Siyempre, sisimulan natin ang kwento sa paggising sa umaga. Halos lahat ng kwento kasi dito nagsisimula. Inisretch na ni Mika dela Fuerte ang kanyang katawan. Stretch to the left, stretch to the right. Pagtingin niya sa kanyang alarm clock na Kerokeroppi ay alas-4 pa pala ng umaga. “Ang aga pa pala,” banggit niya. Kaya, bumalik siya sa pagtulog.
Dalawang oras ang nakalipas ay buminat na naman si Mika at tumingin sa kanyang Kerokeroppi Alarm Clock at alas-4 pa. “Alas-4 pa? Ang aga pa,” sabi niya kaya umidlip muli siya.
Dalawang oras pa ulit ang nakalipas. Gumulong-gulong si Mika sa kanyang kama at feel na feel na California King bed size ito kaya naman agad siyang nahulog sa kanyang kama. “ARAY!” sigaw niya. Hinay-hinay siyang bumangon at pagtingin niya sa kanyang bintana ay sikat na sikat na ang araw. Tumingin muli siya sa kanyang Kerokeroppi alarm clock at 4AM pa. Tiningnan niyang mabuti ito at sira na pala ang alarm clock niyang Kerokeroppi.
Nakakunot ang kanyang noo, agad niyang kinuha ang kanyang Samsung Galaxy Note 2 na cellphone na nabili lang ng Mama niya sa mga Chinese Chinese na tindahan. Pinindut niya ang kanyang cellphone para tingnan ang oras at napaka-hard touch nito kaya pinindut pa niyang mabuti ito at nang makita niya ang oras ay napatalon siya sa gulat.
8:00AM na pala!
Sinunggaban niya ang kanyang tuwalya na nakasabit sa may aparador at tumakbo sa baba para maligo na. Naroon na siya sa puso na nasa likod ng kanilang bahay at 2 minutes lang siyang naligo. Dali-dali din siyang nagbihis ng uniporme at hindi na kumain ng agahan. Inilock na niya ang kanilang bahay at pumara ng taxi … err… tricycle para makarating sa kanilang paaralan, ang San Diego National High School.
15 years old na si Mika at nasa 3rd year High School na. Mahirap lang ang kanilang buhay. Ang kanyang Papa ay pumapasada lang ng jeepney, ang kanyang Mama naman ay namamasukang katulong sa isang malaking bahay. Hindi kagandahan si Mika at hindi din naman siya kapangitan. Gaya ng mga characters ng mga cliché Poor-Rich Love Story or Cinderella-theme love story ay palaban itong si Mika. Hindi agad siya sumusuko sa mga problema sa buhay at kaya niya ang lahat para lang sa kanyang Pamilya.
Pinalabas na naman siya sa kanilang classroom at pinalinis doon dahil nga late si Mika. Pinakaayaw niya talaga ang ma-late kasi mami-miss niya ang first subject. Nagmo-mop siya sa labas ng kanilang Paaralan habang kumakalam ang sikmura dahil sa gutom. Wala pa siyang dalang baon at biente lang ang pera niya, tamang-tama lang sa pamasahe niya. Huminga ng malalim si Mika at tinigasan ang loob. “Kaya ko ‘to! Pagsubok lang ito sa buhay,” ani niya at ginanahang mag-mop.
Kung meron tayong poor and palaban na bidang babae, siyempre, meron dapat mayaman at gwapong bidang lalaki. Siya si Gregoy Nathan Red Islang-bato o tinatawag na Red. Napakagwapo nitong si Red na walang panama si Daniel Padilla at Lee Min Ho sa kanya. Kahit pagsama-samahin pa ang EXO members at Super Junior ay talbog lahat sila kay Red Islang-bato. Ang nakakalusaw na mga mata nito, ang matangos na ilong, ang nangungusap na labi na napaka-kissable. Napakakinis ng kutis at napaka-puti din. Matangkad siya sa height na 5’11 sa edad niyang 15 pa lang.
Kasalukuyang nagmamaneho si Red sa kanyang luxury car na Maybach Exelero na kulay pula na imported pa galing Germany. Patungo na ngayon si Red sa Islang-bato Academy. Okay lang na ma-late siya, sa kanila naman ang Paaralang iyon. Nakasuot siya ng Armani brand na T-shirt at naka-suot din ng uniporme na hindi niya binubutones. Kulay blue ang kanilang uniform at sa pantalon nama’y bahala ka kung anong isuot mo. Nakasuot siya ng Gucci shades at pormang-porma talaga. Ang pantalon naman niya ay Calvin Klein ang brand na binili niya last summer ‘nong nasa Spain siya.
Biglang nag-ring ang kanyang Stuart Hughes’ iPhone Diamond Rose Edition na phone na nakasaksak sa isang wireless earphone. Isinuot ni Red sa kanyang tenga ang wireless earphone at sinagot ang tawag. “Oh, Dad, bakit?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
Boys Over Inheritors
JugendliteraturA Parody/Sit-Com Novel tungkol sa mga lalaki sa ibabaw ng yaman.