Loop

26 2 0
                                    

Malakas na hangin ang sumasalubong sa akin. Wala naman ibinalita na mayroong darating na malakas na bagyo at hangin at wala rin ako sa office kung saan isang batalyon ang air-con doon bagkus nasa ere ako ngayon. 

Ang lakas ng hangin na sumasalubong sa akin hindi lang sa mukha ko kung hindi sa buong katawan ko. Umiikot ang katawan ko sa mga anggulo na hindi pamilyar sa katawan ko nung nakatayo pa ako sa lupa at ang mukha ko ay sobra nang sakit dahil sa mga hangin na nakukuha nito at hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa hangin na ito.

" Ahaha, Paano nga ulit humantong sa ganito?" 

Ang aking inisip habang hinihintay ko ang kamatayan na tumitingala sa akin pababa ng building.

Nagsimula ang lahat ng ito nung bata pa lang ako nung nasa elementary school pa lang ako. Mayroong isang babae sa aking klase ang laging pumupukaw ng pansin ko. Hindi siya gaanong maganda pero cute siya at hindi rin siya masyadong matalino pero above average siya. laging siyang isolated sa klase namin kasi mayroong kakaiba sa katawan niya. Nung first day niya dito sa school ay mayroon siyang patches sa kanyang kanang mata at dahil doon kahit bagong transfer lang siya ay nahirapan na kaming kausapin siya. Nung second day ay nawala na ung patch sa kanyang mata pero mayroon naman ngayong cast ang kanyang kaliwang kamay. Lahat kami nabahala at nag alala pero nung mga sumunod na araw ay binali wala na lang namin iyon at inisp na.

"Normal lang kay Thyme Einstein iyong ganyan."

Kapag tinataas niya ang kanyang kamay para magrecite kailangan ng may mag aalalay sa kaniya bago siya tuluyang makatayo at makaupo sa desk niya pero ni minsan man ay hindi siya nagkakamali sa mga tinatanong sa kanya ng aming teacher. Laging siyang perfect kahit may suprise quiz kami. Parang nakikita niya ang future pero di ko talaga maiwasang hindi tumingin sa kanya. Hindi naman dahil nagagandahan ako sa kanya kung hindi nagtataka lang ako lagi kung bakit siya ganyan

" Talaga, Ang hirap niyang tignan" 

Ito ang laging kong iniisip kapag nakikita ko siya. Nang matapos na ang klase niyaya ko ang kaibigan ko na si Ranz na laging nasa cram school at si Bilbo na laging kumakain. 

" Arjay, Ano ang gagawin natin ngayon?"

Malakas na sinabi ni Bilbo habang mayroong dalang snacks at kumakain.

" Ano pa ba edi tatalon ulit tayo sa bridge!"

Malakas kong sinabi kay Bilbo para mapantayan ang kanyang malakas na boses.

" Arjay, alam kong na prepressure ka kasi bigatin ung pamilya mo pero huwag ka naman maging padalos dalos sa mga ginagawa mo."

Ang sinabi sa akin ni Ranz na nagbabasa ng maliit na libro habang naglalakad.

" Alam ko naman un Ranz eh, Kahit sino naman siguro ma prepressure kapag ang Family name nila ay Rosen eh!"

Ngumiti ako nang sinabi ko sa kanya ito. Para wala na siyang matanong tungkol sa akin.

" Ahh ganun ba? "

Ang sabi niya sa akin pabalik. 

"Sa wakas nandito na tayo!"

Sinigaw ko ng malakas para makuha ang attention ng dalawang nasa likod ko. Dali dali kong hinubad ang aking sapatos at tumayo sa railings ng bridge.

" Arjay, alam mo ba na kapag bumagsak ka ng fifteen floor ay para ka nang hinihampas sa kongkretong pader? "

Sinabi ni Ranz iyon habang nakatingin sa akin. Pero agad ako tumalon kasi alam ko napipigilan niya ako. Malalim nga ang tubig pero wala naman iyon silbi kung marunong kang lumangoy. Sumunod ay si Bilbo na tumalon at ang huli ay si Ranz. Pagkatapos nun ay diretso na kaming umuwi sa kani-kanilang bahay na basa ang buong katawan. 

Loop (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon