Promise (One shot)
Autumn Viency Sou POV
Hi! I’m Autumn Viency Sou the crying princess of the school, Yes, crying prinscess, because I always cry kahit na onting dapa lang. I’m 7 years old, grade 2 at nag-aaral ako sa Kingdom Royale University. Isa akong loner and no one dares to talk to me. They said i’m a witch, anak ni sadako at kung ano-ano pa.
Hulaan niyo kung ano ang ginagawa ko ngayon…….malamang umiiyak, namatay kasi yung aso ko eh ang nag-iisa kong bestfriend, siya na nga lang ang ka-usap ko,(kahit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya) but still pinapasaya niya ako. She’s a good and a cute dog. Nandito ako ngayon sa playground watching the other kids. Ang saya nila siguro, kung ako may kaibigan sasaya rin akoL.
“Huhu snowy,*sobs* bakit mo ako iniwan di ba*sobs* bestfriends tayo bakit ka*sobs* nang-iiwan ha ang mean mo*sobs*”
“Huy crying princess ito oh panyo, wag ka nang umiyak, sige ka papangit ka” Sino to? Aba first time may lumapit sa akin at mag-abot ng panyo ah.
Paglingon ko ay para akong na star struck ang cute niya, lalaki siya at medyo brown ang buhok niya.
“Thank you” tanging sabi ko at bigla siyang tumabi sa akin.
“Why are you crying?, meron ka bang problema crying princess”sabi niya
“Don’t call me crying princess, I’m Autumn the cutest creature in the world”sabi ko
“Haha your funny but that’s true, I think you are the cutest living creature in the world, haha , oh by the way I’m Rain Melendez”
“Namatay kasi ung aso ko eh si snowy ang nag-iisa kong bestfriend” sabi ko
“Ouch masaklap yun pero marami namang ibang bata diyan eh na gusto kang maging bestfriend”
“Sino naman si chuckie!?” pagtataray ko.
“Haha you’re really funny, me, I want you to be my bestfriend”sabi ni Rain
Nagulat ako sa sinabi niya siguro chance ko na to para sumaya atleast may karamay ako tuwing malungkot ako at magtatanggol sa akin.
“Tara laro tayo” sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin. Simula nun ay naging masaya ako. I always play with him. Lagi na ako nakangiti. Pinagtatanggol niya ako tuwing may mang-aasar sa akin.
At ngayon siguro ito na yung tinatawag nilang FIRST LOVE, yes gusto ko siya, kasi ang gentleman niya at caring.
Lagi niya akong sinasamahan, nagpagawa pa nga siya ng treehouse eh na kami lang dalawa ang allowed^__^.
Lagi kami nag lalaro sa treehouse sa tuwing may mang-aasar sa akin sa playground, nag x-xbox kami at kung ano-ano pa. Minsan nag pipicnic kami sa may terrace. Tinutulungan niya ako sa mga assignments ko kasi ang hirap ng Math eh>.<
Ganto pala ang feeling ng may kaibigan slash first love. Ang sarap sa feeling para bang laging may nag po-protekta sayo.
July 04, 20**
Birthday ko, at pumunta ako sa treehouse, pero pagdating ko wala siya dun…..siguro nasa playground. Pagtingin ko sa playground ay wala rin siya, medyo nag-aalala na ako kasi hapon na eh wala pa rin siya.
Hindi na ako nakapag tiis pumunta na ako sa bahay nila. Pagdating ko nagulat ako. Nagiimpake sila at nilalagay ang mga gamit nila sa isang truck. At ayun nakita ko si Rain, malungkot ang mukha nasa loob siya ng kotse nila, Tumakbo ako papunta sa kanila, halata naman sa mukha niya na nagulat siya sa biglang pagsulpot ko.
“Rain? Where are you going?”mangiyakngiyak kong sabi.
“Autumn I-I’m leaving. Sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong sumama sorryL”sabi niya