Ray Hayley's pov.
Hmm saturday pala ngayon bonding time with the gang.
Bumaba na nga muna ako para makipag chikachika sa mga bruha naging busy kami this week as in hindi kami masyado nakakapag usap.
Dinatnan ko naman sila sa may pool side mga trip talaga noh.
"Tara Ray, swimming haha" yaya sa akin ni Francine.
"Sige lang Francine lunurin kita jan haha, Oh himala ata Azrah hindi ka na swimming ngayon?" tanong ko naman kay Azrah
"I dont want too baka umitim yung skin ko haha sayang nang gluta." Nag inarte ang bruha.
"As if nagpapaputi ka lang sa twin brother ni Alexa di ba Alexa Krizel? hahaha" Asar din ni Francine.
"Sinabi mo pa haha but infairness bagay kayo Azrah ayiee!" panunukso ko din.
"Shut up guys, ano ba yan ang lalandi nyo mga ulul." sabay inom nang juice niya na uhaw ang bruha.
"Nagsalita ang walang Drake!" pinandilatan ko nga si Katie bwisit to nadamay pa kami.
Pero ayos na kami hindi naman pala siya nakipaghalikan doon sa Vanessa na yun hinatak lang pala siya! WHAT A BITCH EW!
"Guys got to go! May tuitor ako ngayon bawi ako sa susunod girls haha pass muna ako" biglang litaw ni katie.
"Hindi namin alam na naga tuitor kana pala ngayon" singit ni Alexa.
"So ngayon alam niyo na? sigi na bye." tapos biglang alis.
Sino naman kaya ang tinuturuan nun? ang hirap talaga maging student council haha bestluck nalang kay katie.
Katie Alexandra's pov.
Jusko may lakad pala ako ngayon scratch that may tuitor pala ako ngayon.
Saturday na saturday nakakainggit tuloy ipapahinga ko na lang ikakahighblood ko pa doon sa Cortes na yun wag niya ako susubukan ngayon bwisit pa ako sakanya siniraan niya ako kay mam Karumaldumal.
Almost 15 mins. na ako dito sa tapat nang mall bwisit talaga nasaan na kaya yung epal na yun? Usapan nami 10 am! 10:15 na! Nako nako sabi ko na kupal talaga ang loko.
"Boom!" biglang sigaw nang sa likod ko.
"Ay anak nang kabayo kambal!"
napasigaw naman ako sa gulat.Aba't! Sinong animal ang gumul--- ..
"Hahahaha takte may kambal palang nanganganak na kabayo hahahahahahaha" bwinibwisit talaga ako nang isang to.
"Tigilan mo ako Cortes hindi ako natutuwa sayo." Sagot ko nang walang ka emosyon emosyon.
"So what's up now? Ano ba gagawin? Matatalo ako sa Dota ko nito." Reklamo niya.
"Wala kang karapatang magreklamo! Tumahimk ka hindi ko kelangan nang opinyon mo!" Sigaw ko sakanya.
Pinagplanuhan ko na gagawin namin kagabi ang dami kong plano sa physical appearance nitong kupal na ito at sa ayaw at sa ayaw nya sususunod siya.
"Just follow me." matipid na sabi ko sakanya.
"Hoy Ms.Councilor I'm telling you huh" I just rolled my eyes.
Napunta na kami sa isang salon.
"H-oy anong binabalak mo ha?!" medyo na uutal niya pang tanong.
"Ano sa tingin mo?! Upo!" Sigaw ko.
Nandito na kami sa salon at tumpak papa-gupitan ko yung sungay nya joke yung buhok nya na daig mo pang dora sa bangs kulay pula pa ang buhok na mas lalong nagpapa-kulo nang dugo ko!