A Letter for him

190 10 9
                                    

Dear Inaasahan,

   Hello :)

   Ako eto. Yung taong ikaw na lang palagi ang pinagtutuunan ng pansin, at oras. Alam mo ba? kahit na alam kong hindi mo naman ako pansin ay napapasaya mo pa rin ang araw ko. Dahil sa simpleng tawa mo lang, napapangiti na rin ako. Sa isang simpleng bigkas mo ng pangalan ko, yung puso ko parang nagga-gangnam style sa tuwa.

Ewan ko kung anong nangyayari sa akin pero, gustong gusto talaga kita.

Mula sa mga simangot, ngiti, tawa at halakhak mo, natutuwa ako. Pero uy, wag mong sasabihin na nagustuhan kita dahil may angking talino at itsura ka ha? Kasi, nung unang beses pa lang na nakita kita humanga na ako.. At hindi mo taglay ang mga angkin mong talento ng mga panahong iyon na kailan ko lang nalaman. Pero kahit wala ang mga 'yon, gusto pa rin kita.

Naala ko pa nung una kitang nakita, Kakalabas mo pa lang ng Science laboratory nun pagkatapos sumigaw ka ng pagkalakas-lakas na "RECESS TIME NAAAAAAA" Laptrip ako nun! Tapos sa loonb loob ko, "Patay gutom lang Kuya?"

Gusto ko ang mga simpleng katangahan mo. Yung malakas mong pagtawa sa kalagitnaan ng klase, yung wala kang pakielam sa paligid mo kapag kumakain ka, yung simple mong pagtawa, pag-iyak, at paghingi ng pasensya.. ikaw na talaga the best ka. Sa iyo ko lang naranasan ang "Sparks" na tinatawag nila.

Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang taong hingaan ko bukod sa Ina ko? Oo, ikaw. Ang una, at kung papalarin man.. hanggang huli. Sana..

Pero tulad ng buhay ng tao, Lahat may katapusan. Buti na lang di pala tayo talo, Te!

Kamusta ka na kaya ngayon? Keribels pa ba ang buhay day?

Umaasa,

      Nawalan ng pag-asa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon