Ayesha's POV
Tuesday.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino ang nakapulot ng phone ko. Kahapon kasi, tinawagan ko kaso unattended. Alam nina Janna ang nangyari kaya sinubukan din nilang icontact kaso unattended din sa kanila.
"Good morning class." Bati ni Mrs. Garcia sa harapan namin so we greeted back, "So as you all know, activities fair ngayon. Meaning, you get to choose the club of your interest."
Tumango kaming lahat sa kanya pero syempre, may kasamang ngiti yung sa akin, "Your smile is scaring me." Napalingon ako kay Cady na nakatingin lang sa harap, "Haha bakit naman?"
Lumingon siya sa akin at bahagyang inilapit ang mukha niya para bumulong, "If I know, pangiti-ngiti ka dyan dahil sa club ng Kaden na yun tayo sasali." Bumalik na siya sa original na pwesto niya saka nagdoodle.
Napabuntong hininga ako, "Uy Cads, thank you nga pala ah. Alam ko namang ayaw mo talagang sumali pero... bakit nga ba ayaw mo?" Nac-curious na kasi ako. Supportive naman sa akin si Cady on almost every aspect kaya nakapagtataka lang ang inaasal niya ngayon.
"Ewan. Hindi ko lang talaga siya feel. Alam ko namang hindi masama na magka-crush ka lalo pa at minsan lang iyon mangyari kaso di ko talaga bet eh." Sagot niya habang patuloy lang sa pagd-doodle ng kung ano.
Sumulyap muna ako sa harapan para tingnan kung ano ang ginagawa ni ma'am. Baka kasi mapagalitan kami, mahirap na. Buti nalang busy siya sa mga paperworks na nasa table niya.
Hinila ko ng kaunti ang armpad ko para mapalapit sa kanya, "Ano bang ayaw mo sa kanya? Mabait naman siya tsaka gwapo rin, sobra pa nga." Convince ko. Ang weird lang kasi siya itong may sabi na dapat may inspiration kami tapos ngayon siya pa 'tong ayaw kay Kaden.
Binitawan niya ang ballpen na gamit-gamit niya sa pagd-doodle at tumingin sa akin ng deretso, "Fine. Given the fact na mabait siya and all pero hindi pa rin maipagkakaila na mas gwapo si Kieran." Huli na siguro nang ma-realize niya ang sinabi kaya agad siyang napatakip ng bibig.
Awtomatikong lumingon kami sa bandang likuran kung saan naka-upo yung si Kieran at napaginhawa ako ng maluwag nang makitang wala siya doon. Absent yata. Mabuti naman.
Nagtagpo agad ang tingin namin ni Cads at hanggang ngayon, tila gulat pa rin siya sa sinabi niya. I get it. Ayaw niya kay Kaden dahil mas bet niya si Kieran. That's beyond impossible!
"Bakit mo naman naisip na iship kaming dalawa? Cads, naririnig mo ba yang sarili mo?" Akala ko kasi kahapon biro lang yun dahil nagwapuhan siya kay Kieran.
Tinanggal na niya ang mga kamay na nakatakip sa bibig niya, "Oo. Opinion ko lang naman yun. Basta mas gusto ko yung kapatid niya." Bakit hindi nalang kaya siya ang magkagusto dun sa Kieran na yun? Kung sabagay, hindi ko rin naman siya papayagan na magkagusto sa manyak.
Napa-isip tuloy ako. Talaga bang magkapatid sila? Ugali pa lang kasi, parang napaka-opposite na nilang dalawa sa isat-isa.
"Edi sa'yo nalang pala yun." Ipinag-krus ko ang dalawang kamay sa chest ko, "Don't me. Siya ang bagay sa'yo kaya hindi ko yun aagawin kahit nate-tempt talaga ako sa kagwapuhan niya."
Gaya ng laging ginagawa ko, hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik nalang ang upuan ko sa orihinal nitong posisyon. Bahala na siya dun sa kakapantasya.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nag-announce na si Prof ng dismissal kaya tumayo na kami. Nauna akong matapos sa pag-aayos kaya hinintay ko nalang na matapos si Cads. Habang nag-aayos siya, napadpad ang paningin ko sa piraso ng papel na nasa ibabaw ng armpad niya.
KieSha
Ito pala yung dino-doodle niya kanina. May mga guhit na hugis puso pa ito sa paligid kaya bumagsak ang balikat ko. Hopeless na nga talaga si Cady.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow [On-Going]
FanfictionPromises and Vows. Are they really meant to be broken?