Nakakapagod ugghh!shemss kanina pa ko hingal na hingal grabe naman kasi sobra napagod ako sa ginawa namin pero ang saya grabe di ko makalimutan! Paano ba naman kasi kanina sobrang boring lagi lang kaming naka hilata sa bahay kaya nag aya sila Ella pinsan ko na mag basketball daw para maiba naman lagi nalang daw volleyball at pinagpustahan namin na kung sino ang matalo manglilibre ng meryenda at dahil magagaling ang napunta sa team namin nanalo kami syempre.
Nakaharap ako sa salamin ngayon at nagpupunas ng pawis shems ang lagkit ng feeling sobra ngayon lang ata uli ako nakapaglaro ng ganito kapagod kakabakasyon lang kasi ngayon kaya ngayon lang ulit kami nakapag saya ng mga pinsan ko.
Walo kaming magpipinsan bali pito lang pala kasi kapatid ko yung isa haha sila ay si Kayzel,Ella,Laudine,Kayla,Chloe at Toni tapos yung kapatid ko si Dalenne.At ako si Maureen Anne Castillo mag 18 na ako next month excited na nga ako eh."Ay butiki" nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kapatid kong mukang butiki haha syempre joke lang yun mahal ko to kahit ang payat.haha
"Hoy anong butiki ha?maghugas ka ng plato don nag pi-feeling hot ka nanaman jan sa harap ng salamin may pa pose pose ka pang nalalaman" sabi niya habang ginagaya yung pose na ginagawa ko kanina. Tignan mo to ang sama ng ugali eh talagang hot naman ako eh. :3
"Tse inggit ka lang" sabay nag flip ako ng hair bago umalis sa kwarto na lumakad ng parang model palabas at naghugas na nga ako ng plato . Binilin kasi to ni mama na bago daw siya umuwi hugas na dapat yung pinggan. Masunurin akong bata ugh! Walang kokontra.
~Monday~
*Yaaaaawn* isang umaga nanaman ang dapat na harapin ... charot ang lalim haha.
Nagmumog na ako bago bumaba at siguradong kumakain na sila ng agahan at tama nga ako lumalamon na at hindi man lang ako abalahing gisingin ang tinde nila-,-joke!
"Goodmorning anak"bati sakin ni mama at nagsandok siya ng sinangag para saakin
"Ma ako nalang magsasandok madali lang naman yan" tapos tumango siya at umupo na
"Siya nga pala pumunta kayo ng palengke mamaya ah bumili kayo ng ulam ikaw na mag luto maureen nag saing nako kaya yun nalang ang gagawin mo" nag-nod ako kaya mama. Parehas silang maaga umaalis para sa maliit naming business na nakakatulong para sa pag aaral naming magkapatid.Ang sipag nila no? Best parent ever!
"Anjan na pala yung bagong lipat sa dating bahay nila lola pinang infairness may pogi" nakatingin lang kami kay dalenne habang nagkukwento. So? May bago na palang neighbors? At pogi daw matignan nga mamaya bwahaha.landiii!.joke
Nawala tuloy ako sa plano nang biglang sumigaw si dalenne.
"Hoy ate nag day dream ka na jan nakarinig ka lang ng pogi tulaley ka na agad jusme!" Inirapan ko nalang siya at tinapos ng kumain .Bumalik ako sa kwarto ko at nahiga ng saglit ng maisipang mag facebook nalang para kahit papaano ay may magawa naman ako . Maya't mayay nung nag iiscroll ako bigla akong may narinig na tunog nang isang kanta mahina pero ang ganda medyo may pagka slow yung song parang mga kanta kapag may sumasayaw ng sexy ganon?haha may nag papatugtog siguro sa kapitbahay na curious ako kaya hinila ako ng tenga ko na lumapit sa bintana para sumilip ng kaunti. Hindi naman ako gaanong kita dahil sa nakatakip naman yung kurtina sakin at nung nahanap na nung mata ko kung saan nanggagaling yung tunog ay...
O_O
Napanganga ako sa nakikita ko parang biglang akong pumasok sa isang dimension patungong langit. Okay masyadong o.a nagulat lang ako kasi may sumasayaw na nilalang akong natanaw mula sa bintana sa kabilang bahay eto siguro yung sinasabi ni dalenne. Pinagmamasdan ko siyang sumayaw ng mabagal na katulad nung kanta na siya ring tumututog ng mabagal.Ang pogi nga aaah may abs yummy..what? Teka erase!erase!
Ilang segundo din ako dun na nakasilip nung nagulat akong napalingon siya sa gawi ko. Waaah!
Halatang nagulat din siya pero nung saglit ay bigla siya ngumisi saakin ng nakakaloko saka biglang kumindat.
Bigla akong nahiya sa ginawa ko bakit pa kasi ako sumilip aissh! Napahilamos ako at nalaman kong may laway pala na tumulo.! Kainis nahuli niya ko nakakahiya argh! Parang ayoko nang lumabas neto.Pagkatapos ng pangyayaring iyon sinara ko yung bintana sa kadahilanang hindi ko din alam dahil ako naman ang may kasalanan dahil ako yung nakasilip doon na parang may kababalaghang nangyayari doon sa kabila..aissh!basta ayoko nang maulit iyon!
