●●Chapter 8: Camp(Day 1)●●

47 10 3
                                    

•••Xyndryx•••
    

Maaga akong lumabas sa bahay dahil ang usapan ay dapat nasa school na kami ng 8:00am.

     
Nang makarating ako, marami na silang nandito dahil 7:30 na.
   
 
Nandito na rin sina Aya at yung dalawa. Tinignan ko yung mga dala nilang bag. Woah, as in wow! Hindi ko maiwasan kontrolin yung ekspresyon ng mukha ko.
   
 
Si Zedric ay may dalang tatlong bag na talagang bag na pang-camping. Si Aya naman ay dalawang bag lang. Si Vivian...may dalawang maleta, apat na bag at may dala pang isang maid at butler.
   
    
“Hoy Vivian! Aba, aba. Hindi tayo magbabakasyon ng 5 years no! three days lang tayo doon, three days!”sigaw ni Aya sakanya. Vivian rolled her eyes. Pinaayos niya nalang sa maid niya yung gamit niya para maging two to three nalang yung bag niya pero baka maging three to four pa rin dahil sa marami nga siyang dala. Pinagalitan ni Aya eh. Well strict si Aya sa mga gantong bagay, basta connected sa studies.
  
 
“Ikaw! Yung nakabag ng green!”napatingin naman yunh estudyante na tinawag niya. Nakalimutan ko, siya rin pala yung taga-check samin.“Bakit ka naka-high heels aber? Change it, now!”agad namang napatakbo yung tinawag niyang yun.
   
 
Napatingin siya sakin,“Not bad. Next!!”sigaw niya.
   
   
At noong matapos na niya kaming i-check, sumakay na kami agad sa bus.
  
  
Nauna akong pumasok at umupo sa first na upuan at umupo sa tabi ng bintana.
  
  
Sa kabilang side ay nakita ko roon si Vivian at Zedric na nagseselfie na.
    

Habang ako naman, wala pang katabi-- meron na pala. Kakaupo lang ni Aya sa tabi ko. Sumilip ako sa likurang bahagi ng bus pero wala na palang bakante.
    
  
Habang umaandar ang bus, napapikit nalang yung mga mata ko dahil na rin siguro sa puyat.
   

*************

“Xyndryx! Nandito na tayo!”rinig kong sigaw ni Vivian. Ha? Ano ba, gusto ko pang matulog eh!
  

“Manong iwan na namin tong isang to dito sa bus.”sabi ni Zedric at diniinan talaga yung place kung saan ako natutulog ngayon. Ha? Sa bus? Okay lang, makakuwi naman ako ng mag-isa ko lang eh.
  
   
“Argh! Zed! Kuha ka nalang ng mainit na tubig, baka di pa siya naligo eh!”waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Agad akong napatayo at nauntog. Aish!! Aya naman kasi eh!
   

Bumaba na kami sa bus at kami nalang pala yung hindi nakababa dahil sa akin at yung iba naman ay nagsisimula nang magpatayo ng sarili nilang mga tent. Maganda ang napili nilang venue.
  

Kami ni Zedric ang magkatent. Agad kaming humanap ng  magandang pwesto at nakakita kami ng puno at wala pang nagpapatayo dito kaya tumakbo kami palapit baka maunahan pa.
   
  
Nilapag muna namin yung mga gamit namin at ipinatayo na yung tent.
  
  
After a few minutes.....
    

Lumapit kaming dalawa sa pinagpapatayuhan ng tent ng mga girls at nakita si Aya at Vivian na wala pa ring naipapatayong tent nila at nakaupo lang sa gilid at kumakain tsaka nag-uusap.

    
Kasi hindi naman pwede na magkahalo yung boys sa girls di ba, kaya naman parang rectangle yung field at sa gilid lang pwedeng magpatayo dahil na rin sa ibang events na inihanda nila at yung center ay kasali din. Sa left side ay yung girls na banda at sa right naman ay yung boys.
  
   
“Vivian! Nasan yung tent niyo?”nagtanong ka pa Zed, it's very obvious na hindi pa sila nakakapagpatayo ng kanila.
    
   
“Oh, hi there Zed. Kanina pa namin kayo hinihintay. As my boyfriend and Aya's childhood friend,”sabay turo ni Vivian sa akin,“kayo na ang bahala. Salamat! Alam kong matulungin naman kayo.”sabi niya at wala rin kaming nagawa.
    

She Existed(ON-GOING)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon