A Lifetime of Smiles (My Kuya's Assistant special chapter)
***
Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Thomas sa garden nang umagang 'yon.
It's been a year when we got married at heto na kaming dalawa ngayon.
He bought a house sa kaparehong subdivision ng bahay namin ng parents ko. Pinili niya ang may malawak na garden at tinulungan kami ng Mommy Almira niya sa landscape.
Na-meet ko na din ang second family niya. Dinala din niya 'ko sa puntod ng tunay niyang magulang the next day after niya 'kong haranahin at yayaing magpakasal.
Nagresign na siya bilang right hand ni Kuya pero company lawyer pa din naman siya. Tinulungan kasi niya ang kapatid niyang si Luis Alfred na magtayo ng sarili nilang Law Firm.
Ako naman, inaasikaso ko na ang J Trends habang si Cassidy naman ang bahala sa shop namin sa Italy.
Napahinto kami sa tapat ng maliit na fountain, sa heart mismo ng garden.
Nandito kami kasi may surprise daw siya sa 'kin. Hihi. Excited na 'ko.
"Happy anniversary, Jen, I love you," sabi niya at kinintalan ako ng halik sa mga labi.
"Happy anniversary din and I love you, too," tugon ko at yumakap sa kanya.
"I've got something for us."
Naglabas siya ng dalawang plane ticket mula sa bulsa niya.
Napamaang ako. Trip to Italy!
"Alam ko nami-miss mo na sina Cassidy so how about mag-vacation tayo don kahit isang linggo lang?"
"You don't have to do this, Thomas," sabi kong naiyak.
"But I love you, wife. At isa pa, nabitin ako sa honeymoon natin, eh," pilyong sabi niya.
I pinched him on the side.
"Kaya nga mahal din kita, Attorney, eh!"
Hinalikan niya 'ko sa noo at niyakap nang mahigpit.
"Alam mo, may surprise din ako sa'yo," sabi ko at tiningala siya.
"Talaga?"
"Uhuh," at may inilabas naman ako sa bulsa ko.
Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kasal ako sa pagkagwapo-gwapong abogadong ito. Kasi naman, kinikilig pa rin ako.
Nagdi-date pa rin kasi kami sa baywalk at kumakain ng street foods, one time, napakain na rin niya 'ko ng sisiw ng balut at naloka ako. Masarap naman pala talaga. Hehehe.
Kapag weekends naman, nanonood kami ng cartoons at sabay na nagsisimba.
Kinakantahan niya din ako kapag matutulog na kami sa gabi. At siyempre, naghihiraman pa rin kami ng toothbrush. Bwehehe. Quiet lang kayo, ha.
Nagkakatampuhan kami nitong mga nakaraang araw dahil sa moodswings ko pero napaka-understanding talaga niya. At sana sa gift ko, mapasaya ko siya.
"Ano 'to?" nakakunot ang noong tanong niya nang ibigay ko sa kanya ang maliit na parang rectangle na nakabalot.
"Gift ko. Pasensiya ka na, 'yan lang ang nakayanan ko," sabi ko pa.
"Jen, everything you give means so much to me," pakli niya at pinunit 'yong wrap.
Nangingiting hinintay ko ang magiging reaction niya.
Natigilan siya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin.
Pregnancy test kit ang binigay ko sa kanya and it's positive.
"M-magiging tatay na 'ko.. ."
"I'm six weeks pregnant!"
Tapos napahiyaw siya at binuhat ako.
"Jen, magiging tatay na 'ko!"
Tapos napatili ako nang iikot niya 'ko.
"Hindi mo lang alam kung gaano mo 'ko napasaya ngayon. Thank you for coming into my life. Mamahalin pa kita, kayo ng mga magiging anak natin. I love you, Jen, I love you, I love you!" at inangkin niyang muli ang mga labi ko.
"I love you more, Thomas. Masayang-masaya ako na ikaw ang magiging ama ng mga anak natin," naluhang sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.
"This calls for a celebration, huh. I can't wait to tell everyone about the goodnews."
"Ako din. Kaya maghahanda ako ng lunch and Sandy told me she's gonna help me. Alam na niya kasi siya ang unang nakapansin."
"Is that so? Just make sure na hindi ka mapapagod masyado, okay?"
"Of course. I'm sure Kuya will be furious kasi naunahan pa natin sila."
Nagkatawanan kaming dalawa.
"I love you, Mrs. Aguirre," sabi niya at niyakap na naman ako nang mahigpit."Kaya pala ang sungit mo nitong mga nakaraan, eh."
"Pasensiya ka na. Natural lang daw kasi 'yon, eh."
"I know. At aalagaan pa kita. I have to make sure na sa 'kin magmamana si Thomas Aguirre Jr."
"Oh? Sigurado kang lalaki ang panganay natin, ha?"
"Oo naman. And he will be whatever he wanted to be."
"Sounds wonderful to me," nakangiti kong tugon.
*** ** *
BINABASA MO ANG
A Lifetime of Smiles (MKA special chapter)
RomanceMy Kuya's Assistant special chapter. All Rights Reserved ©2013