Chapter 35

15.4K 311 5
                                    

"Mama giting Mama!" Boses nang Isang batang babae na pamilyar sa akin ang naririnig ko at tila kinakalabit ako.

Kaya naman marahas na napamulat ako nang mga mata ko at nakita ko si Princess na umiiyak na niyuyugyog ako.

"P--princess?" napangiwi ako nang akma ko sanang ibabangon ang katawan ko.

Lumingap ako sa paligid ko at nakita ko ang truck na muntik nang makabunggo sa sinasakyan namin ni Princess mainam na lamang at di na ako nagmaniobra nang makita ko na mabubunggo na kami sa Truck at sa halip ay niyakap si Princess at naiwan ko ang makina na buhay pa at nagtuloy tuloy kaming sumalpok sa malaking puno nang balete at nakaiwas kami na magkabanggaan nang truck na tumama naman sa pagitan nang malaking pader at Isa pang puno nang balete.

"Mama giting ka na akala ko tulog ka pa takot ako Mama!" Palahaw ni Princess na agad na niyakap ako.

Ngumiti ako dito at hinaplos ang mukha nito.

"I'm okay and thank god at di nagkagalos ang magandang skin nang Baby Princess ko" malambing na sabi ko dito.

Sumibi ito at agad na pinunasan ang uhog at luha sa mukha nito.

"Mama alis na tayo di na ako hinga usok usok na" yaya nito na agad na sinunod ko.

Gamit ang lahat nang lakas ko ay tinulak ko ang pinto nang Kotse at saka tinago si Princess sa Jacket na suot ko  at patakbong lumabas na nang sasakyan.

Nang makalabas na kami ay agaw ang paghinga na binaba ko si Princess sa damuhan at sumagap nang hangin.

"Dito muna tayo Princess tatawagan ko lang ang Lola Pricilla mo baka nag aalala na yun sa atin" sabi ko kay Princess at kinapa sa jacket ko ang Cellphone nang di ko makapkap ay sa bulsa nang pantalon na suot ko naman sunod akong kumapkap.

"Shit!" Bulong ko nang maalala ko na nabitiwan ko ang Cellphone ko pagkakita ko sa malaking truck na bubunggo na sa sasakyan namin.

"Mama..?" Tawag ni Princess sa akin.

Kaya naman agad na lumuhod ako para magpantay ang mga mukha namin.

"Dito lang muna ang Princess ko okay? Babalik lang muna ako sa Car para hanapin ang Cellphone ni Mama okay?" Bilin ko dito.

Agad na umiling ito sa akin.

"Tama ako sa iyo Mama dilim dito takot ako" hiling nito sa akin.

Hinaplos ko ang cute nitong mukha.

"Babalik agad si Mama wag ka nang matakot okay? Isa pa kailangan na makatawag agad tayo nang tulong para dun sa Driver nang Truck kawawa naman sya paano kung may Family din sya anak na kasingganda nang Baby Princess ko kawawa  din sila di ba?" Paliwanag ko dito.

"Gaya nyo ni Papa Pogi?" Tanong nito na tinanguan ko naman.

Agad na tumayo ako iniupo ulit ito sa damuhan at saka mabilis na tinakbo ang papunta sa umuusok sasakyan kahit pa parang pakiramdam ko tila napipilas ang ugat sa tuhod ko at pigil ang paghinga na pumasok dito at agad ko din naman na nakita ang Cellphone sa ilalim nang upuan at kinuha agad ito.

Dali daling bumalik ako sa pinag iwanan ko sa Bata at nang makita ko na nawawala ito sa pinag iwanan ko dito ay natatarantang agad na lumingap ako sa paligid ko.

"Princess?!" Nagpapanic na tawag ko nang makita ko na papunta sa umuusok na truck si Princess.

Lumingon naman agad ito sa akin.

"Princess what are you doing there?!"  Mabibilis ang mga hakbang na sinimulan ko nang lumakad papalapit dito.

Gustuhin ko man na tumakbo tila ubos na ang lakas ko at namamanhid na ang kanang binti ko.

