi nila, mahinhin, boyish at cute pero noon yun. Dahil ngayon, I'm damn hot sexy and pretty chick. I changed myself, marami ngang shocked dahil sa malaking pagbabago ko. Pati nga mga bestfriends ko nashock din.
Nung una, di nila matanggap na nagbago ako but later on, they accepted me. They know the reasons why I changed. Sabi nila, susuportahan nila ako basta't ba alam ko yung ginagawa ko.
Nandito ako ngayon sa Mall. Hinihintay yung date ko. Well, kung di niyo alam. I'm making my sweetest revenge to those playboys. I'll teach them some lessons. EVIL LAUGH!!
"Hey! Kanina ka pa ba rito?" Hinawakan niya yung bewang ko. Psh. Chancing!!
"Not so. Pwede ba? Wag mo kong hawakan sa bewang? Boyfriend ba kita? As far as I know, nanliligaw ka pa lang" sabi ko habang nakataas kilay.
Kinuha niya yung kamay niya sa bewang ko. Maraming nakatingin samin, kaya napahiya siya. Hahaha. 1st round pa lang 'to at sa 3rd round, for sure, knockdown na 'to.
"Saan mo gustong pumunta?"
Oh, by the way. Siya nga pala si Lester Medina. Electrical Engineering yung course niya, at take note, he's one of my ex'es. Well, well. You'll see kung pano ko siya sasaktan at ipapahiya sa lahat.
"Oh my Gosh! First time mo bang manligaw ng babae Lester? Di mo alam kung saan pupunta? Gosh! Akala ko pa naman nagbago kana. Ganun ka pa rin pala"
Well. Nung naging kami, ako lagi yung nag-iisip kung saan kami pupunta at magdidate. Di ko alam na ganun pa rin siya.
"Hindi noh. Ang akin lang naman eh, masunod yung gusto mo. Syempre, you are my princess"
Psh!!! Akala mo uubra yung pang-uuto mo sakin. In your dreams! C'mon! That's bullshit!
"Really? Well, gusto kong kumain"
"Sige. Punta tayo ng Jollibee"
Hahaha. Let's see Mr. Medina kung kakayanin mo yung Round 2. Pumasok kami ng Jollibee at umupo sa may vacant seat.
***********************************************************************************************************************************************************************************
A/N: Hanggang dito lang muna po, next update ko baka bukas :)
Sino po bang marunong gumawa nang cover? Pwede po bang gawan niyo ko? Hehe. Comment lang po kayo. Salamat :)
BINABASA MO ANG
Escalator (Completed)
Teen FictionEscalator is all about a girl who wants to revenge her those damn playboy ex. Pero di niya alam na meron pa palang lalaking magpapatibok ng puso niya :)