Nagbasa nalang ako ng wattpad para naman makalimut saglit sa mga nangyari kani kanila lang.Tumingin ako sa oras ay 10 na pala kaya naman naligo na ako dahil pupunta pa kami ni dalenne ng palengke para bumili ng ulam namin para sa araw na ito.
Pagkauwi ko ay mag luluto na ako ng bigla kong nakalimutan bumili ng asin dahil sa panimpla. Naisipan kong bumili sa pinakamalapit na tindahan
"Pagbilan nga po ng asin Aling kaleng" inabot niya sa akin yung asin at inabot ko na ang bayad. Hindi ko alam kung bakit nakangiti si aling kaleng kaya naman tinanong ko
"Bakit po ang saya niyo ngayon aling kaleng?" Ang weird ng sagot niya kaya umalis nako."Alam mo ba dumating na ang mapapangasawa mo?" Tapos bigla siya tumawa baliw na ata si aleng kaleng.1 week later
Isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari ang insidente sa bintana buti nalang at hindi kami nagkakasalubong sa labas kundi yari!
Nagkayayaan uli kaming magpipinsan mag saya katulad nakagawian nag volleyball kami dahil may malapit na court dito kaya dumiretso kami dun. Ang akala namin walang naglalaro doon dahil dati rati naman ay madalas namin itong naso-solo . May anim na kalalakihan ang nag babasketball doon at ang tatlo doon ay kilala namin na taga kabilang kanto lang pero di namin ka-close yung tatlo naman ay unang beses palang namin nakita dito. I gasp ng bigla kong narealize kung sino yung isa sa kanila Teka siya yung lalaking nasa Bintana.0_0 WTF!?
Napatingin silang lahat sa amin. At siya nakatingin siya sa akin at ako nakatingin lang din sa kanya. Ang akward ng atmosphere piling ko ata sa akin lang akward parang wala lang sa kanila at napatingin muli ako sa kanya ngumiti siya sa akin . Waah! Wag ka naman tumingin ng ganyan please! Piling ko bibigay yung tuhod ko ng wala sa oras.Namula nanaman ako nung naalala ko yung pagsayaw hanggang sa pagtulo ng laway ko.aish!
Malaki naman ang court kaya naman nag laro kami kalahati sa kanila at kalahati sa amin.
Nung isang oras na ang nakalipas pagod na ako kaya naupo muna ako sa bench na malapit sa pinaglalaruan namin.
Nakita kong natapos nang maglaro yung nagbabasketball dun pero ang ikinalaki ng mata ko ng papalapit siya direksyon ko waah!
Kokomprontahin niya ba ako dahil sa pag silip ko sa sexy dance niyang performance!?pfft. Anong sasabihin ko?!! Ayan na papalapit na siya ng papalapit!! . Napapapikit ako nung yumuko siya sa harap ko waah!at biglang narinig ko ng tumawa siya ng mahina. Unti unti kong minulat yung mata ko umiinom siya ng tubig..waah!bakit hindi ko nakita na may bottled water dito sa inupuan ko ang tanga ko T_T
"Hi! My name is William"pagkatapos ngumiti siya samantalang ako nakatingin na namumula sa katangahan ko kanina lang" Alam mo ba? Ang cute mong kiligin"
Napatingin naman ako sa kanya dahil bigla akong naiinis.
"Anong sabi mo?Ako kinilig?"tinuro ko pa yung sarili ko.
"Oo,bakit hindi ba?ang pula ng pisnge mo oh" hindi naman ako kinilig ah. Nahiya lang ako sa kanya eh.
"Alam mo natawa ko sa reaksyon mo nung nahuli kitang nakatingin sa bintana hahahaha"aba lintek to pinaalala pa yung pagsayaw sayaw niya don. Siguro sinadya niya yon para pagnasaan ko siya!WHAT?! ERASE!ERASE! arggh!"Hoy mister lilinawin ko lang sayo na wala akong gusto sayo no? Hindi ko naman alam na nagsa sasayaw ka don ng ganto"ginaya gaya ko yung pagsayaw sayaw niya dun ng slow mo. Pinanood niya ko tapos bigla siyang tumawa ng malakas. As in malakas talaga hinayupak to ginaya ko lang naman pagsayaw niya anong nakakatawa don aber?!
"Hahahaha grabe ka pinatawa mo ko dun ah! at tsaka wala naman akong sinabing crush mo ko ang sabi ko lang namumula ka!haha"
Tapos ipinagpatuloy niya pa yung pagtawa niya.Parang ganun na din yun!palusot pa."Whatever!"pagkatapos ay naglakad nako sabay nag flip ng hair with matching rolling eyes haha!
Crush pala ah!Sisiguraduhin kong ikaw yung magka-crush sa akin William bwahaha!.
~~~~