"Mama may dinig ako na nagka cry dun po!" Sigaw nito sa akin sabay turo sa umuusok na truck.

Umihip ang malamig na hanging pangmadaling araw at agad na kinabahan ako nang malanghap ko ang tila amoy gasolina sa hangin.

"Princess halika ka na dito kailangan na natin lumayo dito!" Nagpapanic na tawag ko dito at nang pilitin ko na tumakbo ay tila bumaluktot ang kanang paa ko at natumba ako saka napasubsob sa kalsada.

"Mama!" Nadinig ko na tawag sa akin ni Princess at nagpumilit ako na bumangon.

Nakita ko si Princess na tumatakbo na papunta sa akin nang walang anu ano'y biglang lumiyab ang unahang bahagi nang truck  at nagtuloy tuloy ang apoy sa buong katawan nang truck at sa isang iglap ay bigla na lang itong sumabog.

"Princess!" Kitang kita ko na tumilapon ang murang katawan nito sa malapit sa puno nang balete.

Tinangka ko na tumayo para tunguhin ito pero nawalan ulit ako nang balanse at naramdaman ko na lamang na nauntog ako sa hulihang bahagi nang sasakyan ko....

"Princess...." tangi ko lang nausal bago ako tuluyang nawalan nang malay....

"Princess!" Agad na napabalikwas ako nang bangon at habol ang paghinga na nasapo ko ang dibdib ko saka nilibot ko ang paningin ko sa kwarto namin ni Jasper.

Nakita ko na mahimbing pa din sa pagtulog si Baby Percy sa tabi ko.

Mainam at di ito nagambala sa pagsigaw ko ngayon ngayon lang.

"Themarie what happen? Bakit ka sumisigaw?" nag aalalang tanong ni Jasper sa akin na naalimpungatan na at agad na kinabig ako papunta sa malapad nitong dibdib.

"Jasper......" naiiyak na sumubsob ako dibdib nito.

"Hush Themarie tama na ang pag iyak" anito at maingat na pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

Naluluha pa din na humarap ako dito.

"J--jasper I remember everything now" napasigok ako.

"Lahat lahat?" Nananantiyang tanong nito sa akin na agad kong tinanguan.

"I'm sorry Jasper kasalanan ko kung bakit napahamak ang anak natin sana...sana di na lang ako bumalik sa kotse para kuhanin ang Cellphone ko at sa halip lumayo na agad kami ni Princess sa halip na iniwan ko sya sa damuhan di sana sya magpupunta sa may truck...disin sana'y" napahagulhol na ako  nang tuluyan.

"Tama na Themarie please tumahan ka na makakasama yan sa iyo at saka kung may dapat na sisihin ako yun kasi di ko man lang namalayan na nakapuslit na pala si Princess sa sasakyan ko kung naramdaman ko lamang na nandun siya sana di na nangyari ang mga nangyari" garalgal na ang boses ni Jasper indikasyon na malapit na o nagpipigil na ito na maiyak.

"I'm sorry Jasper....." napasubsob ulit ako sa malapad na dibdib nito at agad naman ako nitong kinulong sa mga bisig nito.

"Shhh...tama na Themarie dapat ako ang humingi nang tawad sa iyo kasi kundi lang ako nagpakatanga at inakala ko na mahal ko pa din si Mikaela dati kahit na di na pala disin sana'y di mo maiisipan na palayain ako at iwan patawad Themarie....I'm sorry kasi napakatanga at manhid pa nang lalakeng pinakasalan mo" wika nito.

Tumingala ako dito at gamit ang mga kamay ko ay kinulong ko sa mga palad ko ang gwapong mukha nito.

"Nope di ka tanga.... manhid ka lang at saka kahit ano pang ipakita mong ugali sa akin at kahit ano pang sabihin mo sa akin di magbabago ang pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo.....
Mahal na Mahal kita Jasper" kahit na naluluha ako ay ngumiti ako dito at hinalikan ang tungki nang Ilong nito.

Napangiti na din ito at kinintalan ako nang halik sa labi ko na buong puso at alab kong tinugon.....

FOR HIS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon