Chapter 3 - Family Dinner

9 1 0
                                    

"Are you ready?" I asked while holding her hands.

She's so pretty as hell. Hindi ko makakalimutan yung unang araw na nakita ko siya dito sa Pilipinas. Hindi parin siya nagbabago.

"Kinakabahan ako babe. Magugustuhan kaya nila ako?" Tanong niya. Bakas sa mukha niya ang kaba at pagaalinlangan. Hinawakan ko ang mukha niya atsaka ko siya hinalikan sa noo.

"Don't worry. Nandito lang ako." I gave her a smile.

Pumasok na kaming dalawa sa kotse. Pinaandar ko ito, papunta sa bahay. Wala niisang nagsasalita saaming dalawa, nakakabingi masyado yung katahimikan. Sinulyapan ko siya saglit at nakita ko na nakatingin lang siya ng diretso sa dinadaanan namin.

"May problema ba?" Pambabasag ko sa katahimikan. Lumingon lang siya atsaka ngumiti.

"Satingin ko, hindi pa 'to yung tamang oras na makilala nila ako. Ibaba mo na ko."

Napalingon ako ng de oras sa tinuran niya. Akala ko naman ay okay na siya na ipakilala ko? Ano nanaman ba 'to? Inihinto ko yung kotse sa may gilid. Tiningnan ko yung oras at 7:30pm palang.

"May oras ka pa para sunduin si April."


WHAT?!

"How did you know?" Gulat kong tanong.

"I saw your photos with her. Ang sweet niyong dalawa." What the hell is she saying!?

"Are you jealous?" Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"No. Im not." She gave me a sweet smile. Oh, How lovely this girl.

"Sige na sunduin mo na. Bumawi na lang tayo next time sa isa't isa." And then she winked.

"I love you, Cassey." I murmured then I kissed her. Nakita ko na namula ang pisngi niya. Kinilig haha!

"I love you too, Alexander."

Binuksan na niya ng tuluyan yung pinto ng kotse atsaka bumaba. Pinaandar ko na yung kotse at hindi parin nawawala yung ngiti ko sa mukha.

Cassey is my girlfriend for 2years. Hindi alam nina Mommy na nagkatuluyan kami. Ayaw kasi ni Mommy sakanya dahil sa mga tattoos niya. Balang araw matatanggap din niya na para kami sa isa't isa.

Habang nagddrive ako eh, biglang pumasok sa isip ko si April. Ano kayang ginagawa non? Siguro iniimagine ako. Hahahaha!

Damn! Traffic pa! Tiningnan ko yung orasan at 7:52pm na. Sabagay 8:30 pa naman yung dinner. Nilabas ko muna yung phone ko tska tinext si Cassey na magingat siya pauwi. Binukas ko sandali yung bintana atsaka sumilip, mukhang may banggaan.

"Babayaran niyo to? o Babasagin ko yang mukha niyo?" Bigla akong kinilabutan sa narinig ko. Babae pa yung nanghahamon, pambihira! Isinara ko na kaagad yung bintana atska pinaandar yung makina. Medyo umaandar na ng konti yung mga sasakyan. Nang madaanan ko na yung mga nagaaway eh, napalingon ko at ganun na lang talaga ang gulat ko.

Anong ginagawa niya diyan?!

Humanap ako ng mapaparkehan atsaka bumaba. Pano pag napahamak siya?! Binilisan ko yung lakad patungo sakaniya.






"Wifey!"

Lumingon at sobrang laki ng mata niya. May dapat ba siyang ikagulat?














April's Point Of View

"Tara na babsy! Hindi mo na maaabutan si Gwen sa airport!"

Nakamotor kami ngayon ni Carlo at pupuntahan namin si Gwen na gf niya sa airport. Nagaway sila tapos aalis yung babae papuntang Maldives. Abnormal no? Nagaway sila ng dahil sa damit. Ang babaw!

100 Days RelationshipWhere stories live. Discover now