"Ma, sige na. Saglit lang kami doon, promise." Pagpupumilit ko kay Mama. Ayaw niya kasi akong payagan doon sa resto nila Angela. Mag-gig lang naman kami, eh.
"Pero anak, may check-up ka ngayon. Di ba katatapos lang ng therapy mo noong nakaraang linggo?" Dalawang buwan na noong nalaman naming mayroon akong leukemia. Pumapasok pa rin naman ako sa school pero ayun, hindi na ako pwedeng mapagod ng sobra.
"Eh, saglit lang naman yun ah? Saka kasama naman natin si Jel di ba? Edi sabay na kaming pupunta sa resto nila." Ipipilit ko ito. Mahirap na, baka mamaya, ito na pala ang huli. Di ba? Hindi natin masasabi.
"Hay, ang kulit mo talaga kahit kailan." Nginitian ako ni Mama. Okay, this is it. "Sige na. Basta 'wag papaabot ng midnight ha. Itext mo rin kami para alam namin ang nangyayari."
A protective mother will always be protective everytime. Kaya mahal ko 'tong nanay ko eh!
"Sige po, Ma! Thank you! Thank you! Madamo gid na salamat, Mama!" Niyakap ko si Mama ng sobrang higpit pagkatapos ay bumitaw rin nang makaraan ang ilang minuto.
"Wala iyon, anak. O sya, magbihis ka na. Aalis na tayo para matapos agad ang check up mo." Nginitian ko siya at pumunta na sa kwarto ko para makapagbihis.
Inabot ko yung cellphone ko na nasa side table. Nagvavibrate kasi kanina pa. Limang text message galing kay Jel. Namimiss na siguro ako nitong lalaking to. Isa-isa kong binasa yung text niya. Simula sa pinakabagong text hanggang sa ikahuling text niya ngayon.
"Soph, papunta na ko. I love you."
"Huy, ba't di ka nagrereply?"
"I miss you, Soph."
"Okay na ba kayo? May dala akong doughnuts, yung mga favorite mo. Love you."
"Good afternoon, Soph. Kain na po ng lunch. :*"
Nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan ko. Hay, ang lakas talaga ng epekto nitong lalaki na 'to sa'kin.
May kumatok sa pintuan at pumasok si Ate Pia, "Soph, nandito na sila Anjelo."
"Sila? Sinong kasama ni Jel, Ate?" Tumayo na ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ng kaunti ang buhok kong naka-ipit. "Sige, lalabas na ako, ate."
Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Jel na nag-aayos ng gitara niya. Ang kasama niya pala ay yung best friend kong baliw.
"Ang shorop shologo ng.." Nilunok niya yung kinakain niyang cookie. "..luto mong cookie, Soph! Hihihi. Pwedeng magbaon nito?"
"Takaw mo talaga! Sige na. May tupperware d'yan sa cabinet kuha ka na lang." Sabi ko habang lumalapit kay Jel.
BINABASA MO ANG
Palangga ta ka, Jel.
Romance"Palangga ta ka, Jel." ani ng babaeng nakayakap sa lalaking nasa tabi niya. Siya si Sophia Vasquez, simpleng babae na mahilig sa musika. Mahal na mahal niya ang musika dahil sa ito ang naging daan para makilala niya si Jel, o Nick Anjelo. Isang mahi...