You Could Be Happy
Hi SSC3-Einstein. :))
Prologue
Sa 100% ng buhay ng taong mahal ko, 50% yung family niya, syempre pamilya niya yon e. 30% yung mga kaibigan niya, 10% yung mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya tulad ng pagkain at internet. Huehue. At yung natitirang 10%, e yung mga crushes niya. Sa 30% ng friends niya, nasa 0.5% lang ako. Wala e, ganon talaga buhay. Sa dami ba naman ng kaibigan niya. Tagal ko na pala siyang gusto. Love na nga e. :3 O, tama na ang prologue.
Part 1
Chase’s POV
“Rise and shine!” gising ko sa kapatid ko. Bagal kumilos niyan e. Maaga pa naman dapat kami sa school. Ay oo nga pala, may isa akong kapatid, si Gio. Mas bata siya sakin.
“Eto na kuya! Kainis ka naman e!” sabi pa niya. “Wag ka na kasing mabagal diyan! Taena ka e!”
Papasok na kami sa school, sa Stark University. Hay, panibagong araw, makikita ko ulit si crush. Ah e, si loves na pala. Classmates kami ni loves. 3 years na. Actually, 2nd year ko pa siya gusto.
“Hi Jham!” bati ko kay crush. Jham name niya. Siya unang binati ko. Hehe. Nag-hi din naman siya. Buo na’ng araw ko. Oo, close kami ni Jham, pero iba na talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na talaga siya e. Bandang February nung 2nd year ako nung nagkagusto ako sa kanya. 3rd year na kami ngayon. Month of September na. Lagi kami nagkakausap, nagkakachat, at nagkakatext kung minsan. Masaya na ko sa ganon. Wish ko lang gusto niya rin ako, pero syempre hindi naman ako yung tipo ng lalaki na trip niya. Oo, may itsura ko, at aminado kong mabait ako. Lalong lalo na pagdating sa kanya. Ginagawa ko’ng lahat para sa kanya. At handa akong magbago para sa kanya. Sana nga lang nakikita niya yung mga effort na ginagawa ko, sana, sana. Kasi maliit man o malaki, effort pa rin yon.
Part 2
Jham’s POV
“Hi Chase. Tara tabi tayo dito.” Sabay turo ko sa vacant seat sa tabi ko. Ang sarap kasing kausap netong si Chase. Napakagentleman pa. Sana lahat ng lalaki katulad niya. Sayang nga e, kung type ko lang talaga ‘tong si Chase, di na ko hahanap pa ng iba. Andyan na kasi siya sa harap ko, kahit ako pa yung manligaw sa kanya. Huehue. Tumabi naman siya sakin. Ayun, kwentuhan to the max na naman maghapon kaya di kami nakakapakinig sa mga teachers e. J pero okay lang yon. LOL. Hanggang sa uwian sabay pa rin kami.
Chase’s POV
“Ah, Jham, tara hatid na kita.” Alok ko sa kanya. Tumanggi siya dahil may sundo daw siya. Pero okay lang sakin malakas naman siya sakin e. <3 Lumipas ang mga araw, napapansin ko na medyo may bago sa kanya. Sa amin. Di na kami katulad ng dati. Medyo lumalayo na siya sakin. Yun pala, meron na siyang ka-M.U. Oo, napakasakit, dahil mahal ko talaga siya. Wala naman akong lakas ng loob para kausapin siya ng harap-harapan. Pero kahit sa chat, di na niya ko nirereplyan. Hanggang sa di na ko nakatiis, inamin ko na sa kanya na mahal ko siya. Ang hirap kayang kimkimin ng nararamdaman mo. Lalo na yung sakit at kirot. Di na niya masyadong nagulat nung sinabi ko dahil napapansin naman daw niya. At ang dahilan kung bat iniiwasan niya ko ay yung ka-M.U. niya. Si Hero. Hayop na Hero yan. >:/ subukan lang niyang saktan si Jham, magkakamatayan kami. Sinabi pala ni Hero na lumayo na si Jham sakin kasi baka raw maagaw ko pa si Jham. Ang selfish ng gago, friends lang naman kami nung tao, siya na nga yung pinili e, ang arte pa niya. Hayup talaga.
Part 3
Chase’s POV
At ayun na nga, eto na ang darkest days of my life. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Di ko makayang Makita silang dalawa na magkasama, ang saya pa nila. Halos di ako makahinga pag nakikita ko sila. First time ko kasing umibig e kaya ganito.
* We share, somethin' so common, still so rare and I'm in awe, never been here before.* tangina, eto lang soundtrip ko buong darkest days ko.
* in too deep can't think about givin' it up, but i never knew love, would feel like a heart attack, it's killing me, swear i never cried so much, 'cause i never knew love, would hurt this fucking bad, worst pain that i ever had.* iyak pa rin ako ng iyak sa sobrang sakit. Alam kong pang-ilang beses ko na ‘tong sasabihin, NA MAHAL NA MAHAL KO SI JHAM! Gusto ko na lang magpakamatay, putcha. Pag pasok ko sa school, bangag ako araw-araw. Pansin pala nung mga kaklase ko.
Classmates: okay ka lang ba brad? Anyare ba?
Palaging yan na lang ang naririnig ko sa kanila. Kasi naman, oo lang lagi ang sagot ko. Ayoko nang mag-share sa kanila. Baka sabihin pa ni Jham at Hero, napaka-pathetic ko. Pero oo, naaawa na ko sa sarili ko. </3
Part 4
Chase’s POV
Days passed. Ganon pa din ako. Putcha, pumayat na nga ako sa mga pinaggagagawa ko sa sarili ko e. Pero sabi ko sa sarili ko, hangga’t di pa ko kinakausap ni Jham, mananatili pa rin akong ganto. Sobrang hirap kaya ng kalagayan ko, friendzoned na nga, seenzoned pa sa chat. Laslas na ko pwends?! Oo , alam ko sa isip-isip niyo, napakatanga ko, napakamartir ko. Pero kinakaya ko dahil mahal ko yung tao. Handa akong maghintay. Handa akong magtiis kahit sinasaktan niya ko ng ganito. Tulad nga ng sabi ko kanina, gagawin ko lahat para sa kanya.
At eto ang worst part, nalaman kong sila na daw. Narinig ko ang balitang yon nung nakaupo ako malapit sa rooftop. Kung wala na siguro ako sa matinong pag-iisip, malamang sa malamang e tumalon na ko sa rooftop. Di ko kinaya yung narinig ko tumakbo ako papuntang CR para doon umiyak. Alam kong iniisip niyo na para kong bakla. Pasensya na, nagmamahal yung tao e. Pagbalik ko sa room, wala ng tao. Uwian naman na kasi nung nangyari yon. Di muna ko umuwi. Di ko pa sila kayang makita e. Kaya nag-gitara muna ko. With matching kanta na rin para senti.
* You could be happy, and I won't know. But you weren't happy, the day I watched you go * tumutulo na rin luha ko habang kumakanta.
* Is it too late to remind you how we were. But not our last days of silence, screaming, blur* nagulat ako dahil biglang may sumabay kumanta. Si Jham pala. </3
Tinigil ko yung pagkanta. Ilang minutes din kaming natahimik. Bigla na siyang nagsalita.
“I’m so sorry, Chase. Alam kong mali yung pag-iwas ko sayo. Lahat kasalanan ko. I know I’ve been so selfish. Sarili ko lang yung inintindi ko, di ko alam na nasasaktan ka pala, ng sobra sobra. I’m so sorry, Chase. Alam kong di na tayo babalik sa dati pero sana friends na ulit tayo. Sorry din kasi mahal ko talaga si Hero. Mas masasaktan ka lang pag patuloy pa kitang papaasahin. I love you, Chase, but as a friend. I miss you so much, Chase.” Sabay yakap sakin ni Jham. Di ko na napigilan, umiyak na naman ako. Miss na miss ko na rin siya e. Pero di na ko makapagsalita sa kakaiyak.
Nagsalita siya ulit. “Kung di ka pa makapagsalita ngayon, sige aantayin kong kausapin mo ko. I have to go, Chase.” May pahabol pa siya. “I’ll wait.”
Nakaalis na siya nung makapagsalita na ko. “I think it’s time to let go. I love you so much, Jham.”
Bumalik ako sa paggigitara at kumanta ulit.
* Most of what I remember makes me sure. I should have stopped you from walking, out the door. YOU COULD BE HAPPY, I HOPE YOU ARE. YOU MADE ME HAPPIER THAN I’D BEEN BY FAR.* </3 </3 </3
Last part
It’s time to move on. Sabi nga nila pag may umalis, may darating. Hintay hintay na lang. Alam kong napakalungkot ng ending, pero sana na-enjoy niyo. Tsaka emo kasi yung author kaya ganyan kung kuwento pati na rin yung title.
Thank you! :D
~RCSB2k13