HCHM 52

4.3K 71 3
                                    

~~~

SATURDAY. Nandito lang ako sa kuwarto ko. Bihis na nga ako, eh. Hinihintay ko lang ang text sa akin ni Pula. Nag-missed call siya. Sasagutin ko sana ngunit bigla naman siyang nawala. Kaya, heto ako, naghihintay ulit ng text niya. 

Napabuntong hininga ako. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong kinuha yun. Si Pula ang nagtext. Kyaaa! 

From: Pula

Sa Italian Restaurant na lang tayo magkita. Sa bayan. Ingat ka. 

Napangiti ako nang dahil sa text niya. Tumayo na ako sa kama at inayos ko muna ng kaunti ang sarilli ko. 6pm na ng hapon. 

Sa taxi na lang ako sumakay. Nang makadating ako dun, sa table for two lang ako umupo. Tumingin ako sa wrist watch ko. 6:30pm na. Bakit naman kaya ang tagal nun? 

"Mam, wine?" Sabi nung waiter na lumapit sa akin habang may dalang tray at nakalagay doon yung wine. Ngumiti ako sa kanya at kumuha ako ng isa. 

Tumingin muli ako sa wrist watch ko, 7:15pm na. Tinext ko siya at tinanong ko siya kung pupunta siya ngunit hindi siya nagreply. Alam kong sisipot siya. Ngunit inabot na ako ng dalawang oras o mahigit pa, walang Red na dumating. Ni anino niya hindi ko nakita. Ano to? Gaguhan?! 

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ngunit napatigil ako nang may makita akong pamilyar na dalawang tao na papasok sa loob ng restaurant. Napakunot-noo ako. Si Harold at si Zach to, ah? Nagkatinginan ang dalawa nang makita nila ako pero lumapit sila sa akin. 

"W-what are you doing here?" Nauutal na tanong sa akin ni Harold. 

Napataas ang kilay ko. Asar ang nararamdaman ko ngayon! "Where's Red?" Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko dahil kahit magalit ako, wala din naman akong mapapala. 

Nagkatinginan ang dalawa. Mukhang alam ko na kaagad. Napabuntong-hininga na lang ako. Oo, gusto kong umiyak. Pero, ayoko sa harap ng dalawang to. 

Tumaas yata lahat ng dugo ko sa ulo ko nang makita ko pa ang pamilyar na pigura habang papasok ang mga ito sa restaurant. So, they're together? Nice. Fuckshit lang. Hindi ko na maiwasan magmura! Nagagalit na talaga ako. 

Nasaktan na niya ako tapos sinaktan niya uli ako ngayon? Pasalamat nga siya at hindi pa ako nagalit sa kanya nang malaman kong sila ni Sheena. Oo, sumama ang loob ko! Pero, hindi ako nagalit. Pero, yung ganito? 

Pinaghintay ako ng dalawang oras tapos ito ang makikita ko?! At ang taong mahal ko pa?! Ano to?! Tangahan lang? Mukha ba akong waiting shed na hindi aalis hangga't hindi siya narating?! Puchaa lang talaga! 

Napatingin si Harold at si Zach sa tinitingnan ko saka mabilis na tumingin uli sa akin. Tiningnan ko sila ng masama. 

"Alam niyo ba to? Alam niyo ba magkikita kami ni Red?!" Mahina ngunit mariing tanong ko sa kanila. Tumango sila parehas. "Alam niyo pala naman. Bakit hindi niyo man lang ako tinext para sabihin sa akin na magkasama sila?! Ano to?! Pinagmumukha niyo akong tanga?!" Asar na kinuha ko yung bag ko at itinulak ko silang dalawa para makadaan ako. 

Tumigil ako sa harap ni Red na nasa entrance door pa rin. Bumalik yata sa kotse ng girlfriend niya! Buwisit! Nagagalit ako! 

"So, what's up, my dear boss?" Nakahalukipkip pa ako habang nakatingin sa kanya. Aba! Anong feeling niya? Iiyak ako?! Oo, wait lang. 

Gulat na tumingin siya sa akin. "Y-Yuri...." 

"Mag-usap tayo. Sa labas!" Nauna na akong lumabas sa kanya. "Ano to, Red, ha?! Lokohan?! Pinaghintay mo ako tapos hindi ka naman pala dadating?!" Galit na sabi ko sa kanya. Namuo na ang luha sa mga mata ko. Karapatan ko to! Alam niya na gusto ko siya pero dapat hindi niya ginagawa sa akin to! Nasasaktan ako, eh. Tapos, ngayon pinaghintay lang niya ako sa lintek na restaurant na ito?! Tapos, makikita ko lang sila na magkasama ni Sheena dito?! Ang laki niyang tanga ano?! Alam niya na dito kami magkikita pero dito sila pupunta ni Sheena?!

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon