"Dapat hindi tayo matakot masaktan sa buhay
Dahil ito lang ang patunay na buhay tayong tunay."
- Ayra VillionNawala man si Krimson sa buhay ko, natuto naman akong maging matatag despite the problems.
Mabuti nga umuwi na sina Mommy at Daddy para may kasama na ako sa bahay; may kakuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay at may masasandalan pa kapag may problema. Araw-araw nilang pinaaalala sa'kin na lahat ng bagay na nangyayari may dahilan. Bakit? Para araw-araw maibsan ang lungkot ko tungkol sa mga nangyaring krimen na fresh na fresh pa sa utak ko.
Mag-iisang buwan ng patay si Krista, yung high school friend ko na pinatay sa birthday. Sana naman natanggap na ng pamilya niya yung mga nangyari, at sana nakakuha sila ng hustisya dahil sa panghabangbuhay na pagkakulong ni Ivan. Yun namang babaeng sinaksak, balita ko maayos na rin daw. Yung bahay naman namin, maayos na, naipayos na ni Daddy. Si officer Ramon naman, mabuti nalang at mabilis na gumaling. Braso lang pala yung tinamaan sa kanya. Plus back to business na yung Indigo Coffee Shop. Si Nica? Ewan ko dun, malakas na tao yun.
Maayos-ayos na ang mga aftermath ng krimen ni Ivan. Pero yung una, hindi pa tapos. Oo, patay na si Krimson, at oo napuntahan ko na ang kanyang libingan, kaso, di ko pa kilala ang pamilya niya maliban kay Dustin.
Kaya pagkatapos ng malling namin nina Mommy at Daddy nagpaalam akong pumunta kina Krimson. Kumatok ako sa bahay at binuksan ng Nanay niya ang pinto. "Anong sa'tin iha?" tanong ng Nanay ni Krimson. "Tita, good afternoon po." bati ko.
"O, Ayra, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dustin na nasa likod ko pala, kakarating lang daw galing sa lakad nila ni Yvonne. Hindi ko alam anong ang isasagot... Pano ko ba toh sisimulan?
"Nay, si Ayra po. Kaibigan ko, tsaka... Nay, siya po yung naging girlfriend ni Kuya." pakilala ni Dustin. Natahimik bigla si Tita at nalungkot noong narinig ulit yung pangngalan ni Krimson. "Tita, nandito po ako para humingi ng patawad dahil hindi ako pumunta sa burol ni Krimson." sabi ko.
Tahimik pa rin si Tita at pinapasok ako sa loob ng maliit nilang bahay.
Di kaya ako mahohostage dito!? Ay teka! Ayra, ano bang iniisip mo!?
"Tita, sobrang lungkot ko po kasi non kaya di ako dumalaw. Sinisi ko po kasi yung sarili ko... Sorry po talaga." sabi ko. "Alam mo iha, lahat kami nalungkot sa nangyari. Hindi mo kailangang isisi sa sarili mo ang nangyari kay Krimson, pinatay siya, at isang buwan na ang nakalipas. Ipagdasal nalang natin na sana tahimik ang kaluluwa niya at masaya siya kung nasan man siya." sagot ni Tita. Niyakap ko si Tita at sa kanya umiyak. "Salamat po Tita." sabi ko. Normal lang naman na nalungkot ka, e mabuti ka nga sinisi mo lang sarili mo, e itong si Dustin ko halos pumatay ng tao." pabirong sabi ni Tita. Tumawa naman si Dustin na nasa kusina, may niluluto yata. "Alam mo, payo ko lang sa'yo ha, it's time to move on na. Pwede ka ulit magkaboyfriend at sumaya muli sa buhay mo. Huwag mong gawing sagabal ang nangyari sa ikakasaya mo." sabi ni Tita. "Opo, salamat po ulit." sagot ko.
Biglang may kumatok sa pinto. Binuksan naman ito ni Dustin. "Magandang araw Dustin, heto na pala yung mga papeles tungkol sa krimen na nangyari sa kuya mo, palit na yung mga papeles tungkol sa kaso kay Ivan." sabi ng bisita. "Sige salamat, halika, pasok ka muna para makapagsnacks naman tayo. Timing nandito rin si Ayra." sagot ni Dustin.
Tumuloy naman yung bisita at nakilala ko siya, "officer Ramon.""Oh, Ayra." sabi niya naman. "Magandang hapon po." bati niya naman kay Tita. Pinaupo siya at lumabas si Dustin sa kusina may dalang banana cue, tinapay at juice.
