Prolouge
Paano kung magkakaroon ka ng isang bestfriend na sobrang baliw,makulit,pasaway,pilya minsan e engot engot. Matatagalan mo kaya siyang pakisamahan? Hanggang saan kaya aabot ang inyong pagkakaibigan kung ganyang klaseng kaibigan mayroon ka?
Iverson's POV
Sa wakas summer na. Makakauwi na din ako sa probinsya namin.Namimis ko na ang buhay ko doon dito na kasi ako sa Manila nag aral ng kolehiyo pagkatapus kung grumadweyt ng High School. Namimiss ko na din ang bestfriend kung abnormal ...hahaha..Oo abnormal talaga yung bestfriend ko na yun kung makikilala niyo lang naku ewan ko nalanh kung gusto niyo pa siyang kaibiganin pero ako kahit ganun siya ay mahal ko yun kahit baliw,pilya at abnormal ayaw ko mawala siya sakin kasi yun ang biggest fear ko ang mawala ang bestfriend ko. Simula pagkabata namin since fetus ay magkaibigan na kami kahit babae yun naku daig pa ang lalaki sa inaasal niya.Mag bestfriend kasi yung Mommy niya ay si Mama at yung Daddy niya naman at si Papa ay magkasosyo sa negosyo.
"Oh anak andito na tayo sa terminal tara na at baka maiwan pa tayo nang bus." Sabi sakin ni mama bumaba na kami ng taxi at agad na sumakay sa bus na papuntang probinsya. Mahigit na anim na oras ang byahe bago kami nakarating sa amin kung kaya ginabi kami ni Mama, wala kasi si Papa nasa Thailand for business trip kasama ang Daddy ng bestfriend ko.
Bumaba na kami ng bus at sumakay sa sumundong Van sa amin na pagmamay ari ng Lolo ko. Ako nga pala si Iverson Fondevilla ,solong anak .First year College na ako ,18years old may kaputian nasa lahi namin e at medyo chinito nadin, 5'6 ang height ko .Hindi sa pagmamayabang ha...madaming babae nagkakandarapa sakin ..haha..ang gwapo ko kasi..haha..joke lang sabi kasi nila gwapo daw ako e. Pero mayroon akong gf sa Manila months palang kami.Hindi pa alam ni Elai ..Oo nga pala si Elaiza Cruz or Elai siya ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may gf ako kasi naglihim ako pinatagal ko pa gusto ko kasi sa personal ko sabihin sa kanya.
"Tara na anak dito na tayo!"
Dito na pala kami sa Hacienda Fondevilla .Bumaba na kami at pumasok sa bahay medyo may kalakihan ang bahay namin ."Oh ang aking poging apo ,andito na pala." Agad naman akong nagmano kay Lola ..beri beri honest si Lola ...gwapo talaga ako..haha..Djuk lang.
"Asan si Lolo ?" Tanong ko kay lola.."Andoon sa kusina hinihintay kana hala sige kumain na kayo doon ng Mama mo." Utos samin ni Lola at agad naman kaming pumunta ni mama sa kusina para kumain kasama si Lolo .Alas dyes na pala ng gabi kaya pala inaantok nadin ako pagkatapos ko kumain ay agad naman akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga na.
Pagbukas ko ng kwarto ..wow! Spongebob!!! Favorite ko si Spongebob kaya puro spongebob ang design ng mga gamit ko mula sa bedsheet,kumot,punda ng unan si spongebob lahat :)
Pagsampa ko sa kama ay ..zzzzzzZZZZZzzzzz!*
*
*Tok! Tok! Tok!
"Beh!!! Wake up na !!!! Waaaaah!!! "
Blaaaaaaaaaag!!!!!!!!
Agad naman akong naalimpungatan dahil biglang parang binagsak ang pinto ng kwarto ko.Haaaaay! Andito na ang baliw kong bestfriend.Teka anong oras na ba.
"Whaaaat! 3:00 am palang! At ikaw babae bakit ganito ka aga andito kana?" Gulat kung tanong kay Elai grabe dawn palang pala andito na siya sa bahay..pambihira.
"Excited na kasi ako makita ka beh ..waaaaah !"*hug**parang bata kung makahug ..hinug ko lang din siya namiss ko din naman tung bruha na to e.
BINABASA MO ANG
My Crazy Bestfriend
Teen FictionHanap mo ba ay kwelang story? Lovestory pero my sense of humor? Aba halika at samahan ang ating bida sa kakaibang lovestory niya siguradong sasakit tiyan niyo sa kakatawa, kikiligin at paiiyakin ng story na ito. Hope you gonna Like it :)