This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
All Rights Reserved. Yourtypicalscribbler. 2016
Started: May 24, 2016
NOTE: Sana po ay basahin ninyo hanggang dulo. Maraming salamat!
***
Beginning
"Woooh! Liel!"
"Isa pa! Isa pa!"
"Ang galing mo talagang kumanta!"
Hiyawan ng mga nanonood ang sumalubong sa akin matapos kong kumanta.
It's my concert. I'm having my first ever concert. This is my dream: to be a singer. Nagsimula ang lahat ng ito mula nang may nag-offer sa akin ng recording contract. Parang kailan pa nga lang ay isa lamang akong ordinaryong kolehiyala. Then, boom! Heto na ako ngayon.
Patuloy pa rin ang hiyawan at sigawan ng mga tao. Napangiti ako.
"So, ready na ba kayo sa special guests ko?" sigaw ko sa mic. Hinarap ko pa sa kanila ang mic senyales na gusto kong marinig ang sagot nila.
"Yes!" sigawan nilang muli.
"Hindi ko na patatagalin pa ito," panimula ko, nangingiti pa rin. "Let us all welcome, Sponge Cola!"
Dumagundong ang buong Arena. Lahat ay mukhang excited dahil sa bandang inimbitahan ko.
Sponge Cola is my favorite OPM band kaya naman sila ang napili kong gawing guest. I'll sing five songs with them.
"Good evening everyone!" bati ni Yael pagkalabas niya kasama ang kanyang mga kaanda. "Are you enjoying the night?"
Sumigaw ng "yes" ang mga nanonood bilang sagot sa tanong niya.
"Huwag na nating patagalin 'to. Let's do this!" Nakangiting bumaling sa akin si Yael. Tinanguan ko naman siya.
This is it!
"Feel free to sing with us," nakangiting sabi ko.
"First song, Jeepney." Nagsimula na ang pag-strum ng gitara. Si Yael ang unang kumanta na sinundan ko.
"Panyo mo sa aking bulsa
O ang kahapon ay naroon pa rin
Tawa nati'y humahalay
Sa init nating dalawa"
Patuloy lang ang pagkanta namin. Sinasabayan din kami ng lahat ng nanonood sa pagkanta. Nakataas pa ang kanila mga kamay na animo'y nagse-sway pa. Feel na feel nila ang kanta.
Ako din naman. Feel na feel ko din ang kanta. Each song brings back memories.
Nasa ikaapat na kanta na kami nang saglit kaming huminto.
"Nag-eenjoy ba kayo?" tanong ko.
"Yes!" sagot nila sa akin.
Tuwing ganito ang nakikita kong saya at suporta sa akin ng mga tagahanga ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam.
"Last two songs nalang," singit ni Yael. "Balita ko, paborito ni Liel ang susunod na kanta. So, simulan na ulit natin."
Lalo pang nag-ingay ang crowd.
"Next song, Makapiling Ka."
That song...
Sinimulan na ang pag-strum ng gitara. Si Yael ulit ang nagsimulang kumanta na sinundan ko.
"Minsan
Nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita muli"
Napangiti ako. Napangiti ako dahil sa lyrics ng kanta. May naalala ako.
Inilibot ko ang paningin ko sa dagat ng mga tao. Napapangiti ako. It's my first concert pero marami na ang sumusuporta sa akin na nandito para manood.
Patuloy lang ako sa pagsuyod ng tingin sa mga tao. And there... sa dinami-rami ng tao ay napansin ko pa siya.
I saw him, standing meters away from me, smiling. I never thought na pupunta siya dito sa concert ko.
Napangiti akong muli. Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya. Wala naman sigurong makakapansin na sa kanya ako nakatingin.
Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka
Makapiling ka
Bawat linya, tagos sa kaibuturan ko. Tagos na tagos.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang mangilid ang mga luha ko.
Kasabay ng pagpikit ko ay ang pag-agos ng mga alaala. Tuloy-tuloy ang pag-agos. Mga alaala. Mga alaala kong kasama siya. Napakalinaw pa sa akin ng mga iyon na parang kahapon lang nangyari.
Parang kahapon lang...
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?