[8] Scars, Scratches, Stitches

18 3 0
                                    

[8]

Lahat ng una masakit. Masakit kapag unang nadapa, nagasgasan, nasugatan, nasaktan. Masakit kapag yung akala mong tao na hindi ka iiwan. Iniwan ka...--- Truly Yours

*~*

°°°°°

Shanteya woke up with the feeling of dizziness and stomachace.

Hindi sya nagsusuka kapag may hang over sya. Ang problema, Kung Hindi sya hilong hilo at naiinitan kapag nagising sya kinabukasan. Yung tyan naman nya ang nahihirapan.

Naalala nya ng una syang maglasing. Nine months ago. Yung ang lungkot lungkot nya kasi Naalala na naman nya na Hindi na sya mapupuntahan ni Bass kapag natapilok sya o kaya kapag nahiwa nya ang kamay nya o kaya nakabasag sya ng pinggan o baso at nalagyan ng bubog ang kamay.

Malala pa nga nung time na ang sakit sakit ng puson nya kasi dinatnan sya. Sabay pang parang may tumutusok na maraming karamoy sa sobrang sakit ng ulo nya. Hindi rin kasi sya makalakad kasi parang nabugbog yung puson nya sa sobrang sakit.

Iyak sya ng Iyak. Wala syang matawagan nun. Malas pa kasi naubusan sya ng napkin.

Nahihiya pa sya dati Kay Sheryl humingi ng pabor at nasanay kasi syang palaging si Bass ang nag-aalaga sakanya kapag may red flag. Ganoon sya kakomportable sa best friend nya.

Alam na nga nito kung anong araw sya dadatnan kasi nagmula ng nagsimula syang datnan, 14 years old sya noon at late Bloomer sya. Ito na ang palagi nyang kasama.

Para na nga nyang nanay at tatay si Bass.

Nagyaya yung isang ka-block nyang uminom sa apartment nito. At dahil gusto nyang makalimot, Kahit na Hindi sya malapit Kay Leigh. Sumama sya

Empe Lights, long neck ang ininom nila at dahil tatlo Lang silang nag-inuman iba ang tama sakanila.

Nagising sya noon na parang binibiyak yung ulo nya.

Kahit na hang-over nalang ang meron sya pakiramdam nya ang lakas parin ng tama ng alak sakanya kasi para syang lasing.

Nauntog sya sa pintuan ng apartment ng ka-block nya. Nadapa, natama ang braso sa edge ng table.

Literal na para syang nabugbog. May galos at pasa kasi sya sa noo at braso.

Napangiti sya ng maalala nyang pinangako nya sa sarili nyang Hindi na iinom kasi iba talaga kapag natamaan ng lintek na hang over.

Pero yung ngiti nya napalitan ng busangot.

"Aray." Daing nya kasi halos nagsabay ang kirot sa ulo nya at paghilab ng tyan nya.

Higit ata sa sampo ng bote. Anim na San Mig at walo sa T. Ice ang nainom nya kagabi kaya talagang tinatraydor sya ng katawan nya.

Napaluha sya sakit na nararamdaman nya.

Narinig nyang may kumatok sa kwarto nya.

Saka Lang nya Naalala na may kasama pala sya sa apartment nya.

"Shanteya, are you okay?" May nahimigan syang pag-aalala.

"I'm ok--- Aray!" Gusto nyang iuntog ang ulo nya sa headboard ng bed sa sobrang sakit.

Nakarinig sya ng pag-click ng doorknob.

It was Bass. Nakita nyang may hawak itong planggana na may puting bimpo.

"Pupunasan Lang kita para bumaba ang temperetura mo dahil sa nainom ko kagabi." Gusto nyang pigilan Ito Pero Wala syang lakas.

Hinayaan nalang nya itong punasan ang katawan nya katulad kapag may sakit sya.

"Sa susunod kasi dalawa o tatlong bote Lang ang inumin mo." May bahid na sermon ang boxes nito Pero lamang ang pag-aalala.

"Masarap kasi ng lasa. Kaya nasobrahan." Rason nya. Hindi sya nakasinghal o galit na magsalita.

She just said it like she was talking to Bass a year ago.

"Gusto mo ng soup? Kape?" Tanong nito sakanya pagkatapos sya nitong banyusan.

"Kape nalang..." mahina nyang sagot.

"Okay, magbihis ka na para maginhawaan Yang katawan mo. Magtitimpla Lang ako ng Kape." He said before he walked out through her room.

Napangiti sya ng sinara nito ang pintuan.

He was still the same Bass. Yung Bass na grabe Kung mag-alaga. Grabe Kung mag-alala sa kalagayan nya.

Kung tutuusin ang swerte nya kasi naging best friend nya ang katulad ni Bass.

Yung pipiliin muna nito ang kapakanan nya bago ang sarili nito.

Ang selfish nya para makadama ng galit dito.

Wala naman itong ibang ginawa kundi alagaan sya nung Hindi pa ito umaalis.

Nataon Lang talagang mas kailangan ng magulang nito si Bass... kasi may sakit ang Daddy nito.

Tahimik syang nagbihis. Komportableng T-shirt at short na lampas tuhod.

Sinusuklay nya ang buho nya ng kumatok Ito.

"Nakabihis ka na?" Mahinang tanong nito na ikinangiti nya. Typical Bass. Gentleman talaga ang best friend nya.

"Okay na," sagot nya Saka Ito pumasok.

"Higupin mo na to habang mainit pa. Makakatulong Ito sa pagibsan ng sakt ng ulo mo." He said.

"Bass..."

Tumingin Ito sakanya ng tinawag nya Ito sa pangalan. "Bakit? May Masakit ba sayo?"

Umiling sya habang nakatitig Lang sya dito. She really missed him.

Nakaupo lang Ito sa gilid ng kama nya Pero Bakit pakiramdam nya nasakop na nito ang buong pagkatao nya.

"Thank you, best." Mahina nyang pasalamat na ikinangiti nito.

Senyales yun para lapitan nya Ito.

Lumapit sya dito at niyakap nya Ito ng mahigpit.

Isinubsob nya ang ulo sa dibdib nito at Hindi nya napigilang humikbi ng maamoy nya ang natural nitong amoy. She can feel safetiness just by smelling his natural scent.

"Sorry, Bass. I'm sorry!"

*~*

Scars. Scratches. StitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon