2015
-FRET-
"Napasarap ata tulog ko ah" nag unat-unat ako
"Te-teka asan na siya?" inilibut ko paningin ko sa loob. Tumingin sa relo ko 0_0
"Huwaaaaaa 4:30 pm naaaaa?! Grabe di man lang niya ko ginising iniwan niya lang ako dito pagkatapos ko syang tulungan pambihira talaga yung lalaki na yun!"
Mabilis akong lumabas
"Kala ko ba babalik ka?" napalingon ako sa nagsalita. Si sophie pala.
"Bakit hindi ka na bumalik kanina? Dapat sinabi mo kung ayaw mo mag perform hindi yung pinagmukha mo kaming tanga dun kakahintay sayo" hindi ako sumagot
"Masaya kana ba? Na pinaasa mo ko na pinaasa mo kami? Pasensya kana kung pinilit kita na sumali sa team ko ayan nakabawi kana. Ang gusto ko lang sumali ka samin hindi ko naman alam na ito gagawin mo" pagkasabi niya nun umalis na siya
.
.
.
.
."Fret?" narinig kong tawag sakin ni roxanne. Lumapit silang dalawa sakin.
"Saan ka ba galing ha? Kanina ka pa namin hinahanap girl" tanong ni roxanne pero hindi ako sumagot
"Alam mo bang pumunta kami sa bahay niyo pero wala ka dun sabi ni tita Olivia hindi ka pa daw umuuwi sainyo mula kaninang umaga kaya nag- aalala na kami sayo ng sobra di ka naman sumasagot sa mga tawag at text namin" sabi naman ni jewel
"May tinulungan lang ako pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Nasa locker din yung cellphone ko kaya hindi ko nasagot mga tawag. Pasensya na talaga kayo"
"Ayos ka lang ba?" tanong ni jewel
"Oo ayos lang ako. Hindi ko lang alam kung ayos yung taong tinulungan ko bigla na lang kasi siya nawala?" sagot ko
"Hay nako ang bait mo talaga girl. Sayang lang di ka namin napanood kanina" Roxanne.
"May next time pa naman eh" sabi ko
Magsasalita pa sana ako ng mag vibrate cellphone ko
Kuya kong pogi calling. . . . .
[Bunso? Ikaw ba yan? Bunso asan kana ba? Buti na lang sinagot mo na tong tawag ko. Bunso?]
"Kuya ayos lang po ako. Pasensya na po ngayon ko lang na sagot ang tawag niyo. May nangyari lang po kasi pero pauwi na po ako"
[Mabuti naman. O sige susunduin na kita dyan]
"Wag na po kuya. Kaya ko na po. Kasama ko naman sila jewel eh"
[Sigurado ka bunso?]
"Oo kuya"
[Sige ingat ka]
"Opo kuya"
Tot tot tot
"Kumain muna tayo sa labas gutom na ko eh" Jewel.
"Hehe ako din gutom na ko kanina pa ko walang kain kakahanap sayo girl kaloka ka" sabi naman ni roxanne
-CRISTOFF-
"Bro asan ka ba kanina ha? Hindi mo ba alam na mabaliw baliw na kami maging maayos lang program" raffy
Nasa bahay kasi yung dalawa ngayon
"Tapos ngayon ngingiti-ngiti ka lang dyan ibang klase ka bro san ka ba galing?" tanong naman ni gelo
"Nasa bahay ako"
"Wag mo nga kaming lokohin bro pag katapos mo kaming iwan kanina tapos nandito ka lang sa bahay niyo?" Gelo.
"Oo na sa bahay lang ako. Tinamad akong pumasok. Ako na nga nag-ayos sa lahat eh. Tsaka na kaya niyo naman ah ng walang tulong ko kaya okay lang yan hahaha"
BINABASA MO ANG
Fall (On-going)
Teen FictionMali ba yung pinasok ko? Mas maganda ba talagang nanahimik na lang ako? Pero kilala ko sarili ko ayoko ng nananahimik lang. Pero paano kung isang katulad ni Zeym Cristoffer Del mundo ang makabangga ko? Mas gugustuhin ko pa bang lumaban o manahimik n...