Lecuane's Po
Nalapit parin sya sakin. Nalayo naman ako. Hindi kami maririnig dito kasi nasa dulo ang detention. Kaya hindi kami maririnig na nagsisigawan dito. Lapit parin sya ng lapit. Layo naman ako ng layo. Hanggang sa wala na akong atrasan. Huhuhu. Sana buhay pa ako bukas. ToT
Nang nakalapit na sya sakin. Bumulong sya....."Lecuane.........."
Napatingin ako sa kanya. Ang lalim parin ng hininga nya.
"T-tulungan mo a-ako"sabi nya. Bigla syang natumba.
"Alex. Alex!"
Tinawagan ko si carla.
"Hello? Carla pumunta ka dito. Tulungan mo ako."
Tiningnan ko si alex. Nanginginig sya. Biglang lumiwanag ang buong katawan nya at bumalik sya sa dati. Nawala ang mga pakpak nya. Nawalan dim sya ng malay. Saktong dumating si carla kasama ang mga kaklase naming lalaki. Dinala namin si alex sa clinic.
**CLINIC**
"Okay na sya. Kelangan lang nya ng pahinga."nurse
"Sige po. Salamat po."
Umalis na ang nurse. Nakahiga si alex sa kama at natutulog. Lumapit ako at umupo sa tabi ng kama. Naniniwala na nga akong anghel ka. Pero bakit itim? Hindi puti. Ang alam ko lang na anghel ay mga puti. Hinaplos ko ang buhok nya.
"Naniniwala na ako sayo alex."
Tatayo na sana ako para pumasok sa klase ko pero may humawak saking braso......
"Wag mo akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko."alex
Nakapikit lang sya. Nananaginip ata ang lalaking to. Tinanggal ko ang kamay nya. Aalis na sana ako pero pinigilan nya ulet ako.......
"Sinabi nang dito ka lang."sabi nya. Nakamulat na sya at nakatingin sakin.
"Oo na."
Umupo ulet ako. Pumikit sya ulet. Bantayan ko na lang nga at baka mangyare na naman yung kanina. Kinikilabutan talaga ako sa nangyare kanina. Paulit ulit sa utak ko.
"Lj, ano bang nangyare sakin?"
Hano daw?! Hindi nya maalala ang nangyare sa kanya?
'Di mo ba maalala ang nangyare sayo?"
"Hindi eh. Ang naaalala ko lang ay yung umubob ako tapos biglang sumakit ang ulo ko at batok ko yun lang."
Tama! Baka may kagagawan ang tattoo nya sa batok kung bakit sya naging ganun.
"Alex. Patingin nga ng batok mo"
Yumuko sya. Tiningnan ko ang tattoo sa batok nya. Wala namang pinagbago. Pero umilaw to nung maging black angel si alex.
"Alex, alam mo ba kung san mo nakuha yang nasa batok mo?"
"Hindi ko alam kung pano ako nagkaroon ng markang yan sa batok ko. Nagkaroon lang ako nyan ng lumaban kami."
Hmm. Napakahiwaga naman yun. Nacucurious tuloy ako sa marka sa batok ni alex. Nakauwi na kami sa bahay. Nasa kwarto na nya si alex. Nagpapahinga. Ako na lang ang mag eenroll kay alex bukas. Nandito ako sa kwarto ko. Nagsesearch tungkol sa mga marka na may pagkamystery. Ang iba namang nakikita ko uri ng mga marka ng dyablo at engkanto. Pero hindi ko mahanap ang marka ng kay alex. Bukas sa library mag hahanap ako. Para malaman ko kung bakit nagkakaganun si alex at kung anong dahilan bakit sya nagkaganun.
BINABASA MO ANG
BLACK ANGEL
FantasySa PAG IBIG walang pinipili. Kahit umubig ka pa sa pangit, sa mataba, sa matangkad, sa pandak, sa payat kahit sino basta mahal mo ang isang tao. Pero kung umibig ka sa isang anghel? Napakaimposible naman nun diba? Pero sa istoryang to, posible yun...