Kabanata 3

19 1 0
                                    

Nililigawan ko siya.

Nakauwi na ako ng bahay at nakapagbihis narin. Nagtataka talaga ako paano niya nakuha ang number ko , stalker siguro iyon hahaha. Sabagay ang gwapo niyang stalker. Ay patay sinabi ko bang gwapo siya ? Hala hayst erase erase wala akong sinabi. Nasa kwarto ako ngayon nakahiga lang , nakatingin sa kisame at nakikinig ng music. Biglang may kumatok sa kwarto ko.

" Whane? "

Hala si daddy yun ah.

" Po Dad? " tumayo ako at binuksan ang pinto

Bumungad saakin si Daddy na naka office attire pa.

" May bisita ka. " sagot ni Dad

" Sino po? Tsaka wala naman po akong inaasahan na bisita. " takang tanong ko kay Daddy

" Hindi ko alam kung sino e baka one of your friends. Mabuti pa bumaba ka nalang at magbibihis muna ako. " sabi ni Daddy

" Okay po Dad titingnan ko nalang. " tumango siya at umalis na

Sino naman kaya iyon si Miyu? E magttext siya saakin kung sakali. Bumaba ako para malaman kung sino ang distorbong nilalang.

Pagkababa ko ng hagdan nabigla ako sa nakita ko. O_O ANONG GINAGAWA NG ISANG PESTENG NILALANG SA BAHAY NAMIN?? AMPUTS NA TIPAKLONG.

" HOY!!! " sigaw ko sakanya

" Hi Whane? " bati niya

Tiningnan ko siya ng masama , ang lakas ng trip niyang batiin ako. G*** talaga.

" Anong ginagawa mo dito? " iritang tanong ko sakanya

" Wala man lang hello? Haha Binibisita ka lang at may kasalanan ka pa saakin ah. " ngisi niya

" Wala hindi ako marunong tumanggap ng bwisita. At hindi kita kilala , hindi kita kaibigan , at ang kapal mong pumunta dito kaya pwede lumayas kana. " iritang irita na talaga ako sakanya

" Ayoko nga. Manigas ka bisita ako dito at sabi ko sa Daddy mo may kailangan ako sayo. " sabi niya sabay upo sa sofa

Naiinis na talaga ako sakanya , ano ba gusto niya at pumunta pa talaga siya dito. Hindi ko nalang siya sinagot naiirita na talaga ako e. Tiningnan ko siya at ang loko nakuha pang ngumiti saakin habang tinitingnan ang buong bahay namin. Hayst iiwanan ko nalang siya at sasabihin kay Daddy na hindi ko siya kilala. Paakyat na sana ako ng may tumawag saakin.

" Princess? " napalingon ako at nagulat sa nakita

" Mommy ? Umuwi kana? " sabi ko at takbo agad sakanya

Yes andito na si Mommy.

" Hindi ba halata anak. Ikaw talaga. " sabi niya saakin at niyakap ako

Yung Mommy ko talaga may pagkamataray minsan , sakanya ko namana ang katarayan ko e.

" I miss you Mommy. " sabi ko at yakap din sakanya

" May bisita ka pala anak. Sino ka? " sabi ni Mommy

Hala patay oo nga pala may bwisita ako.

" Mommy hin--

" Hep hindi ikaw ang tinatanong ko siya hindi mo ba ako narinig sabi ko " Sino ka ? ". " sabat saakin ni Mommy

Fine tss. Sinamaan ko siya ng tingin ngitian lang ako ng loko.

" Goodevening po. Ako nga po pala si Kurt Tyson James C. Smith. " pakilala niya sa sarili niya.

Ang haba ng pangalan ng loko.

" Goodevening din hijo. Kaibigan kaba  ng anak ko? " tanong ni Mommy

Intelligent PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon