CHAPTER FIFTY FOUR :))

370 6 0
                                    

Chapter 54

Time heals every kind of wounds.

Siguro nga tama 'tong quote na 'to. Kailangan ko talaga ng time para makapag-move on. Hindi naman kasi pwedeng pang habang buhay na lang ako iiyak diba? Kailangan ko ring makalimot. Kailangan ko ring maging masaya sa kabila ng lahat ng malulungkot na nangyari sa akin. Mahirap mang tanggapin na yung babaeng iniimagine kong makakasama ko sa habang buhay, ay meron na palang mapapangasawang iba. Kailangan ng tanggapin talaga. Wala na kasi tayong magagawa e.

Isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung nangyari ang gabing iyon. Pero ginagawa ko na ang best ko para di na yun isipin. Focus muna ako sa pag-aaral ko at sa training ko. Next year na rin kasi yung laban ko sa europe. Kailangan ko ng mag training para mapag handaan yun.

"Hindi ka ba papasok Vince?"-sabi sa akin ni mama nung nakita niya ako sa kwarto ko na nakatulala lang at nag mu-muni muni. Pinatawad ko na rin pala silang lahat. Hindi ko naman kasi kayang mag tanim ng galit o sama ng loob sa kanila e.

"Mamaya pa pong 9:30."-sabi ko naman sabay tayo sa kama ko.

"O sige. Ikaw ang bahala. Nga pala, aalis muna ako ah! Naka handa na ang almusal mo run."-tapos ngumiti siya sabay lakad na palayo sa akin.

"Salamat ma! Ingat ka!"-sigaw ko na feeling ko naman ay narinig niya. Salamat talaga at may mama ako na katulad niya. Ang swerte ko lang talaga.

Mga 30 minutes muna akong nag tagal sa kwarto ko kasi binuksan ko muna lahat ng accounts ko sa social media. Nung tinamad na ako, naligo na ako.

Mga 9:30 ako natapos sa lahat. Sinadya ko talagang mag pa-late dahil mas late naman talaga sa akin parati yung prof namin e.

Mga 10:00 ako nakarating sa school at dumiretso na ako sa classroom namin. At tama nga ako, wala pa yung prof namin. Umupo na ako sa upuan ko at nilagay ang lahat ng gamit ko. Hanggang ngayon, sinasanay ko na ang sarili ko na wala si Aira sa paningin ko. Dati kasi, halos lahat ng babaeng makita ko ay si Aira ang nakikita ko. Pero babalik tayo sa kasabihang "Time heals any kind of wounds". Kaya ayun, kahit papaano, nakatulong ang isang buwan kong pag mo-move on.

"Lagi na lang malalim ang iniisip mo ah!"-napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Nicole na nakangiti sa akin.

"O Nicole! Anong ginagawa mo rito?"-sumimangot siya sa sinabi kong iyon. May mali ba sa sinabi ko?

"Masama bang kamustahin ko ang tito ko?"-sarcastic na sabi niya sabay irap. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya.

"Kain tayo! Nagutom agad ako e."-sabi ko sabay hawak sa ulo niya at naglakad na ako palabas ng classroom.

"Wala ka bang klase?"

"Wala ata! Tara na! Samahan mo na ang tito mong gwapo!"-sabi ko pa na hindi lumilingon sa kaniya.

"Loko ka talaga tito e! Pero sige. Sasamahan kita kahit saan!"-sabi niya agad nung naabutan niya na ako sa paglalakad ko. Tapos tumingin pa siya sa akin na nangaasar sabay tawa ng malakas.

"Loko ka rin e! Sige samahan mo ako sa kahit saan ah! Tsaka wag mo akong iiwan! Tatlo na lang kayo nila mama at lola ang babae sa buhay ko!"-nakangiting sabi ko sa kaniya sabay akbay at halik sa buhok niya.

"Awww! Oo naman tito! Hinding hindi kita iiwan dahil ikaw, si kuya, at si papa lang ang mga lalaki ko sa buhay."-tapos ngumiti pa siya.

Naglakad na kami na naka akbay lang ako sa kaniya. Mabuti na lang at may tatlong babae sa buhay ko ang hindi ako iiwan.

Nung nakarating na kami sa cafeteria kumain na agad kami at syempre libre ni Nicole. Nagtitipid kasi ako ngayon. Hahaha

"Tito..."-nasa kalagitanaan na kami ng pagkain nung bigla siyang nagsalita.

"O bakit?"-sabi ko sabay kain ulit.

"Ano kasi e..."-tumigil muna ako sa pagkain ko at tumingin sa kaniya, nakayuko lang siya. Anong nangyari rito?

"Kasi ano?"-nakataas lang ang dalawang kilay ko sa kaniya.

"May. M--m-may bo-b-boyfriend... May boyfriend na po kasi ako e."

...

...

...

...

...

~*Mga 2 minutes

"ANO??!!"-napasigaw at napatayo ako sa sinabi niyang yun. Nakita ko rin na nagtinginan ang halos lahat sa akin at hindi ko yun pinansin. Tae! Kakasabi ko lang na wag niya akong iiwan tapos may boyfriend na siya? Hahaha

"Umupo ka nga tito! Nakakahiya! OA nito!"-aba? Inirapan pa ako?

"Sino yang tukmol na yan?"-tapos hinimas himas ko yung baba ko na para bang may bubugbugin.

"Maka tukmol ka naman tito! Gwapo yung boyfriend ko FYI"-aba? Inirapan na naman ako.

"Actually..."-tapos tumayo na siya. "Kaya nga ako pumunta sa'yo kasi ipapakilala ko siya sa'yo."-at hinawakan niya na ang kamay ko at tinangay niya na ako.

Nakarating kami sa badminton court.

"Bakit tayo nandito? Hindi pa nga ako tapos sa kinakin ko e."-naguguluhang tanong ko.

"Paulit ulit naman tito! Papakilala nga kita sa boyfriend ko! Tsaka hayaan mo na yang pagkain mo. And dami mo na kayang nakain!"-tapos irap na naman. Busog na ako sa irap nito ah!

Pumasok na kami sa loob ng court at si Dave agad ang unang nakita ko kaya lumapit ako sa kaniya.

"Uy pre!"-bati ko

"O pre? Anong ginagawa mo rito?"

"Ano kasi pre, sabi sa akin ni Nicole. Papakilala niya raw sa akin yung boyfriend niya. Ewan ko nga kung sino yun e."-ewan ko pero biglang napalunok si Dave sa sinabi kong yun. Nung tinignan ko naman si Nicole, nakayuko lang siya.

"O Nicole? Asan na ba yang boyfriend mo?"-tanong ko pa sa kaniya. Nagulat na lang ako nung iniangat niya ang kamay niya at bigla niyang tinuro si Dave. Nakayuko pa rin siya at nung tinignan ko si Dave, pinagpapawisan siya at nammumutla.

"IKAW?!"-sigaw ko. Hindi siya kumikibo dahil halata sa kaniya na natatakot siya sa akin. Loko 'to ah! Pamangkin ko pa ang papatusin.

"IKAW BA DAVE?"-medyo galit na yung boses ko. Hindi na naman siya nagsalita dahil lumunok siya ulit.

"Bingi ka ba?!"

"Ah. O-oo p-pre. Ako nga!"

"Loko ka ah!!"-susuntukin ko na sana siya pero hindi ko tinuloy yun at sa halip inakbayan ko na lang siya. Narinig ko lang siyang napabuntong hininga at tinawanan ko lang siya ng malakas. Nakakatawa kasi yung mukha niya e. Takot na takot lang. Kala mo naman bubugbugin ko talaga siya e.

"Wag mong lolokohin 'tong pangkin ko kundi lagot ka sa amin!"-sabi ko pa sabay naglakad na ako palabas ng court.

Dumiretso na lang ako sa tennis court dahil tinext ako ni Michael na hindi raw darating yung prof namin. Isa lang kasi ang subject namin ngayon kaya dumitetso na lang ako. Nag training lang ako maghapon hanggang sa napagod na lang ako.

Nakauwi ako sa bahay ng mga 7:00 dahil pumunta muna akong mall dahil may binili lang ako.

Wala pa si mama sa loob kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Humiga na lang ako at nag muni-muni.

Mabilis lang parati ang araw ko. Sobrang boring pa araw-araw. Tapos na naman pala ang isang araw. Tapos magiging isang buwan na, tapos isang taon! Ewan ko ba? Kahit gusto kong lubusang sumaya, hindi ko pa rin magawa. Siguro nga time lang talaga ang kailangan ko. Tsaka sa loob pala ng isang buwan puro ganito lang ang ginagawa ko. Pasok-Training-Tulog. Pero aaminin kong nakakatulong ito sa pag mo-move on ko.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon