Chapter 4 - Interrogation

7 1 0
                                    

"Hoy! Babae!"

Napalingon agad ako dun sa sumigaw. At nakita ko dun ang mga girlbestfriend ko. Tinitingnan nila ko na parang kriminal. Lumiko ako at pumunta sa gawi nila.

Pero bago ako pumunta sa mga friends ko eh, nakita ko si Andrew na may kayakap. Bago nanaman? Hahahaha. Pero mukhang pamilyar yung babae. Agad itong humiwalay kay Andrew at tumakbo papuntang CR. Hindi ko na pinansin yon at agad naman na kong lumapit sakanila.

"Maharot!"

"Makire!"

"Makati!"

Kung ano ano pa sinasabi nila at nagtawanan kami. Sinimulan na naming maglakad patungong classroom. Today is Monday. Hayyy!!

"Kamusta naman ang pagiging girlfriend ng Sandro Marcos? Malaki ba girl?" Tanong ni Levie na ubod ng daldal. Kpopper at mahilig sa mga nakatopless na mga lalaki.

"Nagkiss na ba kayo? Gano katagal?" Tanong naman ni Riley na obsessed na obsessed sa makeup. Kpopper din at siya HMUA namin. [Hair and Make Up Artist.] Mahilig sa pogi.

"Legal na ba kayo? Kelan mo siya ipapakilala samin?" Si Angie naman ang nagtanong. Maliit at may basag na boses kung tumawa. Patuloy na umaasa at mahilig sa pogi. Favorite song niya 'Cheerleader' Wala siyang kasawa sawa na pakinggan 'yon.

"Naisuko mo na ba? Masisira ang kinabukasan." Si Sandy naman ang nagtanong. Pareho kaming Grade Conscious nito at pinangako namin sa isa't isa na hindi kami magpapabuntis ng maaga.

"Ate april, Pogi ba siya?"

O.O

"Margarette?!" Sabay sabay naming tanong nung lumingon kami sa nagsalita. Nakita namin yung isa pa naming friend na si Margarette. May diperensya siya. Hati yung ilong hanggang noo. May Hydrocepalus kasi siya noong baby. But still tanggap namin siya kase napapasaya niya kami lagi. Hehehehehe.

"Okay lang naman. Suplado siya, Maarte, Nanghahatak bigla. Sisigaw bigla, Magalang, Matalino. Nakakayanan ko naman. Hindi ko pa nakikita si Sandro Jr. pero satingin ko malaki at mahaba........mga bibe! HAHAHAHAHA.  Kiss? Ahm! Di pa eh. Pero naghug na kami. Mabango siya mga beh! 3days palang kami noh! Yesss. Legal kami both side. Ipinakilala niya ko nung saturday sa family niya. At hahahaha hindi pa naisusuko! Hahahaha hindi pa hinihingi ni Palawan si Bataan. Hahahahaha."

Sagot ko sakanila. Bakas sa mukha nila ang kilig. Buti pa sila kinikilig. Ba't kaya ako hindi?

"Yesss... Pogi siya." Pahabol kong sagot. Malapit na kami sa may room ng biglang mahagip ng mata ko si Carlo.

"Una na kayong pumasok."

"Sige."

Tumakbo agad ako sa gawi ni Carlo. Hindi pa kami nagkakausap mula nung sabado. Hihingi ako ng tawad.

"CAR--"

"G...gwen?"




TEKA! HINDI!!! NAMALIK MATA LANG AKO!!!!! HINDI YON TOTOO.



Nagkabalikan na ba sila?

Binilisan ko yung lakad papunta sa kanila ng biglang....






"CARLO!!!!!!!!"

Sinapak ni Andrew si Carlo!!! Pero bakit???!!! Eh magkapatid sila ah!!!!!!






















Carlo's Point Of View

"Carlo, let me explain."

Fuck! Naiinis ako! Tanginaaa!!!

"Tell me Gwen! Anong meron si Andrew na wala ako?" Kalmadong tanong ko. Pinipigilan ko yung sarili kong wag magalit! Pero tangina di ko mapigilan!!

"Baby! That's not what you think. Di ko siya mahal!" Sigaw ni Gwen.

Hindi yan yung sagot na kailangan ko Gwen.

"Anong meron ako na wala ka? Hahahahaha! 'Kagalingan' pre!" Nagpantig yung tenga ko pero, hindi ko siya pinansin.


"Ikaw? Anong meron ka?"

Ngumisi muna ako bago ko siya sinagot.


"Pagmamahal at Atensyon nina Papa. Ikaw?"

Nakita ko na kinuyom niya yung kamao niya. Nakakainsulto ba?


Kapatid ko si Andrew. Mas matanda siya ng Dalawang taon. Pero kung umasal eh, parang bata. Galit sakaniya si Daddy dahil tamad magaral. Puro barkada at inom! Siya pa naman inaasahan ni Daddy na magiging CEO ng Fotex Company kaso wala eh! Baka malugi ang kumpanya dahil sakanya.



"Gago ka!"

Sinapak ako ni Andrew at hindi ako nakapalag,


"CARLO!!!!!!!" Narinig ko ang pagsigaw ni April. Pilit kong lumingon pero sobrang sakit ng leeg ko. Magkakastiffneck pa ata ako.


"Andrew! What the hell?"

"Gago yang bestfriend mo! Inasar ako." Tanginang dahilan yan diba?

"Childish!" Sigaw ni April. "Selfish, and Stupid! 3 words for you, Andrew!" Yumuko siya at tiningnan ako. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. "Ano dyan ka na lang?" Tanong niya.


"Ikaw Gwen. Ang kati mo." Nagulat ako sa sinabi ni April. Galit ba siya kay Gwen? May Alam ba siya?

"What are you talking about?" Gulat na tanong ni Gwen.


"Magkapatid pa tinuhog mo." Pagkasabi niya nyan ay sinabuyan niya ng Alcohol si Gwen. What the hell?!!


"Para maibsan naman kahit papano yung kakatihan mo." Taas kilay niyang sagot. Akala ko tapos na siya pero, sinabuyan niya ulit ng alcohol si Gwen!!!!





"Serves you right, floozy!" Tuluyan ng umalis si April sa harap namin.


"How did she know?" Tanong ni Andrew.

Tuluyan na sana kong aalis pero nagsalita agad si Gwen.














"Nakita niya tayo kanina na magkayakap."











--

Author's Note:

Sa next page po eh, Yung Complete names ng mga Characters. ♥

KEEP READING GUYS!♥

100 Days RelationshipWhere stories live. Discover now