Chapter 9

259 8 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

“Anong nangyayari rito? Bakit kayo nag-aaway na dalawa?”

Napatingin ang dalawa sa nagsalita, ang kanilang ama.

“Dad/tito.”

"Sagutin n'yo ang tanong ko! Bakit kayo nag-aaway?" Mariin ng saad ni Diego.

"Kung hindi naman pinagsisiksikan nitong Princess na 'to ang sarili n'ya sa lahat ay hindi naman kami mag-aaway eh." Ysabel said as she roll her eyes.

"Hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko. Gusto ko lang naman mamuhay ng tulad ng buhay ko dati."

"Huwag ka ng mag-deny. Obvious naman eh. Gusto mo kasing kunin ang meron ako dahil naiinggit ka."

"Hindi ko ginagawa 'yun. Ginagawa ko lang 'yung kung paano ko ma-e-express ang sarili ko. Ewan ko na lang kung na-mi-misunderstood mo 'yun."

"No! You just want to be the best kaya pati ako ay tinatalo mo."

"H-hin—" magasasalita pa sana si Princess pero hindi natuloy sapagkat nagsalita si Diego.

"Pwede ba! Walang mangyayari kung pareho kayo ganyan. Learn to understand each other naman at huwag naman kayo masyadong selfish."

"Ako? Dad, I am not selfish."

Pumikit ng mariin si Diego bago nagpatuloy magsalita. "Please, Ysabel!"

"Fine," sabi ni Ysabel tapos umalis na siya ng padabog kaya naman binalingan n'ya ng tingin si Princess pero umalis rin ito.

Nasaktan si Princess dahil hindi man lang s'ya nito naipagtanggol. Alam n'yang s'ya ang nasa tama kaya dapat kumampi ito sa kanya pero hindi iyon ang nangyari.

Walang nagawa si Diego kundi sundan na lamang ang unang anak. Ang legal na anak, si Ysabel.

Kumatok s'ya sa pinto ngunit puro hikbi lamang ang naririnig niya galing sa silid kaya binuksan n'ya na ang pintuan at pumasok.

Naabutan n'ya na umiiyak ang kanyang anak.

"Ysabel," mahinang tawag n'ya sa anak pero sapat na para marinig s'ya nito ngunit hikbi lamang ang kumakawala sa anak.

"Siguro nga sa tingin ng karamihan ay perpekto ka pero hindi naman natin maiiwasan na malamangan tayo, di ba? At sa pagkakataong ito, may nakalamang sa'yo at 'yun ay si Princess. Mukhang hindi naman tama na sisihin mo s'ya ng dahil lamang sa nalalamangan ka n'ya at hindi rin ata tama na pagbintangan mo s'ya na inaagaw n'ya ang lahat sa'yo well in fact wala s'yang kinukuha sa'yo."

"Now you're telling  me na ako 'yung masama at 'yung Princess na 'yun 'yung mabait. Di ba, dad?" Ani Ysabel habang nakatingin sa ama.

"Hindi ko 'yun sinasabi. Ang akin lang  huwag mo s'yang sisihin sa mga bagay na hindi n'ya intensyong gawin."

"Hindi mo nga sinasabi mo na ako 'yung masama pero base sa mga pinagsasabi mo, ako nga 'yung masama. Bakit ganun hindi naman si Princess 'yung anak mo, di ba? Dad, ako 'yung anak mo! Ako! Ba't s'ya 'yung kinakampihan mo?"

Natahimik si Diego sa sinabi ng anak dahil alam n'ya sa sarili n'ya na hindi lang si Ysabel ang anak n'ya pero hindi n'ya ito masabi sabi sa anak ng dahil sa takot.

Ganun ba s'ya naging unfair kay Ysabel?

Nang dahil sa gusto n'yang punan ang pagkukulang n'ya kay Princess ay halos nakakalimutan n'ya na si Ysabel.

"So kung wala ka ng sasabihin, dad. You are free to go out."

Wala na s'yang nagawa kundi ang lumabas sa silid ni Ysabel at nagtungo naman s'ya sa silid ng isa n'ya pang anak, kay Princess.

Pagbukas n'ya ng pinto ay nakaupo lamang si Princess sa kanyang kama at pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi pa siya umiiyak pero naiiyak na s'ya ngunit pinipigilan n'ya lamang ito.

"Princess, alam ko na kasalanan ni Ysabel 'yung nangyari dahil pinagbibintangan ka n'ya na inaagaw mo ang lahat pero hindi naman natin s'ya masisi eh. Nabuhay s'ya na s'ya 'yung pinaka sa lahat ng bagay kaya parang nagalit s'ya sa'yo nang dumating ka. Kung sana hindi mo na lang s'ya pinatulan at inintindi mo na lang s'ya."

"Intindihin? Ginagawa ko naman tito eh. Kahit nasasaktan na ko, pinipilit ko pa ring intindihin, kahit nahihirapan na ko, pinipilit ko pa ring kayanin. Ganun ko kayo kamahal. Eh ako? Ni minsan hindi n'yo ko inintindi dahil puro na nasa kay Ysabel," sabi ni Princess at dun na pumatak ang unang luha nito galing sa kanyang kaliwang mata.

Bakit? Dahil kapag ang unang patak ng iyong luha ay sa kaliwa ito ay nangunguhulugan ng nasasaktan s'ya at 'yun ang nararanasan ni Princess.

Si Diego naman ay hindi ulit nakapagsalita dahil nakokonsensya s'ya sa mga pinapagawa n'ya kay Princess. Lagi na lang kailangang umintindi ni Princess tulad ng paglilihim sa totoong katauhan nito.

Nagsalita ulit si Princess matapos ang ilang segundong katahimikan. Ang katagang mas nagpakonsensya kay Diego.

"Di ba anak mo rin ako? Bakit puro na lang si Ysabel ang nasa isip mo?"

Hindi nya kinaya ang mga tanong ni Princess kaya't nagdesisyon s'yang umalis na sa silid na iyon. 

Diego's POV

Nasasaktan ako ngayon dahil sa hindi ko sinasadya pero pareho na pala sa mga anak ko ay nasasaktan ko.

Si Ysabel, matagal ko siyang hindi nakasama dahil nagtrabaho ako sa ibang bansa ngunit walang araw na hindi ko siya inisip pero nang pagbalik ko rito ay hindi ko akalain na nagkukulang pala ako sa oras, atensyon at pagmamahal na naiibibigay ko sa kanya.

Si Princess, hindi ko alam na nasasaktan na pala siya dahil lagi ko na lang siyang pinakikiusapan na intindihin ang lahat. Hindi ko man lang na-realize na may hangganan rin pala ang pagiintindi nya. Oo, mas nabibigyan ko s'ya ng oras at atensyon pero kulang pa rin 'yun eh. Hindi ko man lang maipagmalaki sa buong mundo na anak ko sya.

Hindi ko naman ginusto ito eh. Ang gusto ko lang magkaroon ng masayang pamilya.
Magkasundo ang mga anak ko pero mukhang malabong mangyari 'yun.

Ngayon ngang hindi pa alam ni Ysabel na magkapatid sila ay grabe na ang inggit niya kay Princess. Paano pa kaya pagnalaman n'ya?

Masasaktan s'ya ng sobra pero paano naman si Princess?

Sabi nga n'ya kanina anak ko rin s'ya. Hindi lang si Ysabel.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

(a/n: medyo madrama ang chapter ko ngayon ah. Well pwede nyo namang iclick yung video sa side para mas feel nyo yung drama sa chapter na ito. Please do vote and comment. Thanks guys)

Prissy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon