[2] Scars, Scratches, Stitches.

22 4 0
                                    

[2]

He left her with a scar on her heart. Scar that never heals. It scratches her whole being. She's like living with stitches in her heart. ---Truly yours.

*~*
"Friend, nagmumukmok ka na naman."

Sheryl was in Shanteya's apartment every other day.

"Wala nalang klase. Nakakatamad kayang lumabas. Ang init init kaya sa labas." Reklamo ni Shanteya pagkatapos ay nagtalukbong sya ng kumot.

Bakasyon na nila pero wala naman syang uuwian sa bahay kaya nag-s-stay nalang sya sa apartment nya mapa-sem break, Christmas vacation o summer vacation.

Nung nasa Pinas pa si Bass, hindi sya nakaramdam ng pag-iisa kasi halos araw araw naman silang magkasama pero nagmula ng umalis one month ago. Pakiramdam nya nag-iisa nalang sya sa mundo.

Unfair para sa iilan nyang kaibigan katulad ni Sheryl na palaging nagpupunta sa apartment nya para hindi sya gumawa ng ikakasama sa buhay nya.

Nakakabaliw talaga kapag nag-iisa.

Kung may i-ooffer Lang sanang major subjects sa summer, baka nagsummer class na sya.

Pero advance na sya ng isang seem dahil isang beses na syang nagsummer at nag-advance pa sya ng tig-isang subject per semester since nung first year sya.

Tatlong semester nalang gagraduate na sya.

October, next year sya g-graduate. She was 18 years  and 8 months old.

Oo, sobrang bata pa nya para magkaroon ng degree pero sabi nga nila, wala sa edad yan.

Ilang buwan din bago sya naka-adjust na wala nang Bass Yuzon sa tabi nya.

Naging mas close pa sila ni Sheryl ng dumating ang June. Magkablock sila at Wala din itong masyadong kaibigan kaya naging malapit sila.

Palagi itong nasa apartment nya lalo na kapag may requirements silang tatapusin.

Ilang beses na din syang nakapunta sa bahay-cum mansion ng Ramoz.

Sheryl has twin brother.

Si Sherwin...

Nahahalata ni Shanteya na binubuyo sya ni Sheryl sa kapatid nito.

She admitted, Sherwin is handsome. Yung gwapong mas lalo pang gumagwapo kapag nagsusungit.

Nagkaroon sya ng crush dito ng una nya itong makita.

Hindi nya alam kung tama bang nagustuhan nya ito kasi para itong si Bass.

Suplado sa unang tingin.

Nakakatawa nga lang na isipin na nagustuhan din nya si Bass noon ng una nya itong nakilala.

Until her admiration became love for a friend.

Until she saw Bass as a guy. Walang nakakaalam na minsan sa buhay nya, minahal nya si Bass ng higit pa sa pagiging kaibigan.

Pero naisip nya na may isang rule sa pagkakaibigan. -don't you dare fall in love with your friend.

Pinanghawakaan nya ang rule na yun kasi once na nainlove sya sa best friend nya, alam nyang masisira ang ten years na pagkakaibigan nila.

Walang naging constant sakanya nagmula pa noong bata sya.

Her mom died because of depression. Her dad left them for another woman.

Isa lang ang swerte sakanya. She was rich in money.

Walang nakakaalam non maliban sa kanya at ng lawyer ng mama nya.

Even her dad doesn't know her daughter was multi -millionaire.

At kahit na siguro malaman ng daddy nya, hindi ito magtatangkang kunin sakanya ang binigay sakanya ng mommy nya.

If she was multi a millionaire. Her dad was a  billionaire.

Ang asawa nito ngayon ang nagtatamasa lahat ng kayamanan ng daddy nya. But she didn't care about his money.

Hindi naman nakakain ang pera.

And she can live without earning money using her mother's money.

Until she met Bass. Hindi na nya maalala kung paano sila naging magkaibibigan.

She just remembered him being her friend that never leaves her by her side.

Akala nya, hinding hindi sya nito iiwan kahit kailan Pero may sariling buhay din Ito. Hindi lang sakanya umiikot ang mundo nito.

Kaya ng umalis Ito, kahit mahirap. Sinanay nya yung sarili nya na hindi naka-attach sa best friend nya.

Kung dati, walang Shanteya Marie kung walang Bass.

Ngayon, may Shanteya Marie na kahit walang Bass.

Bass was constantly communicating her thru messages. E-mails and messenger on Facebook.

Pero dahil sinasanay nya ang sarili nyang hwag ma-attach sa best friend naging madalang ang pagsagot nya sa  messages nito pati ang international calls nito.

Hanggang sa tuluyan ng nawala ang komonikasyon nila sa isa't isa.

She lost her old phone. Gusto nyang umiyak noon kasi nandoon lahat ng contacts nya kay Bass.

Hindi nya ugaling magmemorized ng phone numbers. Pati nga cellphone number nya, hindi nya memorized.

Iisa Lang ang memorized nyang number. Yung number ni Bass Nung nasa  Pilipinas pa ito.

Nakalimutan nya din ang email address nya pati ang password nito.

But then, maybe losing her phone was a blessing in disguise for both of them.

Mapapadali ang paglimot nya Kay Bass. At mawawala ang responsibilidad nito bilang best friend nya.

Masakit mawalan ng best friend. Para din kasing katulad ng pagkawala ng mama nya. Nawalan na sya ng best friend. Nawalan pa sya ng pamilya.

Parang sugat na tinahi. Kasi nagasgasan. Nahiwa. Pero nalang araw, magiging pilat nalang Ito sa puso nya. Hindi na masakit pero may marka na itong naiwan sa puso nya.

*~*

Scars. Scratches. StitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon