Chapter 48
"ANO??!!"-sigaw ko. Nabigla talaga ako sa mga sinabi ni Princess. Paanong... paanong nangyari yun? Lumipat na si Aira? At dun na niya sa Vigan ipagpapatuloy ang pag-aaral niya? Hindi ko maintindihan! Bakit di niya sinabi sa akin lahat ng iyon? Bakit ganon? Masyado naman atang biglaan yun! Tsaka bakit diko alam? Bakit di niya sinabi sa akin? Pwede niya naman akong i-text or i-email ah! Mababasa ko naman yun eh, kaso nga lang hindi ko marereplayan. Pero... ang gulo lang talaga! Ang gara!
"Nagulat nga rin ako eh. Tinanong ko pa nga siya kung ganun ba yun ka importante at kailangan niyang lumipat pa ng school? Hindi niya naman yun sinagot. Ewan ko Vince, naguluhan din ako eh!"-paliwanag pa ni Princess.
"Bakit naman naging ganon? Bakit hindi ko alam? Diba dapat sa akin niya yun unang sasabihin?"-sobrang naguguluhan kasi ako eh.
"Oo nga Vince, kaso diba nga wala kayong communication?"
"Kahit na! Pwede niya pa rin naman akong itext or i-email eh."-ewan ko ba! Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko alam pero ayun lang ang nararamdaman ko ngayon. Tapos kunga ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Ewan!
"Sige na Princess, salamat sa info! Sorry na rin sa istorbo."-sabi ko pa
"O--okay lang. Basta babalitaan na lang kita kung sakaling may makuha pa akong info tungkol kay Aira."
"Okay. Thanks! That will help a lot."-at binaba ko na yung phone.
Umupo na muna ako sa kama ko at nag isip-isip. Pero kahit na anong pag-iisip ko, hindi ko pa rin maisip ang dahilan ng biglaang alis ni Aira. At hindi ko rin maintindihan kung bakit niya iyon hindi sinabi sa akin. Naguguluhan din ako kung bakit ako kinakabahan. Ano bang nangyayari? Hindi ko alam at dapat ko iyong malaman.
Kinuha ko ulit ang cell phone ko dahil naisip kong tawagan si Brayan. Baka kasi alam ni Brayan ang dahilan ng biglaang pag alis ni Aira.
~* Dialing... Brayan
"Oh pre napatawag ka? Anong oras na ah"-sagot niya agad
"May itatanong lang ako pre."
"Siguro sobrang importante niyan no? Ano ba yan?"
"Alam mo ba yung kay Aira. Yung lumipat na siya ng bahay at school?"-hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung kaba ko. Basta kinakabahan ako na nag-aalala na natatakot.
"Oo pre! Tumawag siya sa akin kanina."-balewalang sagot niya sa tanong ko na ikinagalit ko. Kanina niya pa alam yun tapos hindi man lang siya tumawag sa akin?! Diba dapat sasabihin niya agad sa akin yun dahil ako ang boyfriend ni Aira at karapatan kong malaman ang mga nangyayari sa kaniya. At.. at bakit pala parang pinag kakaisahan ako? Bakit ako lang ang walang alam? Ako pa talaga? Akong boyfriend ni Aira? Diko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan at nalilito ako!
"Alam mo na pala pero hindi ka tumawag sa akin?!"-medyo tumaas ang boses ko nun.
"Eh akala ko busy ka sa try out mo eh!"-sabi pa niya.
"Busy nga ako! Pero importanteng info yan diba? It is all about my girlfriend moving back to Vigan! You must tell me that in the first place because you know that I am her boyfriend. I must know everything about Aira!!"-hindi ko na napigilang sigawan siya dahil naiinis ako. Siya ang kaibigan ko at dapat lang talaga niyang sabihin sa akin yun.
"Wait, wait wait! Are accusing me that it is all my fault? You know Vince, if you didn't cut your communication with Aira, she will tell you everything! So stop blaming me with your own fault!!"-sigaw din niya. Nagulat ako sa kaniya, bakit siya pa ang nagagalit? Diba dapat ako?
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...