"Sige iwan ko muna kayo saglit." paalam ni Tita. Kaya kami nalang ni Dustin at officer Ramon ang natira sa sala habang nagsnasnacks.
"Nga pala Ayra, paki-sabi kay Nica na alam ko ng type niya ako. Pero hindi kami pwede kasi may pamilya na ako. May asawa na at dalawang anak." sabi ni officer Ramon. PATAY BINIRO KO PALA SIYA NA MAY GUSTO SI NICA SA KANYA. "Ano!? May gusto si Nica sa kanya?" tanong ni Dustin sa tonong nabigla. "Ahhh ehhh." sabi ko, patay paano ko ba toh ieexplain sa kanila na joke lang lahat. "Akala ko pa naman, ako yung gusto ni Nica." sabi ni Dustin. ANO DAW!? "Ewan ko nga sa babaeng yun, noong isang gabi rinig na rinig ko na sinabi niyang may gusto siya sa 'yo." sabi ni officer Ramon. "Pero huwag kang mag-alala Dustin, sa'yong sa'yo na siya... Tas masyado siyang bata para sa'kin." dagdag ni officer Ramon.
"Ewan, plano ko sanang ligawan siya, kaso, may mahal pala siyang iba." sabi ni Dustin. "Matututo naman siyang mahalin ka basta't galingan mo lang sa panliligaw." sabi naman ni officer Ramon. Di ko masisisi kung bakit ganito ka feeler si Ramon. Kasalanan ko toh. "Ayoko, kung ayaw sa'yo ng tao, huwag mo ng ipilit." sabi naman ni Dustin.
"Alam mo Dustin, how will you know if you won't try?" tanong ko. "Malay mo, baka ikaw pala yung iniisip ni Nica gabi-gabi; yung iniimagine niyang makaka-usap niya all night long, as in ALL NIGHT LONG; yung gusto niya makasama habangbuhay. Baka ikaw na yun, hindi mo lang alam. How will you know, if you'll let her go?" dagdag ko.
Napa-isip yata si Dustin. Ako naman, para maka-iwas sa usapan, nagpaalam ng umuwi, gusto ko na rin kasing matulog grabe na ang antok ko.
Sa bahay, doon ko binuhos lahat ng tawa na gusto kong ipalabas kanina. Sus kung sasabihin ko kaya toh kay Nica? Ay huwag na, mas mabuting kay Dustin niya malaman. In fairness, may pag-asa palang magkasila ni Dustin. Yung bestie ko... Magkakakove life na hahaha masaya ako para sa kanya. Sure naman ako, sasagutin niya si Dustin.
...
"Ayra, may naghahanap sa'yo sa baba." tawag ni Daddy. Ay baka si Nica, kaya binuksan ko ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, huminto ang mundo ko sa nakita ko. May isang lalaking nakabihis ng maayos, may dalang bouquet of roses... Siya si... "KRIMSON!?" pagulat kong tanong. "Oo ako toh, Ayra. Salamat sa pagmamahal mo. Alam mo, namiss kita. Heto, flowers for you." sabi niya. Ako naman, tahimik na gulat. "Huwag kang mag-alala, nasa paligid lang ako. Babalikan kita. I love you." sabi niya.
"Ayra, baby girl, gising." rinig kong sabi ni Daddy. "Ano bang napaniginipan mo? Bat ka umiiyak?" tanong ni Daddy. "Si Krimson po." sagot ko. Niyakap ako ni Daddy at ako naman, tulala.
Di ko man nakita ang patay na katawan ni Krimson, klarong klaro pa rin sa utak at puso ko ang mukha niyang masaya.
Sa buhay, nangyayari rin pala yung mga plot twist. Yung mga pangyayaring hindi mo inakalang mangyayari pero kailangan para maging masaya ang wakas ng kuwento.
Sa buhay ko, marami nito. Maraming nasawi, nasaktan at nalagay sa peligro. Pero lahat ng mga ito tapos na, nakamove on na kami at hopefully masaya na. Sabi nga nina Daddy at Mommy, everything happens for a reason.
Pero come to think about sa sinabi ni Krimson... Nandito lang daw siya at babalikan niya ako... Hindi kaya ipapapatay niya ako para magkakasama kami?
O...
Buhay pa siya at babalikan niya ako?
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...