That Thing Called One-Sided Love

45 3 19
                                    

Masarap magmahal. Pero alam naman nating may kaakibat itong sakit. Kahit iwasan mo mang masaktan, masasaktan at masasaktan ka din. Kaya nga minsan, mas pinipili na lang ng tao na iwasan ang magmahal. Sa pamamagitan nito, maiiwasan din nilang masaktan.

Maski ako, ginawa 'yan. Iniwasan kong mahulog ang loob ko sa isang tao. Ayokong magmahal, dahil ayokong masaktan.

Oo, nagkakagusto ako sa mga lalake. Pero hanggang doon lang 'yon. Hindi na lumalalim pa.

There's this guy na nakilala ko through soundcloud, a site where you can upload your own songs or listen to other songs. Mahilig kasi talaga ako sa music kaya gumawa ako ng account dito. So one time, may nag-pm sa aking classmate ko na i-follow ko daw si @0J9J0K1 sa soundcloud. She told me na gumagawa daw ito ng covers at maganda naman daw 'yung boses.

So sinunod ko siya. I followed @0J9J0K1, and listened to his song covers. In fairness, ang ganda nga ng boses niya. Ang sarap sa tenga pakinggan. 'Yung tipong, kahit nasa boracay ka nakikinig sa mga kanta niya ay lalamigin ka talaga, dahil sa lamig ng boses niya.

In-add ko sa playlist ko ang mga song covers niya. Nagustuhan ko talaga lahat. Ang mas nakakuha lang ng atensiyon ko ay 'yung cover niya ng 'Paper Hearts'.

Ang lamig ng boses niya, sobra. At ramdam na ramdam ko 'yung emosiyon. Ramdam ko kung ano 'yung gusto niyang ipadama sa mga nakikinig sa kanya.

It's a sad song, and I wonder if may pinagdadaanan ba siya. Saan niya hinuhugot 'yung emosyon? Talaga bang na-experience niya nang masaktan kaya napapadama niya ng ayos 'yung emosyon ng kanta?

Days passed at puro song covers niya na ang pinapakinggan ko. Compared to songs nowadays na walang sense at puro mura lang naman 'yung laman ng lyrics, mas maganda talaga 'yung sa kanya. 'Yung kahit hindi niya naman sariling kanta ay at least, nabigyan niya ito ng hustisya.

Naging habit ko na ang pakikinig sa mga covers niya.

One day, 'yung classmate ko na nag-suggest sakin noon na i-follow si 0J9J0K1, ay nag-pm sakin. Sabi niya, she just found out na youtuber din daw pala 'tong si 0J9J0K1 guy. Agad ko namang sinearch ang channel niya nang malaman ko 'yon.

What surprised me ay nang makita kong dance covers ang pinopost niya rito. Hindi lang pala siya magaling na singer. Magaling din siyang dancer. Actually, he can also rap. May isang video doon na in-upload niya wherein kumakanta siya habang sumasayaw. May rap part din sa kanta, and I must admit na ang galing niya ring mag-rap. Sobra siyang talented.

And to be honest, he's also handsome. No wonder bakit sa 5 months niya dito sa youtube ay nakagain agad siya ng 709,362 subscribers. Kasi talented na siya, gwapo pa.

Nababasa ko pa sa mga comments na tinatawag siyang 'The Golden JJK'. May fanbase agad siya.

At unti-unti ay nagiging fan niya na din ako. Hanggang sa maging ultimate fan. Ang saklap nga lang dahil hindi niya naman pinapansin mga comments ko sa videos niya. Like other celebrities and populars, hindi din siya 'yung tipong nagrereply sa mga comments. Siguro dahil walag time? Or siguro ayaw niya lang talaga mag-reply.

One day ay narealize ko na lang na unti-unti na pala akong nagkakagusto sa kanya. I'm having a crush on him already.

At kahit medyo labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko na lang ito. All my life iniiwasan ko ang magkagusto sa lalake, kasi baka mas lumalim lang 'yung nararamdaman ko sa kanya, tapos sa huli ay masasaktan lang din naman pala ako.

At ngayon ngang nagkakagusto na naman ako sa isang lalake, siguro kailangan ko na lang iwasan na mas lumalim pa 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman siguro mahirap pigilan ang pagmamahal. 'Yung mga lalakeng nagustuhan ko nga dati ang dali ko lang nakakalimutan e. Hindi naman lumalim ang feelings ko para sa kanila. Siguro pareho lang din 'yung nararamdaman ko para sa kanya sa naramdaman ko sa ibang lalake noon.

But I realized I was wrong. I was completely wrong.

Ang akala kong feelings na hindi na lalago, ay lumago pa. Akala ko mawawala din 'yung nararamdaman ko para sa kanya, ngunit hindi pala. Sa araw-araw kong panunuod ng mga videos niya, akala ko hindi ito makakaapekto sa nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit hindi. Ito pa nga ang naging dahilan kaya mas lumalim 'yung nararamdaman ko para sa kanya.

Dahil dito ay tinigil ko ang panunuod ng videos niya. I also stopped listening to his songs. Tinigil ko din ang pag-aabang sa updates tungkol sa kanya sa isang fansite. I did all of that kasi akala ko kung gagawin ko 'yon, ay mawawala 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Nahuhulog na ako. At ayokong tuluyan pang mahulog. Kaya pinilit ko ang sarili kong lumipad. Kahit imposible ay sinubukan ko.

Pero nabigo ako. Hindi ko pala kayang hindi siya makita kahit isang beses sa isang araw. Hindi ko pala kayang hindi mapakinggan ang napakalamig na boses niya.

Kailangan ko siya. Hindi mabubuo ang araw ko na wala siya.

At sa araw na 'yon, narealize ko na hulog na hulog na pala ako.

At ang saklap lang at sa isang taong sikat pa talaga ako nagkagusto. Sa tao pa talaga na hindi man lang ako kilala, at hindi man lang alam na nag-eexist ako.

Langit siya, lupa ako. Ang gasgas.

Bakit ba kasi sa lahat ng tao, doon pa ako nahulog sa taong hinding hindi mapapasaakin? Bakit?

Kapag may nakikita akong edited pictures niya at ng mga celebrities na nalilink sa kanya, kumukulo agad ang dugo ko. Parang gusto kong pumatay ng wala sa oras. Pero wala na din naman akong magawa kasi wala naman talaga akong karapatang magalit. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong hamak na tagahanga na kalaunan ay na-in love sa taong hindi mapapasaakin.

Oo, ang sakit. Napakasakit. Pero ininda ko 'yung sakit kasi alam ko namang kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon, kasi hinayaan ko ang sarili ko na mahulog.

Ito na ang kabayaran sa pagiging tanga ko.

Hangga't hindi nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi rin matatapos ang sakit at paghihirap ko.

Haaay. . .

Kaya ayokong magmahal e.

~💔~

L's Note:

This story is based on a true story.

Charot.

Anyweyz, tenkyu sa lahat ng bumasa, sa mga napadaan lang, sa mga magvovote, at magcocomment, sobrang thank you!

Dedicated to sa asawa ko na sobrang paasa </3. Para sayo 'to. Kaso wala ka namang wattpad kaya hindi ko maidedicate ng ayos sayo. lol

Vote. Comment. Share.

Thank you! 😘

That Thing Called One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon