Paunang salita
Pagod na pagod na si Eric ngunit may 2 minuto pang natitira, kailangan nyang maipanalo ang laban upang sila ay makapasok sa Semi Finals. 2 puntos lang ang lamang nila sa kalabang koponan at ang bola ay nasa kalaban nila. Nagmamadali nyang inagaw ang bola ngunit naishoot na ito ng kalaban. 30 segundo na lang ang natitira at tabla na ang score. Nasa kanila na ang bola at dali dali nya itong ishoshoot ngunit may humarang sa kanya. 10 segundo na lamang ang natitira kaya kaagad siyang gumawa ng paraan at nagshoot sya sa may 3 points area. 3 segundo na lamang ang natitira at shinoot nya ang bola. 3. 2. 1.
_____________Malamig ang hangin at may munting ambon habang ako ay naglalakad papunta sa Computer Shop. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng magkahiwalay kami ni Ed. May mga araw na namimiss ko sya at may mga araw din na natutuwa ako dahil wala na sya. May mga bagay na kasi akong muling nagagawa ngayong hiwalay na kami isa na rito ay mas nagkakaroon na ako ng oras sa panonood ng paborito kong sport ang basketball.
Alam nyo naman diba ang basketball. Ito ay larong may 2 koponan at kada koponan ay may 12 miyembro 5 ang pumapasok sa court at sila ay ginagabayan ng kanilang coach habang sa loob naman ng court ay may dalawang referee na nagbabantay sa kanilang kilos. Katulad ng ibang laro ay may limitadong oras lamang ito parang buhay natin limitado lang kaya ang bawat segundo ay mahalaga lalo na ang huling 2 minuto kung saan dito maaring magbago ang lahat.
Ako nga pala si Devorah. Isang ordinaryong estudyante mula sa isang Medical School. Mayo ngayon kaya medyo lumalamig na ang hangin at huling buwan ng bakasyon. Nakarating ako sa computer shop at dali dali akong umupo sa bakanteng upuan.
“1 oras lang ate ah,” ang sabi ko.
Nagbukas ako ng fb at katulad ng dati maraming nag-add sa akin ang iba sa kanila ay hindi ko kilala kaya inaccept ko na lang pag may mutual friends kami. Sa mga hindi ko kakilala ay tinitignan ko ang picture nila baka saka sakaling may mga gusto ako. Nagaadd din ako ng mga basketball player galing sa ibat’t ibang school dahil ang iba naman sa kanila ay kilala ko. Habang tinitignan ko ang news feed may isang tao ang pumukaw sa aking paningin sya si Eric. Isang simpleng lalaki, maputi at medyo singkit ang mata. Chinito sa madaling salita. Inadd ko sya.
Ilang minuto na din ang nakakalipas ng biglang may lumabas sa computer na “last 2 minutes save and logout all your files, if you want to extend tell the cashier.” Napaisip ako kung mageextend pa ako wala naman akong kausap sa fb kaya cguro maglologout na ako. Nang ilologout ko na ang fb ko isang notification at isang message ang lumabas. Ito ay galing kay Eric. Tinanggap niya ang friend request ko at minessage nya pa ako.
Nagextend ako ng 1 oras at naubos iyon sa pakikipagusap kay Eric. Hiningi nya ang number ko at binigay ko naman ito. Pagkatapos ng usapan namin sa fb ay tinxt na nya ako. Nagtxt kami ng buong gabi at nalaman ko na isang basketball player sya. Matangkad din sya dahil 6 flat ang kanyang height. Pagkaraan ng ilang minute tumawag sya.
“Hi Dev,” sabi ng isang lalaki na may puntong pagkabisaya.
“Hello, Eric.” Ang sabi ko.
“Haha, It’s nice meeting you.”
“Ikaw din.”
“By the way, tulog na tayo. I just called you kasi I want to say Goodnight”
“Ah sige.”
“Goodnight.”
“Goodnight.”
Maganda naman pala ang boses niya may konting punto lang ng bisaya. Natulog agad ako at nakita ko na nagtxt sya. “Goodmorning ”
Napangiti ako ng nabasa ko ang kanyang txt. Siguro crush ko na sya, pero mukhang mabilis yata yun pero maaring hindi din crush lang naman e. Nagreply agad ako.
“Goodmorning din ”
“Kumain ka na ba?”
“Hindi pa eh. Ikaw ba?”
“Kumain na ako, kumain ka na ng tumaba ka . Hahahaha”
“Ansama mu naman.”
“Hahaha hindi naman.”
“Hahaha, kain muna ko.”
“Cge eatwell . Practice muna ko babe ”
Binasa ko ulit ang kanyang txt “cge eatwell. Practice muna ko babe.” Babe bakit nya akong tinawag na babe gnung kakakilala palang namin. Dali dali akong kumain at nagtxt ako sa kanya.
“Tapos na ako, sana ikaw din.”
Mga ilang minuto pa at wala akong nareceive natxt galing sa kanya nagbantay na lang ako ng tindahan namin at pagkaraan ng ilang minuto ay nagreply na rin sya sa wakas.
“Tapos na ako kapagod, Babe ”
“Ok lang yan ”
“Hahah nga pala gusto mo makipagkita”
“Uhm sure sige kailan ka pwede.”
“Sa Lunes, mga afterlunch sa SM Southmall”
“Sige.”
Hindi ko lubos akalain kung bakit ako napapayag ni Eric na sa SM Southmall kami magkita gayong siya naman ang lalake. At aside pa doon mageenroll ako sa lunes at lalo na hindi ko alam kung paano pumunta sa SM Southmall.
“Sige asahan ko yan.”
“Sige.”
Lalo akong kinabahan dahil sa tnxt nya. Agad akong namili kung anong damit ang babagay sa akin bawat pantalon, dress at t-shirt ay pinagpilian ko na ngunit hindi pa rin ako makuntento sa aking susuotin. Hanggang sa nauwi ako sa isang t-shirt at pantalon.
Pagsapit ng lunes ay maaga akong umalis ng bahay. Nagtanong sa mga kakilala ko kung paano pumunta sa SM Southmall. Halos hindi ako mapakali nung araw na iyon parang gusto kong madaliin ang oras para makita ko agad si Eric. Nang ako’y natapos nang magenroll kinuntsaba ko ang aking kaibigan na siya ang magtatanong ng lugar papunta sa SM Southmall pumayag naman sya.
“Hello, Ma, si Dev to.” Ang sabi ko.
“Oh, bakit, ” tanong nito.
"Ma, si Venuz pupuntang Sm Southmall alam mo ba papunta," sagot ko sabay tingin sa aking kaibigan na si Venuz.
"Oo, bali sumakay ka lang nang MRT baba ka sa Ayala Station tapos sakay ka nang FX pa Las Pinas madadaanan non ang SM Southmall," sagot nito
“Ah sige po Ma, baka mawala tong kaibigan ko ah.”
“Hindi tama yun kasi lagi akong napupunta don, sabihan mo din sya na magingat ah."
"Oo, Salamat daw Ma," sagot ko at dali dali kong binaba ang telephone.
Nakangisi na si Venuz nung mga oras na iyon.
"Hoy! Magingat ka ha," sambit ni Venuz "Dinadamay mo ako."
"Sorry na. Oo Magiingat ako," sagot ko.
Dali dali kaming nagpaalaman nang aking kaibigan dahil alam ko na ang pagpunta sa SM Southmall ay agad akong pumunta. Lakas loob kong hinanap ang lugar na iyon at first time ko na gagawin ang bagay na yun. Ang pumunta sa isang lugar dahil sa isang tao.