Hoplessromanticgirl: Pwede bang magkita na tayo?
Guitarist08 is typing...
BUZZ BUZZ
Guitarist08: Kailan?
Hoplessromanticgirl: Sa prom..
Guitarist08: Sigurado ka ba? Partner na kita sa prom?
Hoplessromanticgirl: Oo naman.. gusto ko nang malaman kung sino ka talaga.. ikaw bahala hehe
Guitarist08: Ako din.. gusto na kitang makita.
Hoplessromaticgirl: So.. ano? Sa prom na ha? Hihintayin kita..
Guitarist08: Sige.. ako din hihintayin kita..
Naglogout na ako sa website na yun at sumigaw ng napakalakas......
WAH MAGKIKITA NA KAMI WAH
Hi ako si sab :) Yung bestfriend ni france (dun sa hanggang rebound) :) Nagtataka siguro kayo kung bakit ako sumisigaw no? Eh kasi naman kinikilig ako......
Sino yung kausap ko kanina? Hindi ko din alam eh haha baliw ko ba? joke lang
Yung kachat ko kanina ay nakilala ko sa website na binigay sakin ng isa kong pinsan. Chatting online sa mga taong di mo kilala sa loob lang ng school namin...
Si guitarist08.. siya yung kachat ko. Actually may hinala na ako kung sino siya eh..
Pagtapos kong sumigaw napahiga nalang ako sa kama ko..
Hayyyyy magkikita na kami sa personal. Kinakabahan ako syempre kahit kilala ko na kung sino si guitarist08 kinakabahan ako kasi baka hindi niya ako magustuhan..
Kakaisip ko... nakatulog nalang ako.
------
"Goodmorning france. Goodmorning aldrin :)" bati ko kay france at aldrin
"Goodmorning sab" sabay pa nilang bati sakin..
"Alam niyo nakakaasar kayo.. bakit kailangang sabay pa kayo ha? Layas.. layas sa harap ko" sabi ko
"Hahaha inggit ka lang eh" sabay ulit sila -__- anoba oo na ako na inggit :( =))
Tss.. "Oh sige na bye na mga lovebirds punta na ako sa classroom at naasar ako sa pagmumukha ninyo alis.. shoo" sabi ko
naglalakad na ako papuntang classroom ng may nangakbay sakin..
"Hi sab" napatingala ako at nakita kong si kris ito
"What the hell kris? bakit ka nangaakbay ha? Tsansing ka ah.. shoo pang badtrip ka naman eh" tinatanggal ko yung braso niya sa balikat ko
Siya si kris. Clubmate ko siya sa band club. And he is very annoying. Basta ayoko talaga sakanya -___-
"Bakit ba ang sungit mo? Clubmates naman tayo ah. Para namang di tayo magkakilala" pilit padin siyang lumalapit sakin. Ughh bakit ba ang annoying nitong lalaking 'to
"Hoy. Di tayo close okay. Lumayo ka sakin pls. Clubmate lang kita. Siguro may gusto ka sakin no? Para kang higad tsk" pagiinarte ko.. nakakaasar na kasi eh
"Hoy ka din haha asa ka namang magkakagusto ako sayo.. baka ikaw?“ sabi niya at nagsmirk pa.. JUSKO UBOD NG YABANG NAMAN NITONG LALAKING ITO -__-
"NEVER as in N-E-V-E-R!! Gago!!“ at sakto nasa tapat na ako ng classroom namin at late nadin ako dahil sa ugok na 'to, pumasok na ako at umupo na sa upuan ko. Leche kasi eh panira ng mood.
"Hayy jusko ang hangin talaga nung lalaking yon" nasabi ko nalang habang inaayos ang uniform ko.
"Oh.. bakit naman bad mood ka agad sab?“ s-si Ivan.. SHET SI IVAN.. SIYA YUNG CRUSH