"Mommy di ka pa po tapos mag gift wrapped?" Nakangusong tanong ni Baby Percy sa akin.
Tinabi ko ang kahon na tapos ko nang ibalot at nilapag ko ito sa center table at bumaling sa Baby Percy ko.
Nakangiting hinaplos ko ang malambot na buhok nito at umunan naman ito sa lap ko.
"Malapit na Baby naiinip ka na ba?" Malambing na tanong ko sa anak ko.
Agad naman na umiling ito at saka tumingala sa dingding kung saan nakasabit ang Painting na kagagawa gawa ko pa lamang.
Family Potrait naming apat nina Jasper ako, ni Baby Percy at saka ni Baby Princess.
I want to remember her cute and chubby smiling face na kahit wala na sya sa amin ay para pa din syang kasa kasama.
Nung makita nga ni Jasper na tapos na ang Oil painting na ginagawa ko napaiyak sya nang mamasdan nyang muli ang mukha nang panganay namin.
Di nya kasi alam na mga mukha namin ang pinipinta ko ang alam nilang dalawa ay landscape ang pinipinta ko dahil sorpresa ko nga sa mag ama ko ang Painting pag natapos na ito.
"I---I terribly miss our first born kahit na di sya gawa sa natural na paraan at di natin alam na nabuo sya ...still I'm glad na atin talaga sya na dugo't laman natin sya Jasper..." naluluha na din ako at naramdaman ko na niyakap ako ni Jasper at hinagkan sa buhok ko.
"I know Themarie our feelings is mutual I just have one regret...sana nakinig ako sa puso ko at di pinanaig ang pride ko sana imbes na iniuwi ko si Princess sa mga Mama dito na lang sana sa bahay natin and even if Princess's time is short in this world we spend it happilly para may mga happy moments tayong babalik balikan pag namimiss natin sya..." namamaos ang boses na sagot nito sa akin.
"Yes tama ka nga....but you know God gave us a second chance sa katauhan nang anak natin na si Percy kaya naman we just have to make sure we don't screw this time around" natatawang wika ko dito.
Napangisi na din ito at hinalikan ang noo ko.
"Yeah...our little sweet develish rascal...I just don't know kung saan nagmana ang Anak natin at wala na syang malay gawin kundi ang sirain ang sexy time nating dalawa" Jasper chuckled at embraced me again.
Lagi kasing nakikitulog sa tabi namin si Percy kahit na pinapatulog na ito ni Jasper sa talagang kwarto nito ay ayaw nitong sumunod.
Kaya naman napakadalang na magkasarilinan kaming mag asawa...
"Maybe he takes after me ganyan din kasi ako nun bata pa ako nakikitulog ako lagi sa Papa't Mama ko and I remember the sour look on my Father's face when my Mother agreed...It's epic!" Natawa ako nang mahina maya maya pa ay napasigok na ako.
Natataranta naman na agad na kumuha nang tissue si Jasper at pinunasan ang mga luha ko.
"Themarie don't cry alam natin na di matutuwa at mapapakali ang Papa't Mama sa langit knowing na malungkot ang Prinsesita nila" anito.
Tumango ako dito at pilit na ngumiti.
"Mommy magagalit ba sa akin si Ate Princess sa heaven if malalaman nya na yung regalo ko sa kanya na chocolate nun birthday nya ay kinain ko kanina?" Napukaw ako sa tanong ni Baby Percy sa akin.
Agad na umiling ako dito at hinaplos ang buhok nito.
"Alam ko na hindi kasi love ka nun at binabantayan ka nya sa heaven at mas nanaisin pa nya na kainin mo yun Chocolate kaysa magutom ka" sagot ko dito.