Si Kim Ambriciosa ay isang highschool student sa isang exclusive school. Siya ay maganda, mabait, masipag, at higit sa lahat matalino. Nasa Star section siya ngayon. Napaka-tiyaga niya kasing mag-aral.
Si Kim ay may kaibigang lalaki na nag-aaral din sa isang exclusive school. Siya si Ivan; Hindi kagwapuhan ngunit gentleman, matalino, at mayaman tulad niya. Nakilala niya si Ivan sa simbahan. Parehas kasi silang choir member ng simbahang iyon. Mabilis silang naging close dahil napaka-friendly nitong si Ivan. Kuya ang turing ni Kim kay Ivan. Tuwing linggo, lagi silang magkasama ni Ivan pagkatapos ng misa sa simbahan kung saan sila nagka-choir.
Isang gabi, may unknown na nagtext kay Ivan.
Textmate: Hello. :)
Ivan: Who’s this?
Textmate: I’m Icy. Hinulaan ko lang ang number mo, wala kasi akong magawa eh.
PAUSE ~
Icy – kaklase ni Kim na close friend na din. Cute, Mayaman, Makulit, Maarte, at Tamad.
Ivan: Hi. Ilang taon ka na?
Textmate: 14. You?
Ivan: 16. Saan ka nag-aaral?
Textmate: Sa St. Rita School. Second year. Eh ikaw?
*Nagulat si Ivan dahil sa St. Rita nag-aaral si Kim at Second year din.
Ivan: Sa Westridge Highschool. Uy. I have a friend there. You know, Kim Ambriciosa?
Textmate: Uy! Classmate ko yun, close nga kami nun eh. Close Friend mo din siya?
Ivan: Bestfriend. :D Tamang-tama, susunduin ko si Kim bukas sa school niyo. We can meet.
Icy: Sige. See you tomorrow, I'm excited to see you. Goodnight.
Ivan: Okay Bye. Goodnight.
Kinabukasan .. After classes sa St. Rita school .. Naghihintay na si Ivan sa gate ng St. Rita School para sunduin si Kim at makita si Icy. On the other side ..
Icy: Kim! Sabay na tayo pauwi.
Kim: Uhmm .. May kasama ko eh. Pero sige.
Icy: Si Ivan?
Kim: (nagulat) Pa .. Paano mo nalaman? Kilala mo siya? Paano?
Icy: Naka-text ko siya kagabi. Tapos sinabi niya na magkakilala kayo at sinabi niya rin na pupunta siya dito ngayon para sunduin ka.
Kim: Ay weh? Haha. Ambilis naman ni Ivan makipag-meet.
Icy: Tss .. Tara na excited ako makita siya eh.
Kim: Ay Taray. Lande .. Joke. :DDD
Sa gate ..
Kim: Hoy Ivan!
Ivan: My cute puppy!!!
Kim: -_______- tsss .. Pero atleast nandun yung word na cute. Matagal na kong Cute! Oo nga pala. Si Icy yung katext mo kagabi.
Icy: Hi. J
Ivan: Hi. Gusto mong sumama samin sa mall? Libre ko! J
Kim: WEEEEEHHHH????? Pero Game! Tara Icy?
Icy: Sure. Kaso baka ma-OP ako?
Ivan and Kim: HINDI YAN!!!
Nagpunta sila sa mall. At halatang nag-enjoy naman silang tatlo. Hindi nagtagal naging close friends si Icy at Ivan. Magkakasama sila laging tatlo at magkausap lagi sa cellphone si Icy at Ivan, hindi minsan nakakasama si Kim. Dahil sa malapit na pagsasamahan, may namuong feelings si Icy kay Ivan.