"Leo! Tara na, paalis na yung bus"
Kinuha nung kundoktor ang mga gamit namin upang ilagay sa compartment.
Umupo kami sa pang-dalawahan at nasa may bintana ako.
"Gaano katagal ba ang biyahe natin?" Oo nga pala, hindi ko nasabi sa kanya.
"Mga labing-dalawang oras." Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Ang tagal naman babe, pero ayos lang kasama naman kita eh!" Pinigil ko yung ngiti ko, kasi naman ang aga aga pinapakilig ako ng isang ito.
"Ay grabe! Tumigil ka nga, babe."
"Matulog ka muna." Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Ayoko, baka mamaya makakita ka ng chix, iwan mo na ako."
"Hindi ah, goodboy ito. Papakasalan na nga kita eh diba?"
"Kahit na! Behave ha?"
"Yes ma'am" Sabi ni Leo with matching saludo pa.
Pupunta kami sa probinsiya, doon kasi nakatira si Tiya Isabel. Siya yung kumupkop sa akin.
Matagal na akong hindi nakakapunta doon, simula kasi nung naging Kolehiyo na ako lumipat ako sa maynila. Kaya naman hindi ko na alam kung kumusta na sila doon.
Ikakasal na kami ni Leo kaya napagdesisyunan ko na magpaalam kay Tiya Isabel.
-----
"Babe, gising." Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko.
"Hmmm" Tinapik ulit ako, siguro si Leo yun.
"Nandito na tayo"
Nakatulog pala ako.
"Talaga?!" Tumingin naman ako sa bintana at totoo nga nandito na kami.
Kinuha ni Leo ang mga gamit namin at sumakay kami sa pedicab.
Habang nasa pedicab, tinitignan ko ang paligid at kinekwento ko kay Leo yung mga alaala ko sa lugar na ito.
"Diyan sa ilog ako madalas naglalaro babe. Kasama ko yung mga anak ni Tiya Isabel."
"May anak pala si Tiya Isabel?"
"Oo, kambal na babae. Si Ella at Bella."
"Ang cool, halos magkaparehas lang ang pangalan nila." Oo nga, pati nga itsura eh pwera sa ugali.
"Kaso magkaibang magkaiba sila..." Natanaw ko na ang bahay nila Tiya Isabel kaya naman hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.
Marami narin ang pinagbago ng lugar na ito. Sila kaya, may pinagbago?
Excited na akong makita sila.
Sana hindi pa huli ang lahat.