Siya si Levid ang mukhang demonyong bata.Halos lahat ng tao sa kanila ay ayaw sa kanya. Ang kanyang ina (Merry) ay inilayo rin sa kanya sapagkat demonyo daw siya. Nasanay na si Levid mag isa, ang truck niyang laruan ay isa sa kanyang itinuring na pamilya at kaibigan. Si Levid ay hindi masama, ngunit sa mata ng mga tao sa Baranggay Judgemental, siya raw ay ibinuhay ni Satan upang mag hasik ng langgim at mag bigay ng walang hanggang kamalasan.
Kawawa si Levid halos nabuhay siya na walang karamay at mag isa lamang sa buhay. Ang kanyang ina ay walang nagawa kundi sundin na lamang ang utos ng mga tao sa Baranggay Judgemental. Kapalit nito ay mabubuhay si levid, makakapag-aral, at makakain ng libre.
Ang ama ni Levid ay matagal ng idineklarang patay, ngunit hindi makita ang bangkay nito. Sinasabi rin ng mga tao sa Baranggay Judgemental na si Levid ang dahilan kung bakit yumao ang kanyang ama.
Tinanggap na lamang ni Levid kung ano siya at kung paano makitungo ang tao sa kanya. Nung baby pa si Levid robot ang nag alaga sa kanya. Ito ay gawa ng kanyang ama bago lumisan sa mundo, naka program na sa robot na kailangang protektahan at alagaan ang mga mahal niya sa buhay. Ang robot na ito ay nakakamangha dahil sa kanyang anyo at pag-iisip na parang tao. Ang pangalan ng robot na ito ay si Tobor.
Bago paman mahilayo si Levid sa kanyang ina. Nagkapag usap na sang kanyang ina at si Tobor.
Ina ni Levid (Merry): Tobor sana'y makinig ka ng mabuti sa aking sasabihin. Si Levid na lamanng ang aking anak ang iyong bantayan at alagaan. Huwag ka nang mag-alala saken, ang kaligtasan lamang ni levid ang gusto kong matamo niya. Ayoko ng mawalan pa ng mahal sa buhay, baka 'di ko na alam ang gagawin ko kung pati ang aking anak ay mawala narin. Kaya nag mamakawa ako Tobor ingatan mo ng mabuti si Levid.
Tobor: Opo master, itataga ko po sa bato na si Levid ang inyong anak ay aalagaan, babantayan, at papalakihin ko ng mabuti.
Napakabuti ni Tobor kay Levid. Naging malusog na baby si Levid kahit robot ang nag alaga sa kanya.
Nang sumapit ang apat na taon napaninirahan ni Levid sa mundo. Nagsimula na itong mag-aral, diyan niya naranasan ang ma bully nang malayoan at masabihan ng mga di kaaya-ayang salita. Halos di makayanan ni Levid ang ginagawa sa kanya ng mga ka-klase at mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit ang guro nito ay mukhang nangdidiri sa kanya.
Hindi na nakayanan ni Tobor ang pinaggagawa ng mga tao kay Levid. Kaya ipinagtanggol niya si Levid. At ito ang naging dahilan kung bakit si Levid ngayo'y nag-iisa. Nasira si Tobor nag over heat. Kung tao pa si Tobor siguradong na high blood 'to.
Sa edad na apat, natuto na si Levid maging independent. Hindi si Levid pinalaki ni Tobor na aasa lamang sa kanya. Palagi ni Tobor sinasabe kay Levid na; baka bukas mawala na ako, paano kana nalang? Matalinong bata si Levid kaya madali niya itong naintindihan.
Si Levid ngayo'y ay siyam na gulang na. Kilala naman niya ang kanyang ina. Nagkikita sila ng pa sekreto simula ng mawala si Tobor. Mabait at maganda ang ina ni Levid. Kaya 'di makapaniwala si Levid na si Merry ang kanyang ina.
Hindi naman natin maitatanggi na isang bata parin si Levid. Kaya't na pag-iisipan din nitong mag laro. Nakipag laro si Levid sa kanyang truck na laruan. Masaya naman siya kahit wala siyang kalarong bata. May nakakita sa kanyang dalawang bata pero binale wala niya lang ang mga ito. Nainis sa kanya ang dalawang bata sa walang kadahilanan. Kaya pinagbabato siya ng bato ng dalawang bata, natamaan ang kanyang truck na laroan at nabitawan niya 'to. Binato uli siya, ngayon naman natamaan yung isang sungay niya at naputol. Nagalit si Levid kaya bigla niyang sinugod ang dalawang bata. Napaka bilis nang kanyang pagkakalapit. Nakapalag ang isa at ang isa naman ay parang naiwang naiihi. Sinuntok niya ang naiwang bata. Sa sobrang inis ni Levid nakalimutan niya na ang tama sa mali. Pagkatapos niyang suntukin yung bata, umuwi nalang siya kasama ang nasira niyang truck na laruan at ang kanyang bagong putol na sungay.
Ilang minuto na ang nag daan matapos niyang suntukin yung bata. 'Di niya inakalang magagawa niya yun. Kaya ngayo'y feeling niya ay isa nga talaga siyang demonyo.
Hindi ordinaryong suntok ang nabitawan niya sa bata. Ito'y napakalakas at mapwersa kaya para itong sinabogan ng limang five star sa mukha.
Nanganganib ngayon ang buhay ni Levid sapagkat nag sumbong si bata1 sa mga nakita niya kung paano daw binogbog ni Levid si bata2. Napaka exaggerated ng pagkakakwento ni bata1, pero kumagat ito dahil masyadong makikitid ang mga ulo ng mga tao sa Baranggay Judgemental kaya naniwala sila sa sinabe ng bata.
Napakaraming tao ang sumugod sa bahay ni Levid bitbit ang kanilang torchlight brown out kasi. Hindi kasi uso ang flashlight, lamp, at kandila sa kanila.
"Hoy Demonyong bata lumabas ka diyan sa pamamahay mo! Salot ka! Hindi namin kailangan ang demonyong tulad mo! Sabi ng isa sa mga sumugod. Tawagin nalang naten siya bilang Chaka dahil wala ngayon sa katinuan ang pag-iisip ko.
"Oo, hindi ka namin kailangan! Puro ka kamalasan at kahihiyan sa ating lugar! Mas masahol ka pa sa Hayop! Tarantado baka sa sunod patayin mo na kami! Tama na ang makasakit ka ng isa kaya't habang maaga pa dapat mawala na ang salot na katulad mo! Ipatapon ang demonyo na yan!" Sumangayon naman ang ibang mga chaka kay chaka1 at chaka2. Walang ng nagawa si Levid kundi sundin na lamang ang kagustuhan ng mga chaka sa labas ng bahay niya. Dahil sa pagbabanta na susunugin nila ang bahay niya.
Pagkalabas na pagkalabas ni Levid sa kanyang bahay ay may dalawang maskuladong lalaki ang humarang sa kanyang daan. Hinawakan ang kanyang magkabilang kamay ni Maskulado1 at pinusasan naman ito ni Maskulado2.
"Saan niyo ko ipupunta?" Nag tatakang tanong ni Levid. "Wag kang mag-alala sigurado kaming magugustohan mo dun. Meant to be yata kayo ng lugar na iyon. At sabay na nagtawanan na parang mga bakla ang dalawang maskulado.
"Ipatapon ang demonyo na yan sa Kadilimang Gubat! Bagay silang mag sama dahil pareho naman silang gawa ni Satan!" Ang Kadilimang Gubat ay mas kilala sa pangalang Black Forest o Demon's Forest sapagkat kilala 'to kahit sa ibang bansa. Walang may gustong pumasok sa gubat na iyon dahil sa napaka pangit at mala demonyong aura neto.
Medyo malapit lang ang gubat na ito sa Baranggay Judgemental kaya't nag lakad lang sila papunta dun. Nang makarating sila ay tinanggal na ni Maskulado2 ang pusas ni Levid. Minanmanan ng Dalawang maskulado si Levid hinintay nilang makapasok si Levid bago sila umalis.
Pagkapasok ni Levid sa Kadilimang Gubat ay nagulat ito sa kanyang nakita. "Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako nanaginip?"
Ano kaya 'tong nakita ni Levid sa Kadilimang Gubat at ganun na lamang ang kanyang naging reaksyon?
YOU ARE READING
IMAHINASYON
RandomHi guys/pards/bro o kung ano man ang dapat naitawag sa inyo, pag pasensyahan niyo nalang itong kabaliwang umaandar sa utak ko. Share ko lang sa inyo yung mga unbelievable story ko. At tyaka pag tyagaan niyo lang muna kung paano ko e deliver ang mga...