[9]
Hindi ka nya iniwan. Ikaw ang nagtulak sakanya papalayo sayo. Ikaw ang nagtulak sakanya para iwan ka nya ng tuluyan. --- Yours truly.
~*~
They were eating their breakfast silently when she asked Bass.
Sanay na sya na pabalik balik ito pagkatapos ay aalis ulit. Routine ni Bass gawin yon sa loob ng apat na taon pagkatapos ng uwi nito noong graduation nya.
Kung bibilangin nya ang uwi nito, naka-sampong uwi na ito.
Hindi ito pumalya sa uwi sa tuwing birthday nya. New year at yung dalawa ay biglaan.
The one when she opened a publishing company two years ago.
Wala syang balak sabihin dito na nagpatayo sya ng hindi biro ang halaga ang nagastos nya. Pero dahil sa katabilan ni Sheryl na constant ang communication nila, napauwi si Bass.
Naalala pa nga nya ang sinabi nito sakanya ng malaman nito solo nya ang gastos sa kumpanya.
"Nahulaan ko na dati na mayaman ka. Pero hindi ko alam na multi millionaire pala ang best friend ko. Mas mayaman ka pa pala sa amin..."
Napailing sya tuwing naalala nya yon.
Alam naman nya na mas mayaman parin ang mga Monteverde kesa sakanya. Hamak nga lang kung ikokomopara ang apelyido nyang De Leon sa Monteverde.
She was using her mom's surname.
Tamang sabihin na kinakahiya nyang Romualdez sya kahit na alam naman nyang kung ikokompara sa Monteverde ang pamilya ng daddy nya, hindi nagkakalayo na parehong maangat sila sa buhay.
"Kamusta ang buhay sa N.Y?"
Tumingin si Bass Kay Shanteya pagkatanong nya.
"It's fine."
"Kamusta si Tito?"
"He's doing well. Kaya nga nakauwi ulit ako."
Napatango sya. "Kailan ka babalik?"
Bass shrugged. "Can we talk something else?"
Tumango nalang sya.
Ayaw din naman nyang pag-usapan ang bagay na yon pero kailangan kasi nyang ihanda ang sarili nya. She doesn't want to be 'Vulnerable Shanteya' again.
Ayaw nyang bumalik ang Shanteya na nakadepende lang kay Bass, nakadepende lang sa bestfriend nya.
Andami nyang ginawa na mga bagay na hindi nya aakaling magagawa nya nagmula ng iwan sya ni Bass five years ago.
Napangiti sya ng mapait.
Hindi na nya kayang ibalik pa ang mga bagay na yon.
Kahit na madi-dissappoint lang sa kanya si Bass kapag nalaman nito ang pinagagawa nya sa buhay nya.
"Baka naman may naiwan kang girlfriend sa N.Y.?" Biro nya dito.
"I cannot afford to have a girlfriend, Shan. Kumpanya palang, ubos na ang oras ko. Besides..." Tumitig ito sakanya ng matiim.
"I'm already in love with someone else." Bass said.
Hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng kirot. Or maybe she knew the reason why it hurts to know that Bass is already in love with someone else, she just cannot accept it.
"Whoa. Sino ang malas na babae?" She ignored the thought. Hindi pwede ang nararamdaman nya.
"Ikaw."
BINABASA MO ANG
Scars. Scratches. Stitches
General Fiction"Masakit magkaroon ng sugat. Masakit magasgasgan lalo na Kung puso ang pinag-uusapan. Para itong tinatahi ng naglakakihang karayom Pero dadating din ang araw na ang sugat magiging pilat nalang..." ©2016 Darling_Xiami's story