Cassiopeia's POVTapos na kami kumain , namasyal yung iba kaya namasyal din ako. Sila Marj at kuya Jai nagusap , pupunta daw ng swim with the dolphins booth sasama sana ako kaso may paguusapan daw silang importante , importante eh bat dun nagpunta diba ? Ayaw lang siguro nila akong kasama. Si Danny at Shaney pumuntang mermaid booth , ung magsusuot ng parang buntot ng serena tyaka magsuswim sa malaking acquarium.
Si Adam at Iris nagpuntang Viewing the Corals booth kasama si Mariko dahil kung wala silang kasama malamang nagpapatayan na yung mga yun .Madami pang mga booths dito sa beach resort ni Lasti. May horror booth kahit wala pang November , may photo booth with some of the sea creatures pero syempre di pa ako nakapasok. Wala akong pera eh. May zipline pa nga , baka yun ang itry ko.
Namamasyal ako dito sa beach ng mapansing magisa si Lasti na nakaupo sa may bench habang may binabasang papel.
"Ahem " umpisa ko.
Tiniklop niya agad ang binabasang papel tyaka binulsa. Luh ! Nalukot na.
"What!?" Masungit niyang tanong.
"May mga tao talagang mas gugustuhing magisa hindi dahil sa mapride sila kundi dahil takot lang silang magtiwala ulit sa iba. " di ko alam kung bat yan lumabas sa bibig ko , ni walang kaconnect connect sa pagsusumgit niya basta naalala ko lang yung deal namin ni Kuya Jai.
"What are you doing here ?" Tanong niya. Aba ! Englishero na si kuya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko atyaka nagcross arms.
"I asked you first " pangangatwiran niya.
"Sagot na , dami pang etyos eh" sabi ko.
"I just want to be alone but someone came and disturbed me. " sabi niya na nakakunot ang noo.
Magsasalita sana ako ng unahan niya ako."And the person is none other than you." Pamamrangka niya.
"Makaalis na nga !" Bwisit kong sabi tyka padabog na lumayas sa harap ng boss Kong abot langit ang sungay.
"Kasi ! Siya na nga tong sinasamahan , siya pa tong nagrereklamo ! And there's someone who disturbed me chu chu chu ! English English pwede namang magtagalog !" Sabi ko ng may biglang humila sa braso ko.
"You say what ?" Kunot noo niyang tanong.
"Ano ?! Uulitin ko na naman ha ! Parang pananakit niya , Paulit ulit din?!" Sabi ko sabay walk out. Teka , san ko napulot yun? As if naman may nanloko na sakin.
Niligawan lang oo pero bf , wala pa naman. Gusto ko lang humugot , bakit ba ?!
"Where do you think youre going ?" Tanong niya tyka humarang sa dadaanan ko.
Teka ?! Paanong nakikipagusap to sakin eh kanina ang sungit sungit.
"None of your business. Sanay na akong magisa kaya shupeee ka na diyan at dadaan ako " matapang Kong sabi Sabay irap.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.