~~~~°°°~~~~
"Sis, tatawag ka palagi ha? pag may time ka mag skype tayo. Ingat ka dun, kakain ka sa oras wag kang mag papagutom ha? "mahabang bilin ni Candy ng nasa airport na sila.
"Ate, ingat ka po dun, intayin ko po pagbabalik nyo. "sabi naman ni Amy na malungkot na malungkot.
"Salamat, Amy. Ikaw din mag iingat ka habang wala ako sa bahay. Yun monthly expenses mo ipapadala ko na lang monthly kay Candy."sabi ni Louise habang kausap si Amy, hindi na ito iba sa kanya at ito ang maiiwan sa bahay nya habang wala siya.
At wala pang katiyakan kung hanggang kelan siya magtatrabaho duon o kung makakabalik pa ba uli siya ng pilipinas."O paano Candy, kailangan ko ng pumasok sa loob." paalam naman nito sa kaibigan nya. At nag yakap sila.
Nagkawayan na lang sila ng tuluyan na syang makapasok sa loob ng departure.
Tanging si Candy at Amy lang ang naghatid sa kanya sa Airport.
Si Mrs. Brillion ay tinawagan siya bago siya umalis ng bahay. Nag good luck lang ito at nagsabi ng Happy trip sa kanya.Tinangap ni Louise ang malaking oportunidad na dumating sa kanya.
~~~
Nung tawagan siya ni Mrs.Brillion ibinalita nito sa kanya na may pagkakataon siya na mag trabaho sa Paris kasama ng sikat na Fashion designer na si Francis Libiran dahil nakilala na sa ibang bansa ang husay nya.
Sa loob ng dalawang araw lang ang lipad nila.
Nagdalawang isip pa siya nuon dahil magulo ang isip nya dahil kay Melvin at Harry.
Pero napagdesisyunan nya din na tanggapin ang oportunidad na dumating pero kailngan nya munang ayusin ang puso nya.Nagdesisyon siyang puntahan nuon si Melvin dahil ito ang pinili nya sa dalawa dahil naisip niya buhat naman ng naging sila sa loob ng isang taon naging masaya naman ang relasyon nila.
At si Harry ay bahagi na lang ng kahapon nya.
Kahit mayroon pumipigil na isang bahagi ng puso nya sa mabilisang desisyon.Kaya dali dali siyang pumunta sa condo nito at para ipaalam na din ang balita ni Mrs.Brillion.
Pero hindi nya akalain na duon matatapos ang relasyon nila..Habang nasa himpapawid si Louise muling tumulo ang luha sa mga mata nya.
Naalala nya yun araw na nasa Condo siya ni Melvin.
~~~
Hindi nya akalain na pag bukas nya ng pintuan ng kwarto ni Melvin makikita nya nakahiga ito sa kama na may katabing ibang babae na kapwa hubad na tanging kumot lang ang tumatakip.
Hindi nya namalayang basang basa na pala ang mukha nya ng luha.
Tumakbo siya ng palabas ng makita siya ni Melvin na gulat na gulat din.
Naabutan siya ni Melvin na palabas na ng pintuan ng condo nya."Louise, magpapaliwan..... "hindi na natapos ni Melvin ang sasabihin dahil sinampal na ito ni Louise,saka tumalikod na paalis
Hindi na nya nahabol dahil nakatapi lang ang kumot sa kanya.Nag bihis si Melvin at pumunta ito sa bahay ni Louise pero hindi nya hinarap at binilinan si Amy na pag babalik ito sabihin wala siya.
Tinawagan nya si Candy ng araw ding iyon na pumunta naman kaagad.
Galit na galit ito kay Melvin ng malaman gusto sana nitong sugurin inawat lang ni Louise.Sinabi na din nya sa kaibigan nya ang ibinalita ni Mrs.Brillion.
"Ay,sis ang swerte mo. Eto na yun dream mo! Kaya lang tyak malulungkot ako kasi iiwan mo na ko waaaaaaaah! " sabi ni Candy tapos nag iyak iyakan ito na naging Oa na.
Natawa nama si Louise."Ayan! Tumawa ka din."sabi nito sa kaibigan na gusto lang pangitiin.
Dahil kung nasasaktan si Louise ay nasasaktan din si candy dahil halos magkapatid na turingan nilang dalawa.Ibinilin nya din dito na wag ng ipaalam kay Harry ang pag alis nya.
Kaya wala din itong alam sa pag alis nya.Pinunasan nya ang mga mata nya at pinangako nya sa sarili hindi na siya uli iiyak dahil lang sa pag ibig.
Pinag masdan na lang nya ang mga ulap at inintay ang pag baba ng eroplano.