Chapter 4: 1st meeting..

27 10 3
                                    

Previous Chapter…

Nang malaman ni Raine na requirements sa school ang pag kakaroon ng club ay tinanong niya ang kanyang kaibigan na si Shin tungkol dito. Sa pag-uusap nila ay nakwento ni Shin ang tungkol sa cooking club. Matapos ito ay nagdesisyon siya na tutulong para hindi ma disband ang cooking club. After school naman ay dapat pupunta sina Raine at Sophie sa pet shop na kanilang napuntahan para bumili ng gamit ni Mocha (Shtzu na  alaga nina Raine) ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagsulpot ni Ayesha na kaibigan ni Raine. Nalaman din dito ni Sophie na nagtapat na ng pag-ibig itong si Yesha kay Raine ngunit hindi niya tinanggap dahil may minamahal na itong iba at hindi man tuwirang sinabi na siya ang sinasabing minamahal ni Raine ay alam niyang siya ang tinutukoy ni Yesha. Kinabukasan naman ay nagpaalam na din agad itong si Yesha dahil biglaan lang ang kanyang pagpunta….

Pagpasok sa classroom ni Raine ay binate siya agad ni Sophie…

“Goodmorning” bati ni Sophie

“Goodmorning din. O anu sama ka sa cooking club mamaya?” tanong ni Raine

“Hmm. Bahala na. Hehe. Anyway, nakauwi na si Yesh?” tanong ni Sophie

“Ganun. Haha. Ahm. Oo sinundu siya kanina bago kami pumasok ng school” sabi ni Raine

“Ah. Itetxt ko na lang siya mamaya para kamustahin siya. Hehe. Ahm. “kami” sinu namang kasama mo?” tanong ni Sophie

“Ay. Oo nga pala di ko pa pala nasasabi. Dito na rin nag-aaral yung kapatid ko, si Rhianne. 1st year siya ngayon. Mamaya sasama siya sa akin sa cooking club, at kung sakaling sasama ka ay makikita mo siya dun” sabi ni Raine

“Rhianne? Hmm. Parang natatandaan ko siya na parang hinde. Hehe” sabi ni Sophie

“Haha. Natural, parati natin siyang kasama nung malilit pa tayo e. Anyway matagal na yun. Aha. Di ba nga kalimutan na ang nakalipas? Hehe” sabi ni Raine

“Okay sabi mo e” sabi naman ni Sophie

Habang nag-uusap ang dalawa ay nakatingin naman itong si Gino at napapansin nito ang pagiging malapit ng dalawa. Ayaw man niyang aminin sa kanyang sarili ay nagseselos ito. 

“O siya maya na lang” paalam ni Sophie

“Okay sige” sabi ni Raine

Pag-alis ni Raine ay pinuntahan naman ni Gino si Sophie….

“Good morning Sop” bati ni Gino

“O goodmorning. Akala ko nasa student council meeting ka pa ha” sabi ni Sophie

“Ah oo, kakarating ku lang nga e. Medyo busy ngayon kasi malapit na ang  deadline sa mga club e” sabi ni Gino

“Hehe. Okay lang yan. Alam ko naman kakayanin mo yan” sabi ni Sophie

“Haha. Salamat. Anyway, mukhang nagkakasundo kayo ng transferee student ah. Hahaha. Uy” asar ni Gino

“Ahm. Okay naman siya e. Tsaka parang komportable ako pag kausap ko siya” sabi ni Sophie

Medyo nagtaka itong si Gino dahil dati pag-inaasar niya ito sa ibang lalaki ay agad itong naiinis…

“Hmm. Anyway. Sabay na tayong mag lunch mamaya ha?” sabi ni Gino

“Ah okay sure. Hehe. O siya andiyan na si Sir. Mamaya na lang” sabi ni Sophie

Love BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon