Chapter 32

2 1 0
                                    

                        ~~~°°°~~~

Pag pasok ni Louise sa kwarto nya pag kahatid ni Harry patihaya siyang bumagsak sa kama nya.

"Hay!  Ano ba ito?  Hindi pwede ito!
May boyfriend ako si Melvin, tapos nakipag halikan ako kay Harry kanina...
Hinatid...
Tapos susunduin mamaya
Oh my goodness mali, mali! " kausap nya sa sarili nya.

Pumihit siya ng patagilid at niyakap ang unan nya.

"Sino ba mas mahal mo Sophia Louise Hernandez?  Si Harry ba na first love mo O si Melvin na boyfriend mo ngayonDapat isa lang!  Sino?  Sino? Sino??? "-kausap nya uli sa sarili nya hanggang sa makatulog na siya.

Lumipas ang ilang oras.

Tok!  Tok!  Tok!

Nagising siya sa katok ni Amy.

"Ate nasa baba na po si Boss Harry iniintay na po kayo" sabi nito pagbukas ng pinto.

Bigla nya naalala na kailngan nyang bumalik sa kompanya.
Dali dali itong naligo at nagbihis.
Inabutan nya si Harry na nagbabasa ng magazine lalo itong gumawapo sa suot nitong Business suit nya.

"Let's go! "kaswal na sbi nya dito.

Sabay silang pumasok ng building at hinatid siya nito hanggang opisina at nag tuloy na si Harry sa opisina nito.
Hindi nila pinag usapan yung tungkol sa halikan portion.
Para lang walang nangyari.
Deadma.

Hindi iyun nakaligtas sa mata ni Candy.

"Ano yun ha?  Parang...  i have something smell!!! "tudyo ni candy sa kanya.

"Kwento ko sayo mamaya, ayusin na muna natin yan at tanghali na."sabi nito sabay dampot ng mga materyales na hawak ni candy.

Pag katapos ng trabaho nila kay Louise na sumabay si Candy pauwi.
Ikinuwento nya dito ang nangyari sa kanila ni Harry kagabi at kung paano siya naguguluhan ngayon.

"Eh,sis sino ba mas matimbang sayo sa dalawa? "tanong ni Candy ng nasa loob na sila ng kotse nito at pauwi na.

"Hindi ko alam Candy, ayokong maging unfair sa kanila pareho."
Problemadong sagot ni Louise.

"Pero nagiging unfair  ka na ngayon sa kanila, dapat pumili ka  na sa kanila. "payo ni Candy.

Hindi naman kumibo si Louise bumuntunghininga lang ng malalim at nagpokus sa pag dadrive.
Binaba na ni Louise sa tapat ng bahay nila si Candy.

Dumertso na siyang umuwi ng bahay.
Pag pasok nya ng bahay inabutan nya  sa loob si Melvin.

"Hi,  Hon. Kamusta ka na? "masayang bati sa kanya nito.

"Kelan ka pa dumating? "tanong nito sa nobyo pero hindi makikitaan ng excited sa mukha.

"Ngayon lang hon, baket mukang wala ka atang sa mood, hindi mo ba ako na miss? "nag aalalang tanong ni Melvin.

"Pagod lang siguro ako hon, kumain ka na ba? Pagdadahilan nito at pilit pinasigla ang sarili pero ewan nya parang ayaw na muna nya itong makausap.

"Mas mainam siguro hon, magpahinga ka na muna.balik na lang ako bukas."Melvin na nag aalala kay Louise.

"okey sige hon, pasensya ka na."Louise.

"Okey, bye.... Pahinga ka ha? "paalam nito at humalik muna sa noo ni Louise bago tuluyan umalis.

Dumeretso sa kwarto nya si Louise. Sapu sapo ang noo.
Alam nyang nasaktan si Melvin sa inasal nya kanina pero naguguluhan na siya.
Inisip nyang maigi kung sino ba talaga gusto nya sa dalawa, kung sino ang higit na mahal nya.
Nakahiga lang siya sa kama at nakatingin sa kisame.

Nang biglang mag ring ang celpon nya.
Tumayo siya para kunin ang celpon  na ipinatong nya kanina sa tokador nya.

Si Mrs. Brillion ang nasa kabilang linya.

"Talaga po? " sabi ni Louise na hindi makapaniwala.

May binalita ito kay Louise,
May 20minuto din nya naka usap ito sa kabilang linya marami itong sinabi at puro opo lang ang naging tugon nya.

"As soon as posible, sana ay makapagdesisyon ka na,  the day after tomorrow na ang fligth. I inform mo ko kaagad until tomorrow. "huling sinabi ni mrs.Brillion.

Wala na sa kabilang linya si Mrs.Brillion  pero hawak pa din nya celpon nya sa tenga nya.

Naupos iya sa kama nya at nag isip.
Halos isang oras din siya sa ganun sitwasyon.
Hanggang sa nakapag pasya.
At sa pag pasya nyang iyun alam nyang may masasaktan pero yun lang ang naisip nya pinaka best na paraan para sa ikabubuti ng lahat.

Nagbihis siya at bumaba na para umalis.

"Ate aalis kayo? Kakarating nyo lang. "tanong ni amy ng makitang kinuha nito ang susi ng kotse.

"Oo,  Amy may aayusin lang akong importante, uwi din ako kaagad."sabi nito at lumabas na.

Banayad lang ang pag papatakbo nya ng saksakyan hanggang sa makarating siya sa Condo ni Melvin.

Dalawang beses pa lang siya napupunta dito nuong una nung ipakita ni Melvin sa kanya ang place nito kasama pa nya nuon si Candy at pangalawa dumaan sila sandali para mag bihis si Melvin dahil may birthday  party silang pupuntahan.
At ngayon nga ang pangatlong pag punta nya dito na mag isa at hindi pa alam ni Melvin.
Binigyan sya ni Melvin ng duplicate ng susi para anytime daw na gustuhin nyang pumunta pwede siyang pumunta, pero hindi nya nagamit yun.
11th floor pa kung saan nandoon ang condo ni Melvin.
Nang makarating siya lumakad na siya sa pasilyo at hinanap ang room 201...

Pag dating nya sa tapat ng room 201,  kinuha nya ang susi sa bag nya.
Hindi nya pinaalam kay Melvin na pupunta siya dahil gusto nya itong isuprise dahil alam nya na nag tampo ito kanina sa knya.
Sabi nya tyak masusuprise ito pag dating nya, kun wala naman ito sa condo nya masusuprise pa din ito pagdating dahil dadatnan siya duon.

Pag bukas nya ng pinto pumasok siya.
Tahimik sa loob na parang walang tao.
Dahan dahan siyang pumasok hanggang sa kusina nito pero walang tao.

Baka nagutulog sa kwarto sa isip ni Louise habang patungo siya ng kwarto nito.

Pinihit nya ang seradura ng pintuan ng kwarto at dahan dahan nya itong binuksan.

Nang mabuksan nya ang pinto napahawak ang dalawang  kamay nya sa bibig nya.

"Ohhh! " tanging nasabi ni Louise...

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon