Chapter 2 - Pt 3 A glimpse of my prince charming

13 0 0
                                    

Lumipas ang two days ng mabilis. Friday na nga. Umaga lang ulit ang klase kaya kanya kanyang sibat na. Aattend ng reunion tong sina Sab at Shane kaya nauna ng umalis. Sinundo sila ng driver nila Shane. Yaman ng mag bruha eh.

Eto naiwan ako kasabay ang baliw na si Ish. I mean, baliw. Ngumingiti mag-isa mukhan timang.

Pak!

"Aray naman!" Angal niya na nasapo bigla ang kaliwang pisngi. Bi-nack hand ko sya eh. Nakakahiya kaya maglakad katabi to. Baka sabihin ng mga tao pareho kaming lokaloka. 

"Kase naman. Ilang gramo ba ng drugs tinira mo?!" Di ko na maitago yung irita sa boses ko.

"Hindi ako tumira ng drugs. Pero oo. Naadik ako. In love eh. Nakakaadik kaya si Robi," Sabay yakap ng librong hawak nya. Kawawang libro. Kung may buhay yun, in-upper cut nya siguro si Ish. "Papakilala nya nga pala ako sa pamilya nya mamaya."

"Talaga? Pang sampung beses mo na ata sinabi yan today? So dapat pakita kong surprised ako for the tenth time?!" Napaarko nalang yung kilay ko. Tsss. Baliw na nga to. Wala na.

"Hihihihihihihihihihihihi." Hays. Bwiset. Sana ito nalang umattend ng reunion eh. 

Mayamaya sumakay na kami ng jeep.

"San ka nga pala pupunta? Don't tell me my date ka din?" Haha. Tatampalin ko talaga to.

Teka, bakit ba ang init ng ulo ko kay Ish? Well, kanina pa mainit ulo ko. Ay hindi. Mula pa nung Wednesday. Bwiset kase yung Bryan na yun. Bwiset talaga!

"El Natividad lang." Kaswal kong sagot. Dinukot ko yung cellphone at naglaro nalang ng all time favorite, zombie tsunami.

"Oh?" Yung tono nya naging dahilan kung bakit napalingon ako sa kanya. Pero yung mata nya , imba. O______O 

"Bakit?" Napakunot nalang noo ko sa reaksyon ng mukha nya. Ano naman kung pupunta ako dun?

"Pupunta ka dun, wala kang dalang sasakyan?!" 

"Gusto mo bang bitbitin ko tong jeep dun?" Bumalik ako sa paglalaro. Pag in love talaga si Ish, lumillit ang utak (sorry ang mean ko huehue)

"I mean, ang laki ng subdivision na yun eh!" Pasigaw nyang sagot. Good thing, bukod sa driver at kundoktor, tatlo lang kaming sakay ng jeep. Good thing talaga. Kundi nakakahiya.

"How did you know?"

"Kase dun ako pupunta ngayon. Dun po kaya nakatira ang my loves Robi ko." Proud nyang sabi. Pasimple narin nyang inayos ang buhok nya. Malapit na kase kaming bumaba.

"Well. Isabay nyo nalang ako pwede? Total malakas ka naman siguro sa My loves Robi mo." Medyo inartehan ko yung boses para maramdaman naman nito na ang OA nya na sa paningin ko.

"Sure thing girl" Sabay kindat.

Pagbaba namin sa tapat ng gate ng village. Wow. 

Five security guards lang naman ang nandun. Lang naman. Anong meron? Aatakihin pa sila at talagang todo bantay pa? Sabagay. Mayayaman mga nakatira dito. Mayayaman for real.

"Asan na yung my loves mo?" Nakangiti kong sabi. Wala na ko sa mood magtaray. Kinakabahan kase ako. Ewan ko ba. Hindi naman siguro myembro ng kulto yung mga nakatira sa pupuntahan ko eh.

"Nagtext nga eh. Driver lang daw susundo sakin. Andun sya sa bahay. Nag aayos ng mga final decor." Kita sa mukha ni Ish na kinakabahan na rin sya.

Niyakap ko sya ng saglit. Alam ko nakkakaba yung ganito kase nga nagseseryoso nanaman sya. "Magiging okay din ang lahat. Talagang nagready sya ha?"

Ngiti lang ang isinagot nya.

Mayamaya dumating nadin ang kotse. Wow. Sports car. Red. Parang yung nasa commercial lang ng Fita dati.

Lumabas ang driver at nginitian si Ish at ako. Mukhang may manner si manong ha?

"Sakay na po kayo Mam Ish." Bati nito sabay lakad sa kabilang side para buksan ang pinto.

"Hmmm. Pwede po bang isabay natin yung kaibigan ko?" Kabadong sabi nya sabay tingin sakin. Oo nga no. Ang awkward. Si Ish yung sinusundo tapos makikisabit pa ako.

"Oo naman po. Saang street po ba sya dyan sa loob?" Hindi parin nawawala yung ngiti sa mukha nya. Sincere naman yung ngiti. Umaabot sa mata. Okay. Medyo nakakarelax kausap si Manong.

"S-sa Jasmine Street po. 7-12. Morgenstern Residence." Nabubulol kong sabi. Dalawang gabi ko kaya kinabisado yung address nila. Lol!

"Sakto. Kabilang street lang pala. Sige Mam. Idadaan ko po kayo dun."

Sumakay na kami at agad nyang pinaandar. Bumusina pa sya sa mga guard. Tumango naman yung isang hawak hawak yung gate.

Sa loob, ang gara ng mga bahay. Pabonggahan! Grabe. Oo may kaya kami kahit papano, pero iba to. POSH. Castle. Oo, parang kastilyo yung mga bahay. Mga iba't-ibang disenyo ng kastilyo.

May paparating na sasakyan. Oh my geeeeee. Ang sexy ng sasakyan! Nakakatulo ng laway yung sports car.

2014 Jaguar XK. First time ko to makita. Yung may nagdadrive. Inabangan kong dumaan sa sinasakyan namin yung kotse. Astig..

Ayan na.

Dugdugdugdugdugdugdugdug!

Kung yung kotse pinatulo yung laway ko, yung driver, nilaglag yung panty ko! Seryoso. Parang angel yung nakasakay sa kotse. Ang gwapo. Hindi lang gawapo. Yung term na highest level ng gwapo. YUN. Si Adam. Oo si Adam yun! Taga dito sya? Or pwede din namang may dinalaw lang. Buo na desisyon ko. Tatanggapin ko yung offer kahit may conflict sa schedule. Landi much? Eto lang yung chance ko para makita ko si Prince Charming.

After two years, gustong tumalon ng puso ko at sundan yung nakasakay sa kotse. Di ako makakatulog. Eto nanaman ako sa love at first sight. Love at second sight. Sana sa third sight sya naman yung mainlove sakin. 

Oh Lord, please, next time makita ko sya ulit, nakasakay na ko sa kotse nya. Sana next time makatabi ko sya *________________*